Chapter seventeen

2.2K 96 1
                                    

Tuluyan na nga akong nahilo sa init ng sikat ng araw dahil ngayon lang ako nagtagal sa labas ng ganito. Sa London ay malamig,nasanay ako sa klima doon ng limang taon,magdadalawang buwan palang naman akong nananatili dito sa pilipinas pero madalas ako sa loob ng bahay,sa office o sa lugar na hindi masyadong mainit.

Sinabihan ko si Leo na tapusin nalang muna namin ang mga games para naman hindi masayang ang ipinunta namin dito. Para na rin ma enjoy ni Rafie ito dahil ito ang unang beses na makakasama nila ako sa school activities.

Nagdadalawang isip pa ito kung mananatili kami o hindi,pero sa huli ay napapayag ko din ito. Binigyan niya ako ng paracetamol at tubig galing sa school clinic na hiningi pa ni Rafie sa nurse na on duty ng araw na yon.

Nanonood lang kami sa mga games,nagtsicheer kapag kasali si Rafie sa game o di kaya ay sila ng daddy niya. Kinukunan ko din sila ng mga pictures,meron din kaming pictures na tatlo. Hindi ko na nga napansin ang pagkahilo ko kanina dahil nag enjoy na rin ako sa panonood sa mag ama.

"Did you had fun honey?"

"Yes po daddy,thanks for coming today mom"

Naglalakad kami papuntang parking lot,halata sa mukha ni Rafie ang saya kahit na pagod na ito.

"Rafie!"

Ngunit nahinto kami ng may tumawag kay Rafie. Marahas na nagbuntong hininga naman si Leo,hindi na maipinta ang mukha nito ng mapatingin sa gawi ko.

"What?" Bulong na tanong ko dito. Pinipigilan ko ang tumawa o ni ngumiti manlang.

"She's so young" sagot nito.

"I think,you don't have to be bothered about her,look at her"

I pointed him Rafie sa nakasimangot na ngayon sa harap ng batang lalaki na mukhang masayang masaya.

"Rafie,ang galing galing nyo kanina
ng family mo,ang you look so pretty too"

"Duh! I know kaya matagal na"

"Kaya nga I like you eh,kasi you're smart and pretty,can you be my girlfriend na?"

"Rafie/Zenno!"

"Eww!"

May lumapit na mag asawa na may kasamang batang lalaki na kamukha nong Zenno pero mukha itong snob. Nakangiti ang mga ito na mukhang apologetic ng dahil sa anak ng mga ito.

"I'm sorry for my son's behavior Mr and Mrs.Montiel" hinging paumanhin ng ginang.

"It's okay,there's no harm done anyway"

Inunahan ko ng sumagot si Leo dahil alam kong magrereklamo lang ito.

Nagpaalam na rin kami sa mga ito dahil nagrereklamo na si Rafie na pagod. Pero si Leo hindi yata makaget over sa nangyari.

"Rafie,iwasan mo ang batang iyon,baby ka pa,bawal pa ang mag boyfriend"

"Daddy ang OA mo po,sabi nya like lang niya ako,like duh,I'll wait nalang when I turn eighteen,if he court me still then sasagutin ko na siya,right age na yon di ba?"

"NO! No! Hindi pwede! Period! Baby ka pa ng eighteen anak,kapag thirty ka na pwede na"

Halos malagutan na ang litid sa leeg si Leo sa pagsigaw na ginawa nito. Pero si Rafie naman sitting pretty lang sa backseat. Napatanong tuloy ako sa sarili ko,ganito ba ang mag amang ito kapag nagtatalo? Ang cute nilang panooring nagtatalo,lalo na kapag ganitong ang anak na ang kasagutan nito.

"But daddy,it's unfair! Si mommy seventeen lang nong naging girlfriend mo siya eh" seventeen? Ang agap ko palang lumandi? "patago pa,then she's eighteen when you got her pregnant of me" eighteen? I haven't thought about it,buti pa si Rafie alam ang story namin ng daddy nya pero ako? Walang matandaan kahit ano "buti nga ako eighteen na nagpaplano na mag boyfriend"

Past is the presentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon