"I can't hear you, Gray ..." ngisi ko kay Gray.

"Yes, mommy," he answered me with a deep voice na para bang nagbibinata na siya.



Nilagay ko sa harapan nila ang tig-isang plato ng pancakes. Hitik iyon sa syrup kagaya ng gusto nila palagi. I want to see their smile first thing in the morning kaya as long as I can give what they want to have, binibigay ko talaga. Ganoon ko sila kamahal. Tinulungan ko silang i-slice iyon in bite sizes para ang pagtusok sa tinidor at pagsubo nalang ang gagawin nila.

I am training them to do the basics alone like eating, changing shirts and shorts, combing and stuff. Not all the time they'll depend on me on all things. If only they'll be this young forever, but that is impossible. They are growing up and that is inevitable.

Naabutan ko si Angel na naglalaba sa likod ng bahay, kaya pala hindi ko siya nakita sa sala na nagsa-soundtrip habang nagma-mop. Pinatigil ko siya sa ginagawa para maihanda na iyong basket na paglalagyan ng mga pagkain. Ako naman ay sasabayan ang kambal na maligo para makatipid sa oras, alas-nuwebe na at heto't nasa bahay pa kami. Malayo-layo pa naman ang waterpark mula dito sa bahay.

Malapit nang mag-alas onse nang nakarating kami sa isang waterpark sa Lapu-Lapu City. Agad na tumakbo si Gale pagkarating namin sa pool area. Nakakabighani ang pag-agos ng bughaw na tubig na sinasabayan ng preskong hangin mula sa dagat. Napaka-swerte nang taong ganitong eksena ang ginigisingan sa araw-araw.

"Gale, ingat ka ah?" pinaalalahanan ko si Gale na tumatakbo paikot sa pambatang swimming pool. "Angel, pakibantayan nga si Gale." Si Gray ay kasalukuyan kong nilalagyan ng sunblock ang braso. Ngumisi siyang nang padaanan ko ang kili-kili niya ng haplos.

"Aba! May kiliti si Gray sa kili-kili ah?" nginisihan ko siya at kiniliti roon. His laugh is divine. Nakakawala ng stress at iba pang iniisip.

"Mommy p-please s-stop!" he giggled once again kaya tinigilan ko na siya. "Mommy, palagi ka po na-nangingiliti," he told me smiling.

"Talaga?" tanong ko habang naglalagay naman sa braso ko ng sunblock.

"Opo."

"Kasi nakaka-adik ang tawa niyo ni Gale eh," nakangising sagot ko sa kanya.

"What's naka-nakaka-a-adik?" he asked me with his questioning eyes.

"Hmmm ... nakaka-adik like you always want it, you will never get tired of it. I'll never get tired of seeing you laugh, Gray."

"Hmm, I love you, mommy!" it was one of those rare moments he tells me he loves me. Pero sa dalang ng mga panahon na nagsasabi siyang mahal niya ako ay alam ko namang totoo ang sinasabi niya sa akin.

"I love you, too, baby!" niyakap ko siya ng mahigpit. "Kung sana'y ganito lang kayo ka-cute at ka-sweet habang buhay, anak ..." mahinang bulong ko.

"Splash! Splash!" humagikgik si Gale habang sinasabuyan ako ng tubig.

"Water power! Whaaaa!" dumating si Gray at kunwari ay nag-water bend na parang sa Avatar. Nagkunwari akong natamaan at sabay-sabay kaming tatlo na tumawa. Si Angel ay pinalusong ko na rin sa pool para dalawa kaming magbantay sa kambal.

Pagdating ng tanghalian ay pinagsaluhan namin iyong mga niluto ko. Gustung-gusto ni Gale iyong new york sandwich dahil niramihan ko ng cheese sa loob nito. Masaya ako at nagustuhan nang mga anak ko ang niluluto ko para sa kanila. Walang pagsidlan ang kagalakan sa puso ko tuwing ganado silang kumakain sa mga hinahanda ko. I feel fulfilled being a mother, being their mother.

Her Unwanted Love (Salvador Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon