Chapter 30 The Confession

4.6K 127 2
                                    

Rain POV

Dalawang araw nang hindi umuuwi si Blaze... Ilang beses ko na siyang tinitext pero walang reply... Tinatawagan ko pero hindi naman sinasagot...Nag aalala na ako sa kanya... Baka napano na yun...

Maaga akong pumasok... Naghintay ako sa classroom...

Hintay

Hintay

Hintay pa more...

At dumating nga siya... Umupo siya sa tabi ko... Hindi ako pinapansin...

"Bakit di ka umuwi sa boarding house??" -tanong ko pero di niya ako sinagot...

"Blaze... alam mo bang nag aalala din ako sayo... Sagutin mo naman yung tanong ko..." hindi niya ako ulit pinansin...

Kinuha lang niya ang earphones niya at pinangtakip sa tenga niya para di ako marinig...

Tumayo ako sa harap niya at hinila ang earphones sa tenga niya...

"Blaze... Ano bang problema mo??? Tinitext kita, hindi ka nagrereply... Tinatawagan kita, hindi mo naman sinasagot... At ngayon na tinatanong kita, hindi mo ako kinakausap... Blaze!!! May problema ka ba sakin?? Ano ba?!! Sagutin mo ko!!"

Nakatingin na samin lahat ng kaklase namin pero wala akong pakialam...

Hindi pa din niya ako pinansin... Sinara lang niya yung libro niya at lumabas ng kwarto...

"Blaze... Blaze...Blaze..." halos pasigaw na ako sa pagtawag sa kanya pero di niya parin ako pinansin...

Tyempo naman na pumasok ang teacher namin...

"Miss Rodriguez... Stop yelling in my class!!" sita ng teacher namin...

Kinuha ko ang bag ko....

"Pasensya na maam... pero absent muna ako ngayon... Bye..." sabay labas ng kwarto para sundan si Blaze...

"Miss Rodriguez!!! Miss Rodriguez!!!" halos mayanig yung buong building sa kakatawag sakin ng teacher namin pero nagbingi bingihan nalang ako...

Naabutan ko si Blaze sa groundfloor ng NV building...

"Blaze...Blaze... Sandali..." sabay hawak sa braso niya...

Agad siyang kumalas sa pagkakahawak ko...

"Blaze... Ano ba?? May problema ka ba sakin?? Kung meron man eh sabihin mo... Hindi yung bigla ka nalang umaalis na hindi nagpapaalam!!! Nag aalala din ako sayo!!! Sabihin mo nga... May problema ba tayo?? Blaze... Sagutin mo ako... Pleasse.. Blaz-..."

"OO MERON!!! Meron Rain!!! Nagagalit ako sa sarili ko!!! Nagagalit ako dahil hindi ko magawang magalit sayo!!!''

"Ano?? Hindi kita maintindihan... Ano bang pinagsasasabi mo...??"

Sinubukan niya ulit na umalis pero sa pagkakataon na to... hinarang ko na siya...

"Blaze... sabihin mo sakin... tungkol ba to sa nangyari ng gabing yun??"

Hindi siya sumagot... Ni hindi rin makatingin sakin...

"Blaze... kung yun yung inaalala mo... naiintindihan kita... Kung nag aalala ka na baka mag iba ang tingin ko sayo dahil sa nangyari... hindi Blaze!... Ganun pa rin yung tingin ko sayo... Magkaibigan pa rin tayo! wala lang sakin yun!!!" nakangiting sabi ko...

At tiningnan niya ako sa mata...

"Yun na nga eh... Wala lang yun sayo..." sabay alis... Wala na akong nagawa....

Sky with Rain (masked love)Onde histórias criam vida. Descubra agora