Chapter 21 Smelling Something Fishy!!!

4.6K 120 13
                                    

Rain POV

Naging mas close na kami after nung performance namin... Hindi na rin niya ako inaasar... PAMINSAN MINSAN NALANG! *_____-

Naging malinis na rin yung buong room... Nagdecide kami na pagtabihin ang kama naming dalawa... Magkatabi kaming matulog... Alam kong sanay na siya sa hilik ko gabi-gabi... Halos mag iisang buwan na rin kasi dito si Blaze...

Ilang beses ko narin siyang nahuli na nagsusulat sa isang notebook. Ayaw niyang ipakita sakin. Naabutan ko na naman siyang nagsusulat... Sobrang concentrate siya sa ginagawa niya dahil hindi niya ako napansin ng pumasok ako ng kwarto...

Dahan dahan akong lumapit sa kanya...

"Hoyyyy! Ano yan!!!"

"Rain naman!!! Huwag ka namang nanggugulat ng ganyan!!! Aatakihin ako sa puso sa ginagawa mo eh... Jeez..." ­­­-Blaze

"Ang OA naman nito... Ano yang sinusulat mo?? Patingin!" pilit kong inaagaw ang notebook sa kanya pero hindi niya talaga gustong ibigay sakin...

"Hindi nga pwede!!!"

"Ikaw hah... Naglilihim ka na sakin..." sabi ko sa kanya.

"Comatose ka ba nung itinuro yung RESPECT FOR PRIVACY??!"- Blaze.

Ayaw niya talagang ipakita sakin...

"Okay... Hindi na nga lang kita pipilitin......"

"Good..."

Nagpatuloy siya sa pagsusulat sa notebook... Di niya ako pinapansin...

"Blaze..."

"Hmmm??" -Blaze...

"Magkwento ka naman..."

"Hauh? Magkwento?? Tungkol naman saan??" -Blaze.

"Tungkol sa buhay mo... Blaze... Never ka pang nagkwento tungkol sa buhay mo..."

"No..." agad niyang sagot.

"Aba! Sandali naman... Ang dami mo na kayang alam tungkol sa buhay ko tapos ikaw... hindi ka magku kwento??!! Napaka unfair mo naman..!!!"

"I said NO..." sagot niya ulit...

Isa sa mga bagay na kinakainisan ko kay Blaze... Ang magsabi siya ng NO!

"Sige na kasi... Magkwento kana... Di ako titigil pag di ka nagkwento...'' pangungulit ko.

Kinikiliti ko na siya pero ayaw pa rin...

"Rain... Stop... Nakikiliti ako!!! Tumigil ka na..."


Sky POV

Kanina pa nangungulit tong si Rain... Parang bata... Ayaw tumigil...

Maya maya pa ay nag ring ang phone ko...

Agad niyang kinuha ang phone ko at sinagot...

"Hello..." -Rain...

Ni loudspeaker niya para marinig ko...

Pilit kong inaagaw sa kanya ang phone ko pero ayaw niyang ibigay...

"Hello... Who's this?? Nasaan si Sky??"

Oh MY!!! Si Fara yun!!!

Napatingin sakin si Rain...

"Miss... baka wrong number ka... Hindi Sky ang pangalan ng may ari ng phone nato..." -Rain

Sky with Rain (masked love)Where stories live. Discover now