Chapter 50 My Destiny Star

4.4K 124 10
                                    


Sky POV

Ang sakit ng ulo ko...

Bakit ganito na ang suot ko? Nasaan naba ako...

Pinilit kong alalahanin ang lahat. Oo tama! Nagkainuman nga pala kagabi. Pero pano ako nakauwi? Sino nagpalit ng damit ko?

Agad kong kinuha ang phone ko... Deadbat!!!

Napatingin ako sa orasan na nakasabit sa dingding...

11:45 am

Agad akong napabalikwas sa kinahihigaan ko...

Patay talaga ako nito!

Agad akong bumaba... Naabutan ko si nanay Martha na naghahanda na ng tanghalian.

"Blaze.. gising kana pala... Halika! Kumain ka muna at ipagtitimpla kita ng kape." Sabi ni nanay

Naupo ako...

"Nay... nasaan nga pala sina Rain?"

"Umalis kasama sina Faye at Harly. Babalik rin naman sila maya maya."

Pilit kong inaalala ang nangyari kagabi....

"Nay... itatanong ko lang sana kung pano ako nakauwi kagabi.?"

"Ahh... Inihatid ka ni Rain. Naabutan ka kasi niya na lasing na lasing kaya inuwi kana niya dito. Siya narin ang nagpalit ng damit mo. Blaze, pagpasensyahan mo na yung tatay Reynaldo mo hah... Ganun lang talaga yun pag may mga bisita kami dito. Panata na nga niya siguro na lasingin lahat ng pumupunta dito samin..." natatawang sabi ni nanay Martha.

"Okay lang po yun..." nakangiti kong sagot.

Iniabot sakin ang isang tasa ng kape. Ang sarap talagang uminom ng kape kapag matindi ang AMATS mo!! Wooohhh!!! +_____+

After kung kumain, lumabas muna ako ng bahay para magpahangin.

Naabutan ko si tatay Reynaldo sa ilalim ng mga puno ng niyog.... Nag pipinta... nakatingin sa dagat.

Dahan dahan akong lumapit sa kanya. Alam ko na kung saan nagmana si Rain... Ang galing ng tatay niyang magpinta.

Isang lalaki at may kasamang batang babae na naglalakad sa tabing dagat... Yun ang pinipinta ni tatay Reynaldo.

"Buti at nagising kapa.." sabi niya.

"Oo nga po eh... Akala ko nga rin hindi na ako magigising eh." Biro ko...

Dun ko unang nakita na nakangiti si tatay Reynaldo. Yung ngiti na walang problema. Patuloy lang siya sa pagpipinta.

"Sa inyo rin po naman pala nagmana si Rain. Pareho kayong magaling magpinta..." sabi ko...

Bigla siyang napahinto sa ginagawa... Nilagay ang paintbrush sa box. Nakatingin lang siya sa dagat...

"Alam mo... dati nung bata pa siya... Palagi kaming dalawa naglalakad diyan sa tabing dagat. Napakarami niyang kinikwento sakin. Tungkol sa mga kaibigan niya, sa mga kakulitan na ginawa niya sa paaralan at... tungkol sa mga pangarap niya..."

Nakinig lang ako sa kwento niya.

"Bata palang siya... nangangarap na yang lumibot sa buong mundo. Gusto niya daw mag-aral ng pagpipinta. Magpapagawa daw siya ng bahay... ah hindi... Mansion daw para samin. Pero... dumating yung panahon na unti unti ng lumayo ang loob niya sakin." Medyo naging seryoso na ata to ah... Pero nakinig parin ako...

"Dumating pa nga sa punto na pinagbawalan ko siyang magpinta... Nagawa ko lang naman yun dahil alam kong imposible ng maabot niya ang mga pangarap na yun. Pag pinagpatuloy niya at nabigo siya, masasaktan lang siya... At ayokong mangyari yun..." kwento niya.

Sky with Rain (masked love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon