61- A call

1.6K 39 6
                                    

Hello po! Abangan niyo po sa mga susunod na UD, may mga Unknown's POV na po. Mga panggulo ba. Lol, happy reading sensya ngayon lang po XDD Grey & Monique sa side -->

Jade’s POV

Kung nasa school ako sabi ko sa sarili ko Sana walang pasok no? Nang makapaghinga naman sa bahay, Ngayong nasa bahay naman Sana may pasok no? Ang boring naman kasi dito sa bahay. Muntanga lang! Kami lang ni Denise sa bahay ni hindi pa umuuwi si Sienna.

“Ayos ah?” dinig kong sabi ni Denise

“Anong ayos?” tanong ko, nakahiga kasi ako sa kama at ikot ng ikot. Wala eh, walang magawa!

“Ang boring” sagot niya, napaupo naman ako sa pagkakahiga

“Anong konek!?” sigaw ko sakanya

“Yun nga yung ayos eh, walang konek! Tungunu, ang boring sa bahay pagkulang tayo!” sabay sarado niya ng kanyang sketch pad “Makapag-net nga” napatayo ako at tinabihan siya sa maliit na sofa, nandito kasi ako sa kwarto ni Denise. Wala akong kasama sa kwarto ko eh, tig-iisa na kami ngayon ng kwarto kaya ang boring pag ikaw lang mag-isa

“Aish, walang magandang balita ngayon! Labas tayo Jade” napasimangot naman ako sa sinabi niya

“Ba’t si Monique may date!?” dabog ko “Sige laba—“ natigilan ako ng marinig kong nagriring yung phone ko sa kwarto “T-teka Den, sagutin ko lang yun” tumakbo ako papalabas ng kwarto at agad na sinagot ang nagwawala kong cellphone, ehh? Unregistered number!?

“Hello? Who you? I’m fine, fck you” nakaka Badtrip kasi eh!

Di joke lang! Wag namang ganyan! HAHA

“Hello?”

[Uhm, hello]

“Uhh, hello?”

[Hello..]

“Ginagago mo ba ko ha!?”

[Oo, ginagago ki—ay sorry Jade!]

“Langya! Sino ‘to!?”

[Si Inigo to, galit ka ba? Sige wa--]

“Oh may gad! Ikaw pala yan Inigo? Sorry ha!” ang bastos ko naman sa inasal ko

[Di, okay lang. Siguro di mo lang ako inaasahan]

“Ahh, hehe. Ano nga pala yung tinawag mo?”

[Pwede ka bang..]

“Bang..?”

[Lumabas?]

“Pwede naman, hindi naman ako preso eh”

[HAHA, sabi ko nga! Sunduin kita ngayon sa bahay mo?] nagulat ako, N-ngayon!? Ngayon mismo!? Tungunu!

“Ngayon talaga? As in now na?”

[Hindi, ngayon siya pero bukas nalang. Di joke lang! Yeah, now na. Bakit ayaw mo ba?]

“HAHA, maka joke?! Nako, hindi! H-hindi”

[San ka pala nakatira? Sunduin kita mamayang 3pm]

“Ahh, sa Nasaan street, Hindi ko makita village”

[Ahh, m-meron ba nun?]

“Yah! Y-yah, kung di mo mahanap tanong mo lang sakin ha? Sunduin kita sa gate ng village”

Mess with the DELINQUENTSWhere stories live. Discover now