Chapter twelve

Magsimula sa umpisa
                                    

"Leo! May problema ka ba?" Bumuntong hininga lang ito "you can tell me you know,baka pwede kitang matulungan" sinipat lang niya ako ng tingin.

Hinaplos ko ang braso nito para iparating sa kanya na pwede ko siyang damayan sa kung ano man ang bumabagabag sa kanya. Marami na ang naitulong niya sa pamilya namin,hindi naman masama kung ibalik ko ang tulong sa kanya.

"My eldest daughter have a family day at school tomorrow,kausap ko iyong school principal kanina" Eh ano ang bumabagabag sa kanya? "Pero hindi ko alam iyon,kanina lang ng tawagan ako" ah so nabigla siya sa sinabi ng kausap? "nangako ako na pupunta ako bukas,I have to talk to my daughter,she must be upset again" nagbuntong hininga na naman ito na parang frustrated sa nangyayari.

Hindi ako eksperto sa ganitong sitwasyon pero pakiramdam ko alam ko ang dapat gawin.

"She must have a reason why she didn't tell you about it,she's just a kid and like what you have told me she is a smart girl,she knew that you're a busy man,she must have known that you are doing everything for them and in return she considered the situation na sa tingin niya ay tama pero kung tutuusin ay hindi dahil bata pa siya para sarilinin ang ganong sitwasyon"

Napansin ko ang ngiting naglalaro sa mga labi nito na pilit din nitong pinipigilan.

"May pinagmanahan"

Bakit parang nag iinit ang aking mukha?

"Ahmm nakausap mo na ba ang ina ng mga anak mo tungkol sa family day sa school?"

Kinabahan ako ng parang nanikip ang dibdib ko. Sana naman hindi ako atakihin,huminga ako ng malalim para pakalmahin ang naramdaman kong paninikip ng dibdib. It works!

"I'll take you"

Ano daw?

"Huh!?"

"Sabi ko ikaw ang dadalhin ko,ikaw ang isasama ko bukas"

Ano bang pinagsasabi niya? Hindi ko siya maintindihan,bakit ako ang isasama niya? Bakit hindi ang ina ng mga anak niya?

Sa dami ng tanong sa aking isip ay hindi ko na alintana ang naging buong maghapon namin sa pagbisita sa warehouse hanggang sa makabalik kami ng opisina. Nagulat nalang ako ng may sumalubong sa amin papasok ng opisina namin.

"Daddy!"

May batang babae ang tumatakbong lumapit kay Leo at yumakap dito ng mahigpit,gayon din naman ang ginawa ni Leo dito.

Kinurot ang puso ko sa eksenang nasaksihan. Parang gusto kong mayakap din bigla ang batang babae.

"Rafie? Bakit nandito ka? Sinong naghatid sayo dito?"

Rafie? Nanlaki ang mga mata ko sa itinawag nito sa anak niya. May pangamba na tumingin si Leo sa akin,nag iwas ako ng tingin at tuluyan ng lumakad sa loob ng opisina. Inayos ko ang bag ko sa table ko ng makaupo na.

Kita ko ng ayain nitong maupo sa sofa set ang anak nito na nakayakap pa rin dito. Kinarga nito ang bata ng hindi ito gumalaw sa pagkakayakap. Naupo ito at ikinandong ang bata sa kanya.

"Hey! Why are you crying?"

Naagaw lalo nito ang atensyon ko,nakita kong umaalog na nga ang balikat ng anak niya. Halata ang pag aalala sa mukha ni Leo para sa anak.

Umiling lang ang bata at yumakap ng mas mahigpit sa ama. Nagkatitigan kami ni Leo ng tumingin itong muli sa akin. Parang humihingi ng tulong ang mga titig nito na mabilis ding napalis ng ituon ang atensyon sa anak.

Umangat ang bata at parang may ibinulong ito sa ama.

"I understand Rafie! Tahan na! Big girl ka na di ba?" Tumango ito "so dapat hindi ka na umiiyak,sige ka pag nakita ka ng kapatid mong ganyan tutuksuin ka non,saka may nakakakita pa sayong ibang tao,you don't like it pag may nakakakita sayong umiiyak di ba?" Umiling muli ang bata at paunti unti na itong tumatahan.

"Pwede mo na bang sabihin sa akin kung paano ka nakarating dito at kung nasaan ang kapatid mo?" Malumanay na tanong nito sa anak habang pinapahid ang mga luha.
Nakatalikod ang bata sa akin kaya hindi ko makita ang mukha nito.

"I called lola Yta po,then she send tito Gary to pick up us at school and we dropped her at ninang Careen's house po,sabi ni ninang sa weekend nalang daw po niya ibabalik si Serrie"

Serrie! It sounds familiar.

"Okay! Fix yourself I'll introduce you to Raphie"

Nagkatinginan ang mag ama na para bang may pagkakaintindihan na sa pagtitig palang. Kumabog ang puso ko sa sinabi ni Leo.

Ibinaba nito ang bata paharap dito at inayos ang uniform na soot ng anak niya ng nakaluhod ang isang tuhod kapantay ng sa anak niya. He seem so natural being a father,to think that he have two girls. I admire him!

"Raphie!" Tawag nito sa akin.

Alam niya na pinagmamasdan ko silang mag ama but he doesn't seem to mind. Tumayo ako sa kinauupuan ko para lapitan ang mag ama sa sofa set na kinaroroonan nila.

Tumayo ito at pinaharap sa akin ang anak nitong halos walang pinagkaiba sa itsura nito. Parang photo copy nito ang anak,pinaglipat lipat ko pa ang tingin ko sa mag ama ng ilang beses. She is the girl version of him,kahit saang anggulo tingnan ay magkapareho ang dalawa. Tama nga ito noong sabihin nitong mini me niya ang mga anak.

Nahinto lang ako ng marinig ko ang mahinang pag ngisi ni Leo. Ang anak naman nito ay nangingiming nakatingin lang sa akin. Nakayakap ito sa ama nito ng sobrang higpit.

"Raphie meet my daughter,Rafie!" I smiled at her "sweetheart,meet Raphie...your mom"

Say what?

Nawala ang ngiti ko ng bumaling kay Leo. Kelan pa ako nagkaanak? At kelan ako nagkaroon ng instant family?

Susungalngalin ko na sana si Leo ng sunggaban ako ng yakap ng anak niya.

"Mommy!" Nakatulala akong napatingin kay Rafie "Mommy,I missed you" mas lalong humigpit ang pagkakayakap niya sa akin.

Muli akong tumingin kay Leo para sana magtanong pero nawala na siya sa kinatatayuan nito kanina. Nabalik ang atensyon ko sa bata ng marinig ko itong umiiyak na.

"Mommy...mommy...mommy ko..."

The way she weeps,it took my heart away. Parang pinipiga ang puso ko sa kanyang pag iyak,hindi ko namalayan na naluluha na din ako. Napaluhod ako sa tapat niya at awtomatikong niyakap ko itong pabalik.

"Mommy! Are you feeling better now?" Tanong nito na umiiyak pa rin,halata sa boses nito ang pag aslala para sa akin "But it's okay mom if you can't still remember me basta andito ka na at yakap na kita,magiging okay na tayo,I'll be good na po mommy! Promise mom,I won't run after mingming anymore na po,basta you stay with us na po,I love you so much mommy!"

Past is the presentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon