55- Gimik part 1

1.7K 41 4
                                    

 WOOOT! Hindi ako marunong sa romance or what kaya, heto! Bitin to! HAHAHAHA

Ivan’s POV

Nasa Leisure Room kami ngayon at dahil Thursday ngayon may clubs, naghahanda kami ng pampalit dahil hindi sasali sina Matt at Grey ngayon sa basketball na paglalabanan nanaman ng dorm 1 at dorm 2.

“Sige na!” sigaw ni Grey kay Seth “Parang awa mo na boyfriend! WAAA” kanina pa yan nagrerebelde, tawa lang kami nang tawa dahil pinapaiyak namin

“Gagawa ka nang eksena na liligawan mo siya tapos, HAHA! Kami yung guguluhin mo tungkol diyan!?” sigaw ni Seth na natatawa

“Shet kayo eh! Alam niyo namang wala akong babaeng nililigawan, wala diba!? Nakakailang Girlfriend na ako pero, nakng tokwa! Ni hindi pa nga ako nakasabi ng ‘Pwedeng manligaw’ Omu-oo na! So tulungan niyo akooo!” pagmamakaawa niya

“Hay, anong kapalit?” tanong ni Seth napatingin kami sa dalawa, napabusangot si Grey

“Akala ko bestfriend kita? Ba’t kailangan mo pa nang kapalit!? Wag na ngalang! Di dahil sa hindi ako marunong sa mga babae hindi ko malalampasan ‘to!” nagdadabog siyang umupo sa sofa

“Nagbibiro lang ako! Hoy! Langya! Di wag!” ayan nanaman ang dalawa, nag-aaway na naman

“Tutulong ako” napatingin kami kay Luke na nagbabasa ng libro

“Oh siya, ako rin!” nakisali na ako “Matahimik ka lang!”

“Matt..?” nagmamakaawang tanong ni Grey, napatingin naman ako kay Matt na may ginagawa sa cellphone niya at tumango “Shet! Kung alam niyo lang kung gaano ako kasayaaaaa!” sigaw ni Grey natawa nalang kami ng mahulog siya sa sofa

“Simulan na natin!” sigaw niya at bigla biglang tumayo

“Seryoso ka!?” tanong ni Seth

“Hindi. Shutang ina! Syempre!” asar na sagot niya

“Kung manligaw ka, hindi yan agad agad! Mga one week tsong!” sabay batok sakanya ni Luke

“Bakit may niligawan ka na ba?!”

“W-wala pa, sabi lang dito sa mga librong binabasa ko” sagot naman sakanya ni Luke

“O siya! Sige na, paano ba!?” lumapit naman ako sakanya at nag-usap na “WAAA! Ba’t mahirap yang gimik na yan!?” sinapok ko siya sa pagsigaw niya

“Gago! Magseryoso ka! Halata namang hindi easy to get ang liligawan mo!”

Monique’s POV

Tuesday na, limang araw na simula nung sinabi ni Grey na liligawan niya ko. Ako naman si Tanga naghihintay din! Walangyang baklang yun! Walang isang salita! Gago! One month na rin simula nung lumipat kami nang Agustin Academy, ang bilis nga ng oras eh! Hanggang ngayon wala pa rin si Grey! Ni hindi siya pumapasok sa klase! Tinatanong ko sa naka assign na teachers samin pero ang sagot mag-isa daw siyang nag-aaral sa leisure room! ANG GAGONG YUN!

“Monique, ang sandwhich kinakain.. hindi dinudurog okay!?” napatingin naman ako kay Denise at sa sandwhich, WAA! Kawawa yung sandwhich, ane be yen!

“Umaasa ka no?” napatingin naman ako kay Jade na kakaupo lang sa sahig.

 Nasa rooftop kasi kami eh, nagmumukmok! Dahil free time din naman, walang sinabi pero wala daw yung teacher namin sa Filipino at English. Nagtataka nga ako eh

“A-ako!? A-asa!? Mukha niya” pero sa totoo lang, na disappointed ako

“Oh, nagtext si Luke” napatingin kami kay Erin na nakatayo malapit sa railings

Mess with the DELINQUENTSحيث تعيش القصص. اكتشف الآن