Chapter 15 Roommate to Classmate!

4.5K 125 5
                                    

Sky POV

It's Sunday...

Tinutulungan ko sina Faye sa paghahanda ng tanghalian namin. Naghihiwa ako ng bawang, sibuyas at kamatis... Believe it or not... Nag eenjoy ako sa ganitong routine namin araw araw...

Nagiging favorite ko na nga ang tuyo... Natuto na rin akong kumain na nakakamay lang kahit medyo awkward tingnan...

Maya maya...

tok tok tok *____*

Binuksan ni Harly ang pintuan...

"Manong... kung isa rin kayo sa mga pinagkakautangan ng mother ko... Pasenya na pero wala siya dito... Bumalik na lang kayo sa ibang araw..." sabi ni Harly agad agad...

"Ahh... Hindi... Hinahanap ko si Blessy Santos... Nandito ba siya.??" tanong ng lalake.

"Ahhh.... Si Blaze... Bakit hindi niyo naman agad sinabi?! Nandito siya... Pasok muna kayo..."

Umupo ang lalake sa sala...

"Blaze... May naghahanap sayo!!!" sigaw ni Harly. Medyo hindi ko nga narinig ang tawag niya dahil enjoy na enjoy ako sa ginagawa ko...

"Blaze... may naghahanap daw sayo..." sabi ni Faye.

"Sino??"

Nagtataka ako kung sino naman ang maghahanap sakin eh wala naman ako masyadong kakilala sa lugar nato.

Naghugas ako ng kamay at pumunta sa sala...

Lalakeng may dalang briefcase... Walang duda!!!

"Atty. anong ginagawa niyo dito??" nagulat kong tanong...

"Atty. kayo??? Blaze, may kaso ka ba?? May nagawa ka bang karumal dumal na krimen??? Oh my Gosh! Makukulong ka ba??" singit na tanong ni Harly. Medyo nagiging OA na siya!

Nilapitan siya ni Faye at hinila papunta sa kusina...

"Mabuti pa, tulungan mo nalang kami dun sa kusina... kaysa nakikisaw saw ka sa usapan ng may usapan..." ayon kay Faye sabay hila ng tenga ni Harly. *_____*

Nang masiguro kong wala na sila, umupo na rin ako...

"Bakit kayo nandito??" tanong ko.

May kinuha siya sa briefcase niya.

"First day mo na bukas sa bago mong papasukang University... Ito ang registration form mo... Nakalagay na jan ang lahat ng code, subject, schedule at kung saang room... At ito naman ang allowance mo for this week..."

Iniabot sakin ang RF at 1,500 pesos...

"Thanks..."

Di ko alam kong bakit napangiti si Atty.

"Atty. May problema ba??" nagtata kong tanong.

"It seems like nag eenjoy ka dito... Mukhang maganda ang naidudulot ng lugar na to sayo... Natututo ka ng magpasalamat." ayon sa kanya...

Napapangiti nalang ako sa mga sinabi niya.

"Alam mo atty. nag aadjust pa rin ako sa lugar... Pero medyo nasasanay na rin ako..." sagot ko.

"Good... Alam ko naman na kaya mo... more than a week ka na dito... Nahihirapan ka ba...?? "

"Medyo... Pero masasanay rin ako... and besides... I'll need to stay here for 5 months, right??"

"It depends..." sagot ni Atty.

"Yeah Right... It depends if I behave or not..." napangiti nalang ako ng maalala ang kasunduan...

Sky with Rain (masked love)Where stories live. Discover now