Chapter twenty five

2.5K 85 3
                                    

"Babe,why would they want to hurt us?" Nakahilig ako sa asawa ko.

Naandito kami ngayon sa loob ng sasakyan,ngayon na ang dating ng mga anak namin at ni mama. Si tita ay pinadiretso na sa London,she don't have a choice. They are not safe in the Philippines.

Late night,the car park on the tarmac,we are on the private runway.

"Remember I said before that Mr Column have an adopted son?" I nodded

Kinakabahan ako sa sasabihin niya,there's an idea that is circulating around my head,right now. But I'm not entertaining the possibility.

"He wanted us dead" my galit ang bawat salita nito. Dumiin ang pagkakahawak nito sa aking kamay.

Tumulo ng masagana ang mga luha ko. Pinahid ko iyon ng likod ng kamay ko. Natigil lang ako sa pagpahid ng ito na mismo ang gumawa non sa akin.

"Don't be scared baby,I have it under control as long as my family is with me" he kiss my forehead.

"Hindi ko maiwasan Leo,iyong malaman na may nagbabanta sa buhay natin ay natatakot na ako,ngayong alam na natin kung sino iyon ay mas nag aalala ako lalo"

"Konting panahon nalang,we will be back to our normal life"

"Bakit ba gusto niyang mawala tayo sa mundo? Ano ba ang nagawa nating masama sa kanya?"

"Dahil nalaman niyang sa akin ipapamana ang lahat ng kayamanan ng mga Column"

Napamulagat ako sa sinabi nito,lumayo ako dito upang siguraduhin kung nagbibiro ba ito. Pero seryoso ang mukha nito at mababanaag pa ang galit sa mga mata nito.

"W..what?" Hindi ako sigurado kung tama ba ang narinig ko.

"Baby,ako ang magmamana ng lahat ng ari arian ng nga Column"

"B..but,how? Why?" I know what I heard but I can't just believe it.

Bakit siya ang magmamana ng kayamanan ng isang pamilyang hindi naman niya kaano ano? I know they are business partners and he mention he met him five years ago after my accident,I just don't get the logic.

"Noong una ay naguguluhan din ako,but then he explain to me why,kaya natagalan ako bago ka puntahan sa kwarto,he showed me evidence,proving that I was a Column,kapatid ng tunay kong ina si Mr Column"

Para akong nayanig sa sinabi nito,hindi makapaniwala sa narinig buhat dito. Hinarap ko ito,he was looking outside,hinaplos ko ang mukha nito sanhi upang mapalingon ito sa akin. Kita ang lungkot at pagod sa mga mata nito,pumikit ito ng haplosin kong muli ang mukha nito.

Wala man akong maalala sa nakaraan namin ay hindi iyon nakasagabal sa akin para aluin ito. Parang sanay na akong makita itong vulnerable,na alam kong hindi nito ipinakikita sa iba.

"I don't remember anything,Leo,but I will be here for you,kung ano man itong pinagdadaanan ng pamilya natin,alam kong malalagpasan din natin ito,I'm sorry that my amnesia is getting in the way but I promise to help you"

Hinuli nito ang kamay ko at pinagsalikop ang aming mga daliri,it fits perfectly.

"Huwag mong iisipin na pabigat ka,baby,ikaw ang lakas ko kaya ko nakakaya ang lahat ng ito pati na ang mga anak natin,mahal na mahal ko kayo" himigpit ang hawak nito sa aking kamay. Tinitigan ko ang magkahubpong naming kamay.

I realized that I don't wanna be away from him o kahit ang iwan niya ako kahit saglit lang. There's an urged inside me telling me to be on his side,na hindi ako makakapayag na mawala ito sa akin.

"Kayo din,you became my strenght simula ng makilala ko kayo,bukod kay mama,kahit hindi na ako makaalala basta alam kong ligtas tayo,okay na ako ng ganon,I can make a new memories kasama kayo"

Past is the presentWhere stories live. Discover now