Chapter six

2.8K 92 3
                                    

Dalawang linggo ko pa lang siyang nakakatrabaho pero pakiramdam ko parang buong buhay ko na siyang nakakatrabaho.

We are like synchronise at the same time and that amazed me. Yung bawat kilos at galaw namin parang alam namin kung kelan at paano gagalaw ang bawat isa sa amin. Minsan bigla nalang akong matitigilan dahil mapapansin ko ito,ganon din naman ito minsan.

Sa loob ng dalawang linggong pagtatrabaho ko kasama siya ay hindi naman ako masyadong nahihirapan. He is guiding me from the smallest details to the bigger details,kahit hindi ako magtanong sa kanya ay alam niya kung kelan ako nahihirapan at kung kelan hindi.

Masyado siguro akong transparent kaya madali niyang mabasa ang naiisip ko. But I'm thankful to him for helping me kahit minsan naiilang ako sa kanya dahil ang seryoso niya.

"Raphie! What do you think of this designs? Do you think it's too much? Coz I think it is"

I looked at his direction,he was studying the designs that was handed to us by the design team who are presenting some new ideas for our upcoming project for the renovation of the resort in Batangas.

"Well,I agree! There are some designs that goes too far,we are looking for a simple yet refreshing designs,I saw a couple of designs" I show him the paper "here" he looked at my way "konting adjustment lang I think it will suit to our client's taste"

Muli tinitigan na naman nito ang drawing na nasa harapan nito. I know he is studying it properly. Isa sa mga bagay na napansin ko sa kanya ay ang ugali niyang hindi nagpapadalos dalos sa mga desisyon. Pinag aaralan nitong mabuti at sinusuri ang bawat detalye ng mga bagay bagay. He is considering everything even the slightest idea that can effect his thoughts.

"Hmm..we can think about it,we still have a few more days left"

Tumango lang ako.

"Sure"

"Anyway,I'm going to have lunch with Miss.Verrano to finalise the contract" biglang nawala ang jive ko sa aking ginagawa ng banggitin niya ang pangalan ng kliyente naming iyon "Do you wanna come? Para naman mas maging malawak pa ang kaalaman mo sa larangang ito" Nakita ko ang pag ngisi niya bago ko tuluyang ibinalik ang atensyon sa aking ginagawa. Hindi ako namamalikmata,ngumisi talaga siya,na ngayon ko lang nakita.

"No thank you I will finish the other project from the Clemente,it's due next week,I want it done by then,you can do it better without me" pormal na pahayag ko sa kanya.

I know he is just helping me,I am willing to come with him but not when he is meeting that woman. I am loosing my cool,hindi ko alam kung dahil ba iyon sa pagiging demanding nito or talagang hindi ko lang siya gusto bilang tao. Maganda naman ang pakikitungo nito sa akin pero hindi ko maipaliwanag ang disgusto ko sa kanya.

"Sige kung iyan ang gusto mo,I will just make sure na kakain ka ng lunch mo,ipagbibilin ko nalang kay tita Yta na magsabay nalang kayo..."

Nanibago siguro siya dahil palagi niya akong kasama sa loob ng dalawang linggo sa tuwing may meeting sa mga kliyente,ngayon lang ako tumangging sumama sa kanya.

Nalaman ko na ang secretary namin na si titaYta ay siya palang tunay nitong tiyahin na kapatid ng ina nito.

"Leo! You don't have to do that,I'm not a kid anymore,I'll eat when I'm hungry,just go on your d..ate...I mean lunch meeting,I can manage okay?"

Hindi ko siya tinapunan ng tingin,natatakot ako sa pwede kong makita. Nakatuon lang ang pansin ko sa hawak kong mga designs. Ilang sandali pa itong nakatayo sa harapan ko ng marinig ko ang marahas nitong pagbuntong hininga bago lumakad.

"I'll see you later then baby ko"

Hindi ko na inintindi ang sinabi niya,mabuti na rin na hindi niya ako pinilit na sumama. Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pintuan,ng masiguro na wala na ito ay ibinagsak ko ang aking likod sa aking upuan. Nagpakawala ng malalim na buntong hininga at tinitigan ang pinto na kinalabasan nito.

Akala niya noong unang araw ay normal lang ang kabang nararamdaman niya sa tuwing umaga na papasok siya sa trabaho. Pero ng tumagal ay napapansin niyang ganon palagi ang pakiramadam niya at nakakalma lang siya kapag nasa loob na ng opisina nila ni Leo o kung kasama na ito.

Hindi niya alam kung gaano siya katagal nakatitig sa pinto,pero hindi niya namalayan na bumukas at sumara na naman ito kung hindi pa siya tinawag ng sekretarya nilang si tita Yta,may dala itong mga pagkain na nakalagay sa paper bag galing sa isang kilalang restaurant na naging paborito ko ng kainan. Hinayaan ko nalang siya ng ayusin niya ang pagkain sa receiving area ng opisina,tiyak kong ibinilin ito ni Leo bago siya pumunta sa meeting niya.

"Hija,halika na at ng makakain na tayo,mamaya mo na tapusin iyang ginagawa mo"

Pinaunlakan ko ang paanyaya sa akin ni tita Yta,nakakahiya naman kung pati ang mag lunch ay tanggihan ko pa siya.

"Andyan na po"

Naupo ako sa tapat niyang upuan,maglalagay na sana siya ng kanin sa plato ko ng pigilin ko ito.

"Tita! Ako na ho,ginagawa nyo naman akong bata nyan eh" pagkuha ko sa plato na may lamang kanin.

Ipinagpatuloy ko na rin ang pagkuha ng ulam,baka pag binitawan ko ang kutsara ay pagsilbihan na naman nya ako. Ayoko pa naman ng ganoon lalo na at ako ang gumagawa ng lahat ng sa London pa ako nakatira.

"Pasensya ka na Raphie nasanay lang kasi ako na pagsilbihan ang mga apo kong babae,hindi ko tuloy napapansin na nadadala ko pa pala iyon hanggang dito"

Hinging paumanhin nito,ngumiti lang ako dito.

"Okay lang naman yon Tita,hindi lang ako sanay na pinagsisilbihan,nasanay po ako sa London na ako ang gumagawa"

"Nabanggit nga ng mama mo ng minsan na magkakwentohan kami"

Close sila ni mama? Hindi naman nakakapagtaka dahil pareho silang maasikaso,halos pareho ng mga katangian.

"Ganon po ba? Kaya nga po sabi ko kay Leo huwag na niyang abalahin pa ang sarili sa pagkain ko dahil kaya ko naman,pero makulit ang lalaking iyon,nakakaasar minsan"

Naiinis na naman ako ng maalala na kasabay niyang kumakain ngayon ang babaeng kliyente namin. Tama ba na hindi ako sumama? O dapat sumama ako ng malaman ko kung ano ang pinaguusapan nila ngayon? Kung tungkol nga sa trabaho ang pakay ng meeting nilang iyon. Hmm..if I know,nakikipaglandian na siya sa babaeng iyon.

"Raphie! Tama na yan!"

Nagtatakang nilingon ko si Tita Yta na may nakakalokong ngiti.

"Kasi naman hija,tatalunin mo pa yata ang grinder sa ginagawa mong pag saksak at pag durog dyan sa pagkain mo sa plato,kung sumama ka na kasi kay Leo sa meeting nya ay hindi ka nagkakaganyan kakaisip sa kung ano ang maaari nilang ginagawa sa oras na ito,pero sinisigurado...."

"Tita!" Gulat kong putol sa sinasabi nito "Ano po bang pinagsasabi nyo? May naalala lang naman po ako" umiwas ako ng tingin sa kanya,ayokong malaman niya na nagsisinungaling ako,pansin ko pa naman na para din siyang si Leo kung manuri,nakikita ang nakatagong emosyon.

Hindi ko nga alam kung ako lang ba ang nakakapansin non,dahil kaming tatlo lang naman ang palaging magkasama.

Natawa ito ng pagak sa tinuran ko.

"Nababasa kita RAphie kahit iiwas mo sa akin ang mga mata mo,alam ko dahil ramdam ko na hindi ka sang ayon sa pakikipagkita ni Leo sa babaeng kliyente ng kompanya nyo,nagseselos ka pero hindi mo pa iyon napapansin dahil natatakot ka pa sa nararamdaman mo"

Teka! Ano bang sinasabi niya? Mas lalo akong naguguluhan,she talks in riddles.

"When the right times come sana maging matatag ka,everything are depending on your decisions,lahat ng tao sa paligid mo,itatak mo sa isip mo na sa lahat ng mangyayari puso mo ang sundin mo dahil nakakasigurado akong dadalhin ka nito sa tamang landas,pero sa ngayon naguguluhan ka pa at normal lang iyan,basta nandito lang ako para gabayan ka at suportahan"

Past is the presentWhere stories live. Discover now