Chapter 5 JUDGEMENT DAY!

5.4K 139 4
                                    

At dumating na nga ang JUDGEMENT DAY!!!

Napakatahimik ng buong lugar.

Habang pababa ako ng hagdan, pinagmamasdan ko ang buong mansion. Sigurado ako na malayo ang itsura ng lugar nato sa titirahan ko.

Lumabas na ko ng mansion. Naabutan ko ang parents ko kasama si Yaya Claire.

"Nasa kotse na lahat ng gamit mo... Di narin kami sasama ng mommy mo sa paghatid sayo sa airport. Meron kaming client na kailangang kausapin..." ayon kay dad.

"Di naman kailangan... Sanay naman ako na wala kayo and I'm pretty sure na masaya kayo dahil mawawala nako dito diba?! Dahil mababawasan na ang problema niyo..." sagot ko.

"Sky... Don't start..." saway ng mommy ko.

"Sky makinig ka... You've disappointed me for so many times but I keep on giving you 2nd, 3rd, 4th infinity chances... This is your last chance to prove to us that you deserve our trust... At sana sa pagkakataong ito, gawin mo ang tama... at kung anong makakabuti sa pamilya natin... Prove to me that you deserve to be a Villareal... " pahayag ng daddy ko.

Sa tono ng pananalita niya parang wala na kong ginawang tama ah!

"You know dad.... WHATEVER!!! Wala akong kailangang patunayan sa inyo..." sagot ko sabay sakay ng kotse.

Pinilit akong di lumingon habang papalabas kami ng gate.

Nakaka badtrip na kasi! Paalis na nga ako pero gustong gusto pa nilang sirain ang araw ko!

Maya maya pa ay nag ring ang phone ko....

Tiriring.... Tiriring.... Tiriring...

"Hello...."

"Sky... nakaalis ka na ba ng bahay niyo?" tanong ni Zayn sa kabilang linya.

"Yeah... papunta na ko ng airport..."

"Oh... parang ang sama yata ng gising mo..." pansin ni Zayn.

"Sino ba naman ang di masisira ang araw?! Paalis na nga ako tapos mga walang ka kwenta kwentang bagay pa ang sinabi sakin..." sagot ko na halos namumula na sa galit.

"Bro....relax!!! Papunta na rin kami ng airport... Magkita nalang tayo dun..."

"Okay... bye..."

Di ko namalayan ang oras. Nakarating na rin kami ng airport. Natatanaw ko na nga ang tatlong lokoloko. Huminto ang kotse at bumaba na rin ako.

Sinalubong ako ng yakap ni Fara.

"Bestfriend... mag-iingat ka hauh! Huwag kang magloloko doon! Pag nalaman ko lang humanda ka sakin!! " SWEET BANTA NI FARA !

"Yes maam!" sagot ko naman.

"Bro... mag ingat ka dun... kung may kailangan ka, tumawag ka lang..." ayon kay Zayn.

"Bro.. Good luck na rin sayo! Malay mo dun mo na makikita ang true love mo!" biro ni Colt.

"Loko ka talaga!" natatawang sagot ko.

"Pero seryoso guys... Alam naman nating lahat na WALA NI ISANG babae ang tumanggi sa loko na to... Pero mabibilib talaga ako sa babaeng tatanggi, sasampal at sasabunot kay Sky... And if that girl really exist at napaamo niya ang pasaway nato...Bro, she's the one!" parang biglang nag transform si Colt bilang "MADAM BEERTOAD"

"Sasampal?! Sasabunot?! Wow! Colt, kailangan mo na talaga magpatingin sa doctor! Kung ano ano na ang pumapasok diyan sa utak mo!" biro ni Zayn.

Sky with Rain (masked love)Where stories live. Discover now