Chapter nine

2.3K 65 1
                                    

"Good morning Ms.Raphie"

"Morning!"

"Welcome back Ms.Raphie!"

Papasok pa lang sa building ay marami na ang bumabati sa kanya. Binabati at nginingitian din niya ang mga nakakasalubong na empleyado nila. Masaya siya na nakabalik na muli sa trabaho kahit hindi pa niya gusto ang kapalit noon.

"Good morning Ezekiel! How's everything going?"

Bati ko sa receptionist ng huminto ako sa tapat ng desk nito.

"Good morning din po Ms.Raphie! Everything are okay ma'am,welcome back po" nakangiting sagot nito.

"That's good! Is Leo already here?"

"Yes Ms.Raphie,maagap pong pumasok si sir Leo"

"Okay! Thank you"

Ngumiti lang ulit ito sa akin,mabait at magalang na empleyado si Ezekiel kaya magaan ang loob ko sa kanya. Kung bakit kasi hindi nalang nag ampon sila mama at dady?

"Good morning tita Yta!"

Nakangiti itong bumaling sa akin mula sa ginagawa nito.

"Raphie! Good morning hija! Okay na ba ang pakiramadam mo?"

"Opo! Wala naman pong masakit OA lang sina mama at Leo" natatawa kong sabi dito.

"Hay nako kang bata ka talaga...."

"Tita,hindi na ako bata,trenta na nga ako eh,pwede na nga akong makagawa ng bata eh"

Nanlaki ang mga mata nito sa sinabi ko. Natawa naman ako sa reaksyon nito.

"OA ka na tita,papasok na po ako at baka pagalitan na ako ng boss ko"

I kissed her on the cheek before I hurriedly went inside my chamber from now on.

Dahan dahan kong binuksan ang pinto,sinilip ko muna kung ano ang ginagawa niya sa loob. Like the usual kaharap na naman niya ang mga drafts at blueprints. Malaki na talaga ang ipinagbago ng kompanya dahil hindi lang mga furniture ang inooffer sa mga kliyente. They also offer interior designing and landscaping.

"Raphie! Get inside! Ano pa ang itinatayo mo dyan? It's working hours"

Sungit!

Pumasok na ako ng tuluyan,pabagsak kong ipinatong ang bag ko sa table ko at padarag akong umupo sa swivel chair ko.
Nakakasira ng araw! Sungit sungit,ang ganda ganda ng umaga ko tapos sisirain lang niya. Kainis! Kabadtrip!.

Humarap na ako sa computer ko para tingnan ang mga emails ng mga clients namin.

"Kung magdadabog ka lang,mabuti pang huwag ka ng pumasok"

"Shut up!" Inis kong sigaw sa kanya.

Narinig ko ang pagtayo nito sanhi ng kabang aking naramdaman tulad noong huling pagkikita namin.

"Baka nakakalimutan mong ako ang masusunod dito sa ating dalawa"

"Yeah! Yeah! Yeah! Whatever! Just leave me alone please"

"Raphie! I'm warning you!" Like his words,he is using his warning tone.

"Yes sir! I'll behave now" I sarcastically told him at sinabayan ko ito ng painosenteng tingin.

"It doesn't work on me Raphie,I am so immune in that kind of looks"

Kaya pala poker face lang ang alam niyang face expression. Once in a blue moon lang kung ngiti ngang matatawag ang mapang asar nitong ngisi.

Past is the presentWhere stories live. Discover now