Chapter sixteen

2.2K 93 1
                                    

"Yes!... Thank you!... Will pick her up tonight....yeah! Ready na siguro siya...well! Hinahanap niya,gusto na niyang makita...okay...see you"

Sa gitna palamang ako ng hagdanan ay dinig ko na  ang boses ni Leo na may kausap sa telepono siguro. Sunod non ay ang tunog ng pagbukas at pagsara ng pintuan.

Nang tuluyan na akong makababa ay si Rafie agad ang sumalubong sa akin. Nakaupo ito sa may paanan ng hagdanan paharap sa akin. Magiliw itong tumayo at yumakap sa akin.

"Mommy!"

"Hi Rafie! Where's your dad gone?"

"He went outside po,inaayos ang mga things natin sa car"

Idinantay ko ang braso ko paikot sa kanyang balikat,siya naman ay ipinalibot sa bewang ko ang braso. Lumakad kami sa may pintuan palabas ng bahay.

Naabutan namin si Leo na nagkakarga ng mga over night bags sa likod ng sasakyan niya. May malaking cooler din itong inilagay at kung ano ano pa. 

May pupuntahan ba siyang iba? Di ba at family day ni Rafie sa school nito today?

"Daddy! We are ready na po!"

Tawag pansin dito ni Rafie,nakangiting bumaling naman ito sa amin.

"Okay! Just a second"

Inayos na nito ang pagkakalagay ng mga gamit sa likod ng sasakyan bago nito isinara ang pinto sa likod. Lumakad na ito patungo sa kinatatayuan namin sa tapat ng sasakyan.

"Rafie,come on honey,jump in the back" sumunod naman ang bata "put your seat belt properly okay?"

"Yes dad!"

Nang masigurong maayos ng nakaupo si Rafie sa likod ay bumaling naman ito sa akin. Binuksan nito ang pinto sa front seat at ginaya ako papasok. Tulad ng ginawa niya kay Rafie ay ganon din ang ginawa niya sa akin. Nahigit ko tuloy ang hininga ko ng magkalapat ang aming mga mukha.

Patungo sa school ay halata ang excitement ni Rafie. Si Leo naman ay halatang masaya din para sa anak nito,kahit ako sa sarili ko ay natutuwa din sa saya na nakikita ko sa kanilang mga mukha.

Nang maiparada ni Leo ang sasakyan sa parking lot ng school ay kaagad nagpaalam si Rafie na pupuntahan ang mga classmate nito. Naiwan kami ni Leo sa loob ng sasakyan ng bigla kong naalala si mama.

"Leo si mama! Oh my god! How can I forgot about her?"

Siguradong nag aalala na sa akin si mama,bakit ko ba kasi nakalimutan? Kagabi pa ako hindi umuuwi ni tumawag o magtext ay hindi ko nagawa.

"Baby,relax,kagabi ko pa natawagan si mama,okay? Alam niya na nasa akin ka"

Kahit paano ay nakahinga ako ng maayos sa sinabi niya. Anong klase ba akong anak? Nakalimutan na ang ina sa dami ng nangyari kahapon lang.

Una siyang bumaba ng sasakyan,umikot siya sa side ko para pagbuksan ako ng pinto. Natunaw ang puso ko ng ilahad niya sa akin ang kanyang kamay para alalayan akong bumaba ng sasakyan.

"Salamat!"

"Anything for you"

Pinigilan ko ang sarili sa kilig na aking nararamdaman,ngumiti lang ako ng tipid. Ano ba to? Im already thirty pero kinikilig pa rin ako na parang teenager. 

Hawak pa rin niya ang kamay ko kahit ng mailock na nito ang sasakyan. Hanggang sa paglalakad namin kung saan ay hawak hawak pa rin nito ang kamay ko and I find it sweet.

Ramdam ko ang mga matang nakatingin sa amin particularly on Leo. Kakawala sana ako sa pagkakahawak niya sa kamay ko ng higpitan pa nito ang paghawak.

Past is the presentWhere stories live. Discover now