Chapter 3 Consequences of My Actions!

6.1K 127 9
                                    

Nag aayos kami ni Fara ng mga gamit namin. Maya maya pa ay pumasok sina Zayn at Colt.

"Zayn... Naayos niyo na ba lahat ng gamit niyo?" tanong ni Fara

"Yep!" sagot ng loko!

Napansin ng dalawa na tahimik ako.

"Sky... Okay ka lang ba?! Kung di kapa ready na bumalik ng Manila, pwede pa tayong mag stay dito..." pahayag ni Colt.

Halata sa mukha ni Colt na kinakabahan siya.

"Wait! Nag aalala ka ba talaga sakin o natatakot ka lang bumalik ng Manila?"

"Natatakot ??! Ba't naman ako matatakot ??! " agad niyang tanggi.

"Sky... Huwag kang maniwala diyan ! Kanina pa yan di mapakali! Kinakabahan yan ! " pang aasar ni Zayn.

Natawa nalang kami sa reaksyon ni Colt.

"Fine! Sino namang di kakabahan?! Sky, lagot ako sa parents ko! Pero mas natatakot ako sa mommy mo !!" pag amin ni Colt.

"Ayon! Umamin din!" tugon ni Fara.

"Ba't ka naman matatakot sa mommy ?!''

"Sky... Iba ang mommy mo! Kapag nagagalit yun, eh kulang nalang mag declare ng Martial Law! Lalo na ang daddy mo! Daig pa si Marcos eh! Baka ipa salvage kami nun!!" nagbibiro pero parang seryoso ang mukha ni Colt.

"Baliw!!! Tumigil ka nga!" saway ko sa kanya.

Natawa nalang kami sa inaasal ni Colt. Parang bata!

"So anong plano mo pag dumating na tayo ng Manila?" tanong ni Zayn.

"Wala!!!" kampanteng sagot ko.

"Anong wala? Siguradong patay ka!!!"

"I know... siguradong paparusahan na naman ako... Ika-cancel lahat ng credit cards ko... Ililipat ako ng school... grounded... Wala namang bago eh! Sanay na ko noh!!! At tsaka wala na kong pakialam..."

Medyo nakakabinging katahimikan ang bumalot sa buong kwarto.

.

Kinabukasan, maaga kaming bumyahe pabalik ng Manila. Habang nasa kotse, tahimik ang lahat... Walang nagsasalita. Inihatid nila ako sa harap ng bahay. Wala talaga silang balak na pumasok. Bumaba ako sa kotse.

"Bestfriend... Mag iingat ka..." pahayag ni Fara.

"Sky... tawagan mo lang kami kung may kailangan ka..." sabi ni Zayn.

"Guys... thanks talaga dahil sinamahan niyo ako... Mag iingat kayo!" tugon ko habang nakangiti. Pinagmamasdan ko habang papalayo ang kotse. Napatingin ako sa napakalaking mansion sa harap ko. At pigil hininga akong pumasok.

Pagpasok ko sa Mansion nakasalubong ko ang dalawang kontrabida ng buhay ko na parehong naka business attire... Ang daddy at mommy ko... Swerte ko talaga!!!

Bakas sa mukha nilang dalawa ang galit.

"Da--"

Pakkkkkkkkkkk!!!!!!!!! GANERN!! *_____*

Bago pa ko makapagsalita, isang sampal ang natanggap ko mula kay daddy. Ang SWEET ng parents ko diba? Umaasa pa naman ako na pipigilan siya ni mommy pero kahit siya, walang ginawa.

"Inuubos mo ang pasensiya ko Sky. We gave you so many chances dahil akala namin magbabago ka. Sinagad mo ang pasensya ko! Now... you will suffer the consequences of your action." pahayag ng daddy ko.

Sky with Rain (masked love)Where stories live. Discover now