Chapter 29 She KNEW!!!!

4.6K 115 1
                                    

Sky POV

Fast forward....

Mga ilang linggo na rin ang lumipas...

Nakalabas na ang kapatid ni Rain sa hospital... Nabayaran din nila lahat ng hospital bills...

Balik na silang lahat sa normal... EXCEPT FOR ME...

Ba't ganun... sa tuwing napapalapit ako kay Rain... mas lalo akong nasasaktan... Pero hindi ko naman magawang magalit sa kanya... Mas lalo akong nahihirapan dahil magkatabi kaming matulog tuwing gabi...

Gabi gabi ko pinagmamasdan ang mukha niya bago matulog... Kaya siguro kahit anong pilit kong magalit sa kanya eh hindi ko magawa...

Isang gabi... hindi ako makatulog...

Nakatingin lang ako sa kanya... Napakalapit namin sa isa't-isa... At halos maramdaman ko na yung paghinga niya...

"Ano bang meron ka at hindi ko kayang burahin tong nararamdaman ko para sayo?" bulong ko...

Nagulat nalang ako ng biglang dumilat ang mga mata niya...

Nakatingin siya sa mga mata ko... Napakabilis ng tibok ng puso ko.... MABIBISTO NA BA AKO???! DITO NA BA MAGTATAPOS ANG KATORPEHAN KO??!!!

"Anong sabi mo??" -Rain...

Agad akong tumayo at lumabas ng kwarto...

Naririnig kong paulit ulit niya akong tinawag...

"Blaze... Blaze... Blaze..." pero nag bingi bingihan nalang ako...

Habang pababa ako ng hagdan, parang nawawalan ako ng lakas... Gusto kong sumigaw... Gusto kong iuntog yung ulo ko...Gusto kong lumayo sa lugar na yun at hindi na magpakita kailanman...

"Sky... sky... sky... sobrang talino mo!!! Sobra!!! Ano nang gagawin mo ngayon?? Bisto ka na.!!! Bisto ka na!!! Ang laki mong tanga!! Ang laki mong bobo!!!" galit na galit ako sa sarili ko...

Hindi ko alam yung gagawin... lalo na ngayon na nalaman na niya yung nararamdaman ko...

Naupo nalang ako sa sala....

Pano ko siya haharapin ??? Hindi ko nga alam kung may mukha pa akong ihaharap sa kanya...

Magpakamatay nalang kaya ako....

Magbigti... Lunurin ko nalang kaya yung sarili ko sa tub.... O di kaya'y sakalin ko yung sarili ko...

AHHHHH!!! NAKAKABALIW!!!!

Rain POV

Hindi ako makatulog.... at ganun din si Blaze... pero nagtutulog tulugan lang ako... pinapakiramdaman siya...

At nagulat talaga ako sa sinabi niya...

"Ano bang meron ka at hindi ko kayang burahin tong nararamdaman ko para sayo?" bulong niya...

Biglang bumilis yung tibok ng puso ko...

Dumilat ako....

"Anong sabi mo??" tanong ko...

Hindi niya ako sinagot... Agad siyang tumayo at lumabas ng kwarto.... Tinawag ko siya ng ilang beses pero hindi niya ako pinansin...

Gusto ko siyang sundan pero natakot ako...

May gusto siya sakin... Pero naguguluhan pa rin ako...

Ba't ganito yung nararadaman ko... Di ko ma explain... Hinayaan ko nalang siya... Nahiga nalang ako at pilit na natulog... Sana nga panaginip nalang yun lahat...

Sky with Rain (masked love)Where stories live. Discover now