Chapter twenty two

2.2K 79 2
                                    

"Leopoldo! Ano ba? Ang kulit kulit mo"

Tinalikuran ko ito at pilit na ipinagpatuloy ang pagbabasa ng librong hindi ko masimulang basahin.

"Babe! Please!"

"I said no!"

Isinara ko na ang libro dahil naiirita lang ako. Hindi ko iyon mabasa ng maayos. Inabot ko ang sunblock na nasa pagitan namin. Nag apply nalang ako sunblock,tumataas na din ang sikat ng araw. Pansin ko sa gilid ng mga mata ko ang pag ngisi nito at ang pagtayo.

Hinalikan nito ang balikat ko bago naupo sa likod ko. Kinuha nito sa kamay ko ang sunblock.

"I'll help you"

Hinayaan ko nalang ito at ipinagpatuloy ang paghagod ko sa aking mga braso at hita. Nang lumapat na ang mga kamay ni Leo sa likod ko para ikalat ang sunblock ay parang napaso ako. Napapitlag ako pero hinayaan ko lang ito sa ginagawa nito. Nang dumako na sa parteng balikat ko at minasahe nito iyon ay nawawala ang tensyon ko.

Napapapikit ako sa sensasyong binubuhay ni Leo sa pamamagitan lang ng pagmamasahe nito.

"Hmmm...that feel good"

"Here?" Idiniin pa nito ang pagmasahe sa parteng iyon ng balikat ko.

"Hmmm...yes babe"

"Okay baby,here it comes"

Holy sh!t! It feels really really good.

Hinagod nito ng may bigat at parang may kuryente akong maramdaman at the same time.

"Aahh...feels good Leo"

"Talaga?" Tumango ako.

I'm concentrating on feeling how good it feels,I close my eyes. Naramdaman kong nag iba ang posisyon ko. Nagmulat ako at nakita kong ihihiga na ako nito sa lounger na kinauupuan namin. I let him do that,he makes me feel comfortable by putting cushions before I lay down.

"Babe,next time huwag ka ng mag susuot ng two piece ha,may mga anak na tayo,ayaw kong makapatay ng tao"

Kanina pa si Leo nag ngingitngit dahil sa suot kong two piece. This is all I have,nasanay akong ito ang sinusuot kapag nasa beach kami o kahit magsiswimming lang sa pool.

"Oo na! Ano bang malay ko na may mga anak na pala ako?"

"Kaya nga ayaw na ayaw kitang iniiwan na mag isa lalo na kung alam kong ganito ang sinusuot mo e"

"Ngayon lang naman ako nagsuot ng two piece sa harap mo,feeling ka dyan,bago ba ako maaksidente nagtotwo piece ba ako"

"Hindi! Kung alam mo lang,kasi alam mong ayaw ko"

"Ang KJ mo pala no? Bakit pala kita nagustuhan kung KJ ka?

"Aba,Seraphina,ipapaalala ko sayo na pinikot mo lang ako,na bata ka palang pinag nanasaan mo na ako,five years old ka palang binalak mo na akong pakasalan,nong eleven years old ka naman inaway mo ang girlfriend ko ng mabalitaan mo iyon,nong fifteen years old ka naman gumawa ka ng kwento kaya kami nag break nong last girlfriend ko,nong sixteen ka sinabi mo sa kin na mahal mo ako,ikaw pa nga ang unang nanghalik sa akin,ang aggressive mo pa nga non,ni hindi ko nga alam kung saan mo natutunang humalik e sabi mo ako ang first kiss mo pero para kang sanay na sanay humalik,nong seventeen ka naging tayo kasi sabi mo hindi mo ko patatahimikin kung hindi ikaw ang magiging girlfriend ko,at ang mas malala pa nong eighteenth birthday mo nilasing mo ako,nagising nalang ako dahil sa sapak ng daddy mo at sa iyak ng mama mo,ikaw naman andon ka lang sa kabilang dulo ng kama mo nagkukunyaring umiiyak pero ng mapatingin ako sayo ngumisi ka lang sa akin,hindi na nga ako nakapagsalita dahil sa galit na nakikita ko sa mukha ng daddy mo,one week after your debut pinakasal tayo ng daddy mo sa judge na kakilala niya,after the wedding saka ko lang nalaman na virgin ka pa pala,na walang nangyari sa atin nong gabing nilasing mo ako,but thank goodness nabuo si Rafie na kasal na tayo..."

Past is the presentWhere stories live. Discover now