Chapter XXXIV - Time Management

Magsimula sa umpisa
                                    

“Hey. Hey. Eto na nga ba’ng sinasabi ko eh. Ano na naman bang nangyari?”

Sinusundot-sundot ko ang pagkain ko, nakatingin sa kawalan. “We were having a great time sa Japan. He was so sweet. He took me on a yacht date. He serenaded me with a beautiful song. He gave me a bouquet of flowers. We took great pictures together. He gave me this…” Hinawakan ko ang kwintas na bigay niya. “He was a perfect husband when we were in Japan.”

“Continue…”

“Then here comes the stupid phone call.” Tumulo na naman ang mga luha ko. “…that made him decide na bumalik agad dito.”

“Sshh. It’s not good na umiiyak ka ng ganyan. Makakasama sa baby.”

“No! Listen! So ako naman ‘tong si tanga, engot, gaga, tarantada… kumuha ng ticket pauwi rito. Ginawa ko ‘yun kahit pa alam kong niloloko ko lang ang sarili ko. Ginawa ko ‘yun Steph.”

“Oh Kimmy. Why did you do that?”

“Ayoko siyang magsinungaling. Kaya kahit masakit, ako na lang ang gumawa ng paraan. Hindi ko maintindihan Steph. Ano bang meron ang babaeng ‘yun na wala ako? Hindi ko maintindihan, bakit lagi na lang siya ang pinipili ni Xian? Sino ba talaga siya?” Instead sumagot, niyakap na lang ako ni Steph.

What the hell am I doing? Bakit ba ako nagkakaganito? Hindi ko ba naisip ang magiging epekto nito sa pinagbubuntis ko?

“Ano na ang plano mo?” Tanong ni Steph habang nilalagyan ng tubig ang baso ko. “Oh, uminom ka muna. Ako ang naloloka sa’yo eh.”

“Titiisin ko muna ‘to.”

“What? Ano kamo? Pakiulit nga.”

“I’ll stick unto him.”

“Shiz bitch! Gising-gising din pag may time! Ano, hahayaan mo na naman ‘to? Palalagpasin mo na naman ‘tong emotional problem na dinala sa’yo ng asawa mo? Lagi na lang bang ganito? ‘Di ka ba napapagod?”

“Titiisin ko habang kaya ko pa. At kahit anong mangyari, kakayanin ko. Gusto kong mabigyan ng buong pamilya ang anak ko.”

“Ang tanong, hanggang saan mo kaya?”

“Hindi ko alam… Hindi ko alam Steph.”

XIAN’S POV

Ilang linggo na rin ang nakalipas mula ng umuwi kami galing Japan. Nung sumugod ako sa hospital, she was in her worst side. Nagwawala siya. Hinahanap niya ang taong bahagi ng buhay niya. I wanted to hug her pero hindi ako pwedeng lumapit sa kanya. It almost killed me to see her that way. Her image recently was far different from her image few years ago. Maraming nagbago. Maraming mga bagay ang nakasakit sa akin, sa kanya at sa mga taong nakapalibot sa amin. I never thought that my life, our lives which were once a fairytale would end up this bad.

I decided to send her to a mental institution. Masakit mang isipin pero nang makita ko ang paghihirap niya, ang pagwawala niya, naisip ko na siguro nga, it’s right na mas bigyang pansin ko ang kalagayan niya. She’s very dear to me kaya nahihirapan akong harapin ang katotohanang  konte na lang ang tsansang bumalik siya sa dati niyang sigla. Kung sana, alam ko lang na ganu’n ang mangyayari, sana mas naging mapagbigay ako sa oras ko. Kung alam ko lang na ganito ang magiging epekto, sana nagawa kong pigilan ang lahat ng ‘yun. Depression killed her, killed the old shade of her. Sa mga nangyari, halos ikamatay ko rin. Halos ikabaliw ko rin. Wala man lang akong nagawa. Gabi-gabi, for 3 years, binubulabog ako ng nakaraan. I wish to move on pero dahil sa pinagdadaanan niya, mas nahihirapan akong kalimutan. Masyado akong naging insensitive. Kasalanan ko ang lahat.

The Meaning of Wife (KimXi Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon