Chaper two

4.3K 102 2
                                    

Masaya ang naging hapunan naming tatlo,si mama hindi mapagsidlan ang kaligayahan. Pinagsilbihan niya ako na parang bata,si tita naman panay ang kumusta sa akin tungkol kay ate Esther at sa mga apo nito doon.

"Tita sabi ni ate bibisita daw po sila dito sa Christmas,sabi pa niya kulitin daw kitang sumamam na sa kanila papunta sa London"

"Siya nga naman ate Stella kaya ko na dahil naandito na ang anak ko"

Nangingiti na pailing iling lang si tita sa sinabi ko. Alam ko namimiss na niya si ate,sana nga pumayag na siya para hindi na siya mag isang namumuhay at para na din mapanatag na ang kalooban ng mga anak niya at kami na din na nagaalala para sa kanya.

"Parehong pareho talaga kayo ng ate mo,hayaan mo at pinag isipan ko na rin naman iyan,tutal naman ay naandito ka na,mapapanatag na akong iwan ang mama mo,sasamantalahin ko na ang mga buwan na kasama kayo,matanda na ako at gusto ko na din makasama ang mga anak ko at apo ko"

Madamdaming sabi ni tita.

"That's great! I'll tell ate na dito nalang sila mag stay para marami tayo mas masaya,it'll be a happy Christmas and New year"

Hindi ko mapigilan ang maging hyper sa katuwaan. Nagpalitan ng tingin si mama at si tita,siguro iniisip nila para akong bata sa ikinikilos ko. Pero okay lang kung ano man ang isipan nila sa akin,masaya ako.

"Ma! San po ba kayo nanggaling kanina? Nakita ko kasi na papasok kayo ng bahay ng maabutan ko kayong papasok ng bahay" balewalang tanong ko kay mama.

"Ha..a..ano anak,may bumisita lang kanina,kaalis lang nila at inihatid ko sa labas,hindi mo lang naabutan"

"Ah ganoon po ba? Siguro nag enjoy kayo sa pagbisita nila at mukhang napagod pa kayo ma!"

Nang hindi sumagot agad si mama ay sinulyapan ko ito. Na kay tita ang tingin nito na wari ba ay humihingi ng tulong. Nabaling kay tita ang paningin ko,tumango ito kay mama. Parang may alam sila na hindi ko alam,magtatanong na sana ako ng magsalita na si mama.

"Nag enjoy talaga ako sa pagbisita nila,every weekend sila bumisita sa akin kaya naman hindi ako naiinip dito,nakakatuwa ang mga batang iyon"

Halata sa boses ni mama na talaga namang masaya siya sa pagbisita sa kanya ng sinasabi nito. Gusto ko silang makilala ng mapasalamatan sa kasiyahan na ibinabagi nila sa aking ina..

"Soon,you will meet them and I'm sure na matutuwa silang makita ka"

Biglang sinalakay ng kakaibang kaba ang aking dibdib sa hindi ko malamang kadahilanan.

"Anak! Okay ka lang ba? Anong nangyayari sayo? May masakit ba?"

Tiningala ko si mama na may pagaalala sa mukha nito. Hinawakan nito ang kamay ko na hindi ko namalayan na nakapatong pala sa aking dibdib.

"I'm okay ma,it's just weird that I felt something different"

"Pagod siguro iyan anak,mabuti pa ay magpahinga ka na,sa sususnod nalang tayo magkumustahan muli"

Nagpatianod ako sa sinabi ni mama siguro nga pagod lang ako kaya ko iyon nararamdaman. I will feel better again after a good night sleep
that is for sure.

------

Tama nga si mama pagod lang ako kahapon kaya kung ano ano na ang aking nararamdaman.

It is a good morning,a very nice day to go around,oh! I think I should invite on mama ang tita Stella to go out any where.

Nagmamadali akong bumangon sa aking kama at nag ayos ng sarili,inayos na ng mga katulong ang mga gamit ko kaya wala akong gagawin ngayong araw.

Past is the presentWhere stories live. Discover now