Chapter four

2.9K 85 1
                                    

"Are you sure kaya mo ng magtrabaho?"

Kanina pa ako kinukulit ni mama,tanong ng tanong tungkol sa desisyon kong pamahalaan na ang negosyo na iniwan ni papa. Two weeks na nga ang nakakalipas ng umuwi ako dito,I should be starting last week pero nag aya si mama na magpunta sa Batangas. Kasama sina tita Stella at iba pang mga kamag anak namin.

Si Careen gustong sumama sa amin pero hindi siya nakasama dahil may emergency daw sa kanila. Hindi naman niya nabanggit kung ano iyon,hindi ko na rin tinanong dahil hindi naman iyon makakatulong. Naisipan tuloy niya na mag outing daw kami kasama ang fiancé niya,ihahanap daw niya ako ng partner para hindi daw ako ma out of place.

"Ma! Kaya ko na po,saka matagal ko ng inihanda ang sarili ko sa trabahong ito bata pa lang ako,nakatatak na sa isip at puso ko na balang araw ako na ang mamahala ng negosyo na pinaghirapang itaguyod ni papa"

She looks defeated as she heaved a deep sigh. Bakit ba parang ayaw akong pagtrabahuhin ni mama? Wala naman akong ginagawa dito sa bahay. Isa pa gusto kong masigurado na reliable ang taong namamahala nito. Ayaw kong mauwi sa wala ang negosyong nagtaguyod sa pamilya namin.

"Kung iyan talaga ang gusto mo,sige! I will ask Leopold to help you out with our business"

"Why Leopold is so important ma?"

Sumilay ang ngiti sa labi ni mama ng tanongin ko siya tungkol sa Leopold na iyon. Sino ba kasi iyon?

"Siya ang kanang kamay ng papa mo,siya na ang namamahala ng negosyo natin simula ng mawala ang papa mo,at siya ang makakatuwang mo sa pamamahala ng negosyo ng pamilya,lahat ng desisyon dumadaan sa kanya,malaki ang tiwala ng papa mo sa kanya pati na rin ng mga kliyente natin,dahil maasahang bata talaga siya,he is competitive ang responsible. ..."

Blah..blah..blah...

Kung purihin ni mama parang ang perfect naman ng lalaking iyon. I saw him once but I haven't had a chance to be introduce to him personally. Laging nababanggit ni mama ang tungkol sa Leopold na iyon. Kaya halos kilala ko na din ito kahit hindi ko pa ito nakakadaupang palad.

Define Leopoldo! Mabait,responsible,magalang,maalalahanin,may dignidad,mapagmahal at kung ano ano pa. And there's one more thing that mama always reminded me about him,he is certified single.

At the age of thirty five,he is still single,according to my own mother. Thirty five is the age where a guy is settling down or di kaya ay may isa o dalawang anak na.

Maybe he is busy at work,iyon naman ang laging nababangggit ni mama. Sabi pa ni mama mas tumaas ang sales simula ng ito ang mamahala kaya nagkaroon na ng mga branches ang negosyo namin,na dati ay may isang sangay lang na nasa Antipolo. Ang main office namin ay nasa Taguig,sa isang malaking warehouse.

I can't blame my mother for patronising him. He do everything he can that's why we are on top now. Nangunguna na ang negosyo namin sa paggawa ng mga furniture dito sa bansa,from scrap to a world class furniture. Lahat ng mga materyales ay gawang pilipinas,na iniimport pa sa iba't ibang bahagi ng bansa. Nagsimula na din ang pageexport nito sa ibang bansa,three years ago.

Napakalaki na talaga ng nagawa niya sa negosyo namin. And that makes me wonder. Lahat ng bagay sa mundo ay may kapalit yan ang paniniwala ko. Kung tutuusin dapat ko iyong ipagpasalamat pero iba ang sinasabi ng isang bahagi ng isip ko. Parang sinasabi nito na may kapalit ang lahat ng ginagawa nito para sa negosyo ng pamilya ko. Isa iyon sa mga dahilan kung bakit gusto ko ng magtrabaho.

"I see!"

"Sa Monday magsimula ka na,tutal naman nakauwi na siya mula sa one week conference na dinaluhan niya sa Singapore,nakapagpahinga na din siguro ang batang iyon,hay naku! Sinabi ko na nga sa kanya na dito nalang tumira para hindi siya nahihirapan sa kanila,puro nalang trabaho..."

Kung mag alala si mama para dito,parang anak na din ang turing niya. Tulad ng pag aalala na ginagawa nito sa akin at kay Careen.

"Ma! He maybe wants privacy and I'm already back,hindi magandang tingnan na may ibang lalaki dito sa bahay natin lalo na at mga babae lang ang nakatira dito"

Sana maunawan ni mama ang gusto kong iparating sa kanya. She is already attached to that guy,hindi lingid sa kaalaman ko na gusto nila ni papa na magkaanak ng lalaki pero hindi na nangyari dahil maagap nag menopause si mama.

May mga edad na rin naman sila ng dumating ako sa buhay nila. Forty three na si papa at thirty eight si mama. Busy sa mga career nila ng kabataan pa,nagretiro si papa sa pagiging lawyer. Then he started making furniture,dati made to order lang ang ginagawa ni papa pero kinalaunan ay lumago ito. Si mama naman ay isang accountant sa isang malaking company sa bansa. Tumigil lang ito sa trabaho ng lumago na ang itinayong negosyo ni papa.

"Alam ko yan anak! Pero hindi naman na siya iba sa atin lalo na sa amin ng papa mo,parang anak na rin ang turing namin sa kanya"

"It's up to you ma,but I think I'm not the only one who doesn't agree with you,you see ma,even him didn't want to live here"

"And I know why he doesn't want to,but I want him to,not for him or his any other reasons,it's just for my peace of mind"

She knew what? Naguguluhan na ako sa pagiging malapit ni mama sa Leopold na yon.

"I don't know ma!"

Iniwan ko na ito sa loob ng bahay,heto ako ngayon sa may garden sa likod bahay. Kailangan kong magpalamig dahil baka magkasagutan kami ni mama. Ayaw kong mangyari yon,hindi magugustuhan ni papa iyon.

I have to go out,but I don't know where to go. I stood up and went to my room. I called Careen,buti at free siya today,I asked her to take me out some where dahil nabobored na ako dito sa bahay. But the truth is I need some time away from mama and maybe Careen can help me out. She knew mama and she must know Leopold too.

Past is the presentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon