Chapter 44 Game of Love

4.2K 113 14
                                    

Chapter 44

Game of Love

Rain POV

Nakasandal lang ako sa kama ko habang dino-drawing ang pinakapaborito kong subject: si Blaze.

Wala akong gana kumain. Ayoko ring lumabas ng kwarto. Kanina ko pa hinihintay si Blaze na dumating pero gabi na wala parin siya.

Naghintay lang ako ng naghintay...........

At sa wakas bumukas na nga ang pinto; dumating na siya.

Gaya ng inaasahan ko, hindi na naman niya ako kinakausap. Todo iwas lang siya sakin na parang wala ako sa kwartong to.

Naupo lang siya sa kama niya habang focus na focus sa cellphone niya. Parang may hinihintay na text galing sa GF niya.

Ano ba to?!! Ano naman ang pake ko kung may hinintay siyang text galing kay Alyssa eh girlfriend niya naman yun. Wala naman akong karapatan para magselos...

Ang gusto ko lang naman ay magkaayos na kami....

"Blaze hindi kaba napapagod?" agad kong sabi sa kanya.

As expected... nagbingi-bingihan na naman siya.

"Blaze... kung hindi ka napapagod sa sitwasyon natin pwes ako pagod na pagod na!" pinipigil ko lang ang luha ko.

Nakakainis lang dahil parang wala lang sa kanya ang lahat.

"Kausapin mo naman ako!"

At sa wakas ay napatingin siya akin. Binitawan niya ang phone niya.

"Fine! Ano bang gusto mong mangyari?"

"Gusto ko lang na magkaayos na tayo. Blaze, hindi ko na kaya na tinatrato natin yung isa't isa na parang wala lang. Kaibigan kita at gusto kong ayusin to..."

Matagal pa bago siya sumagot.

"Do you really believe na magkakaayos pa tayo? Do you really think na maibabalik natin yung dati na parang wala lang nangyari? Sa tingin mo ba maaayos mo pa yung pagkakaibigan natin? I don't think so..."

At tumulo na nga ang luha ko pero pilit ko paring pinipigil...

"Mali ba na gustuhin kong magkaayos na tayo?! Blaze, just for once lunukin mo naman yang pride mo!" tumataas na rin yung boses ko...

Hindi niya ulit ako pinansin... Tumayo siya at akmang lalabas ng kwarto.

"Blaze..." pigil ko sa kanya.

"Kahit ayusin natin ang lahat, hindi na maibabalik yung dating pagkakaibigan natin. Mas mabuti pa nga siguro kung ganito nalang. Mas hindi natin masasaktan yung isa't isa..." sagot niya sabay labas ng kwarto.

Hindi ko na talaga napigilang umiyak... Wala na nga siguro pag-asa para magkaayos man lang kami.

Hindi ba niya nakikita? Sa ginagawa niya mas sinasaktan niya ako!


Sky POV

Nasasaktan din ako sa mga sinabi ko kay Rain. Ayokong nakikita siyang umiiyak. I felt really bad because I'm the reason behind her tears.

Pero kailangan kong gawin yun...

Hindi ko narin napigilang umiyak... I never cried for a girl before. Sa kanya ko lang naramdamang magmahal ng tunay at sa kanya ko rin naramdaman kung pano masaktan ng todo.

I just wish that I could turn back the time...

.

Maya maya pa ay tumunog ang phone ko...

Sky with Rain (masked love)Where stories live. Discover now