Chapter 17 First Day!

4.7K 126 1
                                    

Sky POV

Nagising ako dahil kay Rain... Hindi dahil sa hilik niya... kundi....

"Blaze... gising na !!! malelate na tayo !!! Tumayo ka na jan at maligo!!!" Panggigising niya. Hinahampas na nga niya ako ng unan...

"Anong oras naba??"

"6:30 na!!! 7:00 ang klase natin!!! Kaya tumayo kana jan at maligo!!! Bilis na!!"

Well... Wala akong nagawa kundi sundin siya... Naligo ako... Nagbihis at nag ayos...

Natataranta na si Rain...

"Rain... relax lang!''

"Relax ?? Blaze, malelate na tayo! Bilisan mo nalang at aalis na tayo !''

"Hauh?? Hindi pa nga tayo nakapag breakfast... Kumain muna tayo.."

"Sige!! Subukan mo lang mag agahan at kakainin mo ang kama-o ko!" banta niya.

"Okay... Sandali lang... Magsusuklay lang ako...Jeez!"

Hindi ko na natapos ang pagsusuklay ko dahil hinila na niya ako palabas ng kwarto hanggang pababa ng sala...

"Rain... Magbreakfast muna kayo!" sabi ni Faye.

"Di na! Malelate na kami..." - Rain...

Palabas na kami ng bahay ng bumalik pa ako para kunin ang sandwich na hawak ni Faye...

"Faye... Akin nalang to hah!"

Hindi na siya nakasagot ng bumalik rin si Rain at kinaladkad ako palabas ng bahay... Para akong aso na hilang hila ng sadista kong amo!

"Sinabi ng malelate na tayo!!!"

Papasok na kami ng University... Here we are again!!! Nakatingin na naman sakin ang lahat!!! Di ko alam kung dahil sa nangyari sakin a week ago o dahil sa PAGKALADKAD sakin ni Rain ngayon...

Umakyat kami sa second floor ng NV for our Finance class.

Pagpasok namin, lahat sila nakatingin samin... Pati ang teacher...

"Good morning maam..." lumapit kami sa teacher... Hawak pa rin ni Rain ang kamay ko...

Binigay namin ang RF namin...

"Miss Rodriguez and Miss Santos... my #1 rule sa klase ko is bawal ang late... Sige... umupo na kayo..." sabi ng teacher na sa itsura palang, halatang strikto...

Dahil late kami, sa likod kami umupo... Hanggang sa pag upo namin, hawak pa rin niya ang kamay ko... Mula dun sa bahay hanggang dito sa classroom, hawak niya ang kamay ko...

"Rain...''

"Hmmm ??''

"Siguro naman... pwede ko ng kunin ang kamay ko...''

Nagulat siya sa sinabi ko. Hindi niya rin siguro alam ang pinaggagawa niya dahil sa sobrang taranta...

Di siya nakasagot. Binitawan niya nalang ang kamay ko... Pulang pula na naman ang pisngi niya... Di nga siya tumingin man lang sakin...

.

Maagang nag dismiss ang teacher...

Paglabas ng teacher, ang lahat ng kakilala ni Rain ay lumapit samin...

"Rain sino siya??" lahat nilang tanong...

"Blessy..." naiirita niyang sagot...

"Correction!! Blaze..." sagot ko...

Sky with Rain (masked love)Where stories live. Discover now