Chapter twelve

2.2K 102 1
                                    

"Ma! Una na ako!"

Tawag ko kay mama ng makababa na ako sa kusina. Nadatnan ko siyang nagluluto ng sinangag na kanin para sa almusal.

Wala pa si tita,nagdidilig pa siguro yon ng mga halaman sa labas.

"Eh hindi ka ba mag aalmusal muna? Maagap pa naman,bakit ba para kang nagmamadali?"

Kinuha ko ang phone ko ng nag beep yon,nag text na si Leo. Nasa labas na daw siya.

I look at mama abala pa rin ito sa paghahalo ng niluluto nito.

"Naghihintay na po kasi sa labas si Leo,sa labas na po kami mag aalmusal,baka malate pa kami"

Natigil ito sa ginagawa nito at humarap sa akin.

"Andito si Leo?" Tumango ako "bakit hindi mo papasukin? Ano ka ba naman Seraphina,hindi ka ba namin tinuruan ng daddy mo ng magandang asal? Nako ka talagang bata ka kahit kailan,hala papasukin mo siya at dito na kayo mag almusal,kasya itong niluto ko para sa ating apat,ibaba mo ang gamit mo at tawagin mo na si Leo..."

"Ma! Sorry I forgot to tell you na pupunta kami sa Antipolo,we will be having a surprise visit sa warehouse natin don kaya maagap kami"

Nilapitan ko na ito at niyakap.

"Sasabihin ko na lang po kay Leo na kinukumusta nyo siya,bye! Mama! See you later"

"Oh sige na,mag ingat kayong dalawa"

Nang makalabas na ako ng bahay ay nakita ko na ang sasakyan nito na nakaparada sa tapat ng gate namin. Nakabukas ang pinto sa side nito,malayo man ako ay kita ko ang pagkunot ng noo nito kahit side view lang nito ang nakikita ko. May kausap ito sa phone nito kaya hindi nito ako napansin.

Humakbang na ako patungo sa kanya. Namataan ko si tita sa may gilid ng garden nagdidilig ito.

"Tita! Good morning po!"

Lumingon ito sa akin at ngumiti.

"Papasok ka na ba sa trabaho? Ang agap mo naman yata?"

"May surprise visit po kasi kami ni Leo sa warehouse natin sa Antipolo,kaya umagap talaga kami ngayon"

"Ay ganun ba? Kaya pala naman maagap iyang bata na iyan,oh sige na humayo na kayo,baka tanghaliin kayo sa daan matatraffic pa kayo"

Ang maalalahanin talaga ni tita kahit kelan,kaya love ko siya eh.

"Nag almusal ka na ba?"

Humakbang na ako papunta sa may gate,sumabay din si tita.

"Hindi pa ho,sa daan na lang po siguro"

"O sige! Mag ingat kayo" tumango ako at lumabas na ng tuluyan.

Katatapos lang siguro ni Leo makipag usap ng makita kong ibaba nito ang phone niya. Lumapit ito sa akin para kunin ang mga dala ko.

"Bye tita!" Kaway ko sa kanya

"Leo! Mag ingat sa pagmamaneho" bilin pa nito.

"Opo tita! Sige ho mauna na kami"

Seryoso na naman ang mukha nito ng sumakay na kami sa sasakyan niya. Hindi ko matagalan ang katahimikan niya kaya ako na ang unang bumasag ng katahimikan.

"Leo! Are you alright?"

"Hmmm yeah!" Inistart na niya ang sasakyan pero tahimik pa rin ito.

I want to ask him again pero iniisip ko na baka makulitan na siya sa akin. But I can't help myself,my inner thoughts will always comes out.

Past is the presentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon