Chapter 9 Hilik to the Bone!

5.3K 134 4
                                    

Sky POV

Mag aalas dose na ng gabi. Nakaupo parin ako sa sala. Nagdadalawang isip ako na pumunta ng kwarto. Mas lalong nagdadalawang isip ako na matulog!

Antok na antok na ko!!!

Naabutan ako ni Faye ng bumaba siya para kumuha ng tubig.

"Oh Blaze... Gising kapa??"

"Sa tingin mo?"

"Hayyy naku!!! Kung ako sayo, umakyat kana sa kwarto mo at matulog... Hindi naman aswang yang pinsan ko..."

"Hindi nga ba??!" sagot ko.

"Blaze... Sinabi ko na sayo... mabait yang si Rain... Sige na... umakyat kana... Gabi na oh ! Alangan naman na dito ka sa sala matulog... Sige na !!"

Sa totoo lang, antok na antok nako!!! Kaya..........

"Okay... I'll do my BEST para hindi mamatay ngayong gabi!!" biro ko.

"Baliw!!! Sige na !! goodnight !!"

"Goodnight..."

Umakyat nako... Dahan dahan kong binuksan ang pinto ng kwarto namin...

Mabuti nalang at tulog na siya...

Halos pigil hininga kong isinara ang pinto. Dahan dahan akong pumunta sa kama ko at humiga. Kahit paano nakahinga ako ng maayos...

"Finally... Makakatulog na rin..." bulong ko sa sarili.

Papikit na ang mata ko ng biglang may kung anong napakalakas na tunog. Di ko alam kung aso ba yun o pusa... Baka nga baboy...

Ano ba namang klaseng buhay to!!!? Kababaeng tao, ang lakas humilik!!!

Tinakpan ko ng unan ang tenga ko pero dinig parin!

Nagtalukbong na ako ng kumot pero WA EPEK PARIN!

Parang abot nga hanggang kabilang barangay ang hilik niya...

Umaga na hindi parin ako nakakatulog!!! Gustong gusto ko sumigaw ng SUNOG para magising tong sungit nato!

Tiningnan ko ang phone ko....

3:25am

Napasandal nalang ako sa kama ko... Ang sarap takpan ng unan ang bibig nito!!!

"Kahit tulog ka pala, ang ingay ingay mo parin..." tanging nasabi ko...

Inabutan na ako ng pagsikat ng araw... Hindi pa rin ako nakakatulog!!!

6:45am

Maya maya pa ay nagising na siya!!! SA WAKAS!!!

Bumangon siya at napatingin sakin... Tinitigan lang niya ako...

"Ganun ka ba talaga ka lakas humilik?? Alam mo bang hindi ako nakatulog!" naiinis na sabi ko sa kanya.

Tumayo siya at pumunta ng banyo. Di niya ako pinansin... Mas mabuti nga yun!!! MAKAKATULOG NAKO!!!

Nahiga na ko... Paglapat palang ng likod ko sa kama, ilang segundo lang, tulog nako...


Rain POV

First time ko ata to magkwento sa inyo kung pano ko nakilala ang baliw na yun!!!

Well, siya yung mayabang na bumastos sakin sa facebook... Napakayabang niya!!! Walang respeto!!!

Ako na nga siguro ang pinaka malas na tao sa buong mundo... Dahil yung pinaka kinakainisan kong tao, magiging roommate ko!!!

Sky with Rain (masked love)Where stories live. Discover now