Chapter three

3.4K 96 3
                                    

"Akala ko busy ka? Sabi ni mama kanina mamayang hapon ka pa daw,bakit andito ka ngayon?"

Tumayo ito sa kinauupuan at lumakad papunta sa may dressing table ko. Naupo sa bangko na naroon,nakangiti itong nakatingin sa akin.

"Alam mo kasi,limang taon tayong hindi nakapagbonding puro nalang sa tawagan tayo nakakapagkwentohan,kaya naman kahit may gagawin ako dapat eh sinugod agad kita kasi namiss kita ng sobra,ay nako! Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na kaharap na ulit kita,sabi pa ng mama mo pagpahingahin daw muna kita,pero dahil pasaway ako,I'm here in front of you hahaha...kwento ka na,simulan mo na dahil matagal kang nawala,we have the whole day to talk kahit one week pa yan,makikinig ako"

Huminga ako ng malalim,parang ako ang kinulang sa paghinga sa kadaldalan ni Careen.

"Pwede na akong magsalita?" Sarkastikong tanong ko sa kanya na ikinasimangot nito,ngumisi tuloy ako.

"Whatever! Go on" mataray nitong sagot.

I told her everything she wanted a know,from my first day until the last day. Kaya lang inabot na kami ng hapon sa katatanong niya. Nagpadala si Careen ng pagkain sa kwarto ko na parang siya ang may ari ng bahay. Feel at home talaga ang babaeng ito,nahiya naman akong utusan ang katulong namin,kaya hinayaan ko nalang siya. Mukha namang kasundo niya ang mga kasambahay namin,sino ba naman ang hindi? kung halos dito na siya tumira. Hindi kaya sumasakit ang ulo ni mama kay Careen pag andito ito?

"Eh buti hindi ka na kinulit ng mga suitors mo? Mga gwapo ba lahat? Yummy ba?"

See! Ang daming tanong.

"Yeah! They are all gwapo but I never like one of them"

"Sa dami nila,wala kang nagustuhan kahit isa sa kanila? Seriously friend?"

Hindi makapaniwalang tanong nito. Eh anong gagawin ko? Sa wala talaga akong nagustuhan sa kanila,kahit crush nga wala eh. Minsan tuloy iniisip ko lesbian ba ako? Pero kahit magagandang babae hindi naman ako nagiging attracted. Alam ko straight akong babae and a guy is my counterpart that's for sure. Maybe it's not time for me and for my soul mate to meet yet. Life is beautiful and I'm living how I should live life. He will come soon,I can feel that he is not far to me. He is just around taking his time and when that times come I will be the most happiest woman alive.

"Kulit mo alam mo iyon? Wala nga eh,ayoko namang ipilit ang sarili ko para lang may masabi na nagka boyfriend ako kahit hindi ko naman gusto"

"Oh chill lang friend,naninigurado lang naman ako"

"At bakit naman?" Sabay irap ko sa kanya.

"Kasi sa ganda mong iyan" turo niya sa buong katawan ko "sa sexy mong iyan,hindi ka nagkajowa doon? It's just unbelievable!"

"Hoy babae!" Duro ko sa kanya "kahit sila pa ang huling lalaki sa mundo kung hindi naman sila ang itinitibok ng puso ko,wala silang magagawa and besides busy ako sa pag aaral"

Naagaw ang pansin ko ng pumalakpak ito. Nagniningning ang mga mata nito sa tuwa? Baliw ba to?

"Hoy Careen! What happen to you? Bakit may palakpak?"

"Kasi friend,masaya ako" masaya? Bakit? "It's destiny that did not allow you to fall in love while you were away,it's fate that brought you back here,because the love of your life is here,waiting for your come back"

Napanganga naman ako sa mga pinagsasabi ni Careen. Ni sa hinagap hindi naisip na magiging makata itong kaibigan kong mas baliw pa yata kay Sisa.

"Careen! Kelan ka pa naging makata? Ang lakas ng trip mo friend,hindi ko nareach,iba ka!"

Past is the presentWhere stories live. Discover now