Chapter 49 Drunk Overnight

4.1K 111 1
                                    


Sky POV

Mukhang napapalapit ulit ako sa kanya. This is not right!!! This is not good!!!

Pero kahit anong pilit ng isip ko, hindi nakikinig yung puso ko...

Hindi namin namalayan ang oras...

Naabutan namin sina Faye, Harly at mga kapatid ni Rain na naliligo sa dagat. Enjoy na enjoy sila.

"Rain... Blaze... Halina kayo!!" sigaw ni Faye.

Napapailing nalang ako. Wala naman kasi akong dalang damit.

"Blaze... huwag mong sabihin na magiging KJ kapa sa ganitong panahon!! Ang sarap maligo oh!!" -Harly

"I don't have extra clothes..." sagot ko.

"Rain... pahiramin mo muna ng damit si Blaze..." ayon kay nanay Martha

Napatingin lang siya sakin...

Rain POV

Masayang masaya ako dahil nagkausap na ulit kami ni Blaze. Kahit paano, eh unti unting bumabalik yung dati.

Pinahiram ko siya ng damit ko. Pinipigil ko yung tawa ko dahil medyo fit sa kanya yung damit ko. Pero sa totoo lang, cute siya sa suot niya ngayon.

Bumalik kami sa dagat. Dun ko ulit nakitang nakangiti at masayang masaya si Blaze.

Mas lalo siya kumo cute... WET LOOK kung baga!!! 0_________0 hehehe

Masaya kaming lahat... Naghahabulan, Beach volleyball, at karera sa paglangoy. Syempre hindi ako kayang talunin ni Blaze noh. TERITORYO KO KAYA TOH!

Hindi namin namalayan ang oras. Mag aalas singko na pala.

Bumalik kami sa bahay at nagbihis.

Sky POV

Habang nagbibihis, kinuha ko ang phone ko...

24 missed calls...

Kanina pa pala tawag ng tawag sina Fara.

Agad akong tumawag sa kanila.

"Hello Sky... Where are you?!" -Fara

"Nandito parin ako sa bahay nina Rain..."

"What??!! Diba sinabi na namin sayo na you should be here bago magising yung girlfriend mo...!?"

"Sorry... Hindi ko namalayan yung oras. Bakit? Gising na ba siya?" tanong ko.

"Kanina pa! Tinago nga ni Colt yung phone ni Alyssa para hindi ka ma-contact. Sky... Umuwi kana... Kanina pa nagwawala yung girlfriend mo!" -Fara

"Okay... Andyan nako in 30 minutes..."

At binaba ang phone.

Pagkatapos kong magbihis, agad akong lumapit kay Faye. Dinala ko siya sa lugar na wala masyadong makakarinig samin.

"Faye... Kailangan ko ng bumalik sa hotel."

"Blaze... tungkol jan... mukhang magkakaproblema tayo..."

"What do you mean?" kinakabahan kong tanong.

Napapakamot nalang siya sa ulo niya.

"Eh kasi ano... yung driver ng tricycle na sinakyan natin kanina... ayon lasing na lasing. At saka wala ng bumabyahe pabalik ng resort sa ganitong mga oras..." paliwanag niya.

Sky with Rain (masked love)Where stories live. Discover now