Chapter eight

2.3K 84 2
                                    

What is wrong with him?

I was going to answer him back but the door open,si mama ang pumasok. She looks worried too,lumapit ito sa akin para yakapin ako.

"Paparito na ang doktor"

I sigh, she sat in my bed,holding both my hands.

"Ma! I am okay now,you don't have to worry about me okay?"

"No! Hindi ako mapapanatag kung ganyan ang nangyari sayo,ngayon iniisip ko kung nagkakaganito ka din ba noong nasa London ka at hindi mo lang pinapaalam sa amin dahil ayaw mo kaming pagalalahanin"

Ito ang isa sa mga rason kung bakit ayaw kong malaman niya ang nangyayari sa akin noon sa London. Ayaw ko silang mag alala sa akin ni dady at baka pauwiin nila ako kaagad dito. Mabuti nalang at kapag nawawalan ako ng malay ay alam ng pinsan ko ang gagawin. Pinakiusapan ko rin itong huwag ng ipaalam sa mga magulang ko kahit labag sa loob nito.

Bumukas ang pinto at pumasok ang doctor at isang nurse. Nakangiti ang mga itong bumati sa amin.

"Doc! Ano na po bang lagay ng anak ko?" Bungad ni mama sa mga ito,si Leo naman ay nakamasid lang sa mga taong nakapaligid.

Lumapit na ang doctor sa akin at chineck na niya ang mga dapat niyang icheck.

"She is fine now Mrs.Belmont,stress at over fatigue lang naman po ang sanhi kaya siya nagkaganyan,and as I read her record it is not really good for her to push herself too much,it takes time"

"Does she have to go any medical treatment or a therapy?"

Nagtatakang tumingin ako kay Leo dahil sa sinabi nito. May pag aalala pa din sa mukha nito. Natawa naman ang doktor sa sinabi niya.

"No Sir,she doesn't have to go through that,she is fine,she can actually go home tomorrow"

"Thank you doc!"

Nang matapos ang mga ito ay lumabas na rin. Si Leo ay nakaupo lang at nakatingin sa amin ni mama. Bakit pa ba siya andito? Kasama ko na naman si mama,paano na ang trabaho sa opisina? Pareho na kaming wala doon ngayon,baka kung ano na ang isipin ng mga empleyado.

"Ito na nga ba ang sinasabi ko,kaya ayaw kitang payagan na mag trabaho,mabubuhay ka naman kahit hindi magtrabaho ang tigas tigas talaga ng ulo mo kahit kailan Seraphina,pinag aalala mo kaming lahat alam mo ba yon? Mabuti nalang at kasama mo si Leo ng mga oras na yon,kaya mula ngayon hindi ka na magtatrabaho pa,hayaan mo nalang si Leo ang umasik...."

"No! Ma? You can't do that to me,hindi na ako bata.."

"But you can't look after yourself,do you think hahayaan kitang magkaganyan nalang muli? Ina ako Seraphina at nag aalala lang naman ako para sayo..."

Hindi naituloy ang sasabihin nito ng humagulgol ito ng iyak sa harapan ko. Maagap itong dinaluhan ni Leo at inalalayan na maupo sa binakante nitong upuan.

"Ma! Tama na po,hindi makakabuti para sa inyo ang mag alala ng husto,ako na po ang bahala sa lahat" pang aalo nito kay mama.

Na guilty tuloy ako sa nangyari sa kanya,para tuloy lumalabas na ang sama kong anak sa kanya.

"Salamat hijo,hindi ko na alam ang gagawin ko kung wala ka"

Leo look at me with his blank expression tulad ng baby sa panaginip ko. That is really weird!

"Ako na rin po ang bahala kay Raphie,nakausap ko na si tita Yta,siya na daw po ang bahala sa opisina hanggang sa makabalik ako,ipapahatid ko na po kayo sa driver"

Hindi ko matagalan ang mga titig ni Leo,parang nakikita niya ang pinakatatago ko sa tuwing nagkakatitigan kami.

Ilang minuto rin ang itinagal ng pag alo nito kay mama. Tumayo ang mga ito at hindi manlang nagpaalam sa akin bago lumabas ng kwarto ko.

Past is the presentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon