Chapter 25 Race for Love part 1

4.3K 108 0
                                    

Sky POV

Hapon ng sumunod na araw... dumating kaagad ang kotse... Ganyan talaga pag may kaibigan kang anak ng may ari ng isang shipping company...

Pinuntahan namin ang kotse sa parking lot ng hotel na tinutuluyan nina Zayn.

Tumambad samin ang isang Grey Lamborghini Reventon...

Sa totoo lang.... natatakot akong lapitan ang kotse...

"Sky... Sige na...'' -Zayn

Nilapitan ko ang kotse... Sumakay ako at dahan dahan kong hinawakan ang manibela... The moment I've touched the steering wheel, kakaibang excitement ang bumalot sa buo kong katawan...

Napapangiti ako... I've never imagined na after that terrible incident ay magkakaroon pa ako ng lakas ng loob na makipagkarera ulit...

Masaya lang ako na gawin ulit ang bagay na nagpapasaya sakin noon... Ang bagay na sumakop ng buong pagkatao ko... Ang pagkakarera...

Maya maya pa ay tumunog ang phone ni Zayn...

Napatingin siya sakin... At iniabot ang phone...

Carlo's calling

Agad kong sinagot....

"Hello... Zayn..."

"Hello... Carlo... Si Sky to..." agad kong pakilala

"Mabuti naman at kinalimutan mo na ang pagiging duwag..." -Carlo

"Anong kailangan mo?? Ba't ka napatawag??"

"Gusto ko lang siguraduhin na hindi ka aatras... Nandito na kami sa Iloilo... At pagbabayaran mo ang ginawa mo sa kuya ko..." banta niya.

"Walang problema... Pero gusto ko lang rin linawin sayo ang lahat... Makikipagkarera ako sayo kapalit ng pera... Pustahan lang!!! Gaya ng dati! "

"Pera?? Pera lang ang gusto mo??? Sige... papayag ako pero may kondisyon rin ako... Pag nanalo ka... makukuha mo ang halagang gusto mo... Pero pag natalo ka... sasama ka samin..."-Carlo

"What do you mean??"

"You'll find out..." sagot niya.

"Pano kung hindi ako pumayag sa kondisyon mo?!"

"Simple lang! Sasabihin ko sa mga pulis kung anong nangyari at dahilan ng pagkaaksidente ng kuya ko! Hindi mo naman siguro gustong madungisan ang pangalan ng angkan mo, diba?? " sagot ni Carlo.

Mukhang di biro tong pinasok ko ah!!! Baka sa makalawa eh makita nalang ang katawan ko na palutang lutang sa Iloilo river... HUWAG NAMAN SANA !!!!

"Sige!!! Pumapayag ako... 100,000 PESOS !!!...''

"DEAL!!! Pag natalo ka... sasama ka samin... Pero pag sinwerte ka... makukuha mo ang pera at hinding hindi mo na kami makikita pa...Sky... PERA AT BUHAY ANG MAGIGING PUSTAHAN DITO!!! Siguraduhin mo lang na tutupad ka sa usapan... '' agad niyang sagot.

"Marunong akong tumupad sa usapan... Hindi ako katulad ng kuya mo...''

Agad niyang pinatay ang phone... Ibinalik ko kay Zayn ang phone niya...

"Sky... Sigurado ka na ba talaga dito??"-Fara

"Oo..."

"SURE KA???" tanong niya ulit...

"Yes..."

"Really??? AS IN!!??? 100%...SURE KA???"­ -Fara

"OO NGA SABI!! Ang kulit mo!!!"

Sky with Rain (masked love)Where stories live. Discover now