44- Trap!

2K 48 4
                                    

Hello, comment lang kayo kung may gustong sabihin! HOHO :))

 

Ivan’s POV

Lumaki yung mata ko nung makitang namumutla si Luke at binalitang ‘WERE TRAP’ napatingin naman ako kay Jade na tulog at biglang humilik! [Chos, over ni Ivan]

“Wag kang mag-alala, ihiga mo nalang si Jade sa sahig ganyan yan pagnasasaktan. Umiiyak at biglang matutulog ng humihilik” napangiti naman ako ng wala sa oras sa sinabi ni Erin, yung totoo? Si Jade ba’to? Parang di siya yung nakilala kong nanununtok at nagsusunget eh.

Pa-ika-ika akong bumalik kung saan ko binuhat si Jade, dahan dahan ko siyang ibinaba at inihiga sa sahig na may damit ko. Oo, hinubad ko yung jacket ko at nilagay sa hinihigaan niya tinignan ko ang makinis at maputi niyang paa, di ako manyak hoy! Nakikita kong namumula ang wrist nung paa niya, ano ba yan!? Mukha ngang masakit, kaya natulog nalang siya siguro. Napabaling naman ang atensyon ko kina Luke at Erin na palipat lipat ng posisyon, tatakbo si Luke para subukang buksan ang sliding door ng quad palabas ng pool area. Ehh automatic yan eh, kahit subukan mong basagin ang salamin niyan mabibigo ka sa kapal ng glass diyan. Si Erin naman panay ang yugyog sa two sided yellow na pinto papunta naman ito sa loob na ng Academy bali passage ito sa lahat ng floors at classrooms. Kalaunan napahinto naman sila at naki-upo malapit samin.

“Uy Grey, anong oras na ba?” tanong ko

“Uhm, 7:16 brad” halos ibulong na niya dahil nakasandal ang ulo ni Monique sa balikat niya at taimtim itong natutulog. Himala! Walang away ah?

“Ivan, hanggang anong oras tayo dito?” napatingin naman ako kay Seth na halos bumulong na din dahil nasa sahig siya kasama si Sienna. Tulog na yung babae kaya walang bugbugan, ewan ko sa mga ‘to! Ano ba ginawa nila!? “Sana ganito nalang hanggang bukas” may binulong siya, di ko man lang narinig

“Next year Seth! NEXT YEAR!” sarcastic kong sagot “Aba! Malay ko!” napatingin ako kay Matt na hinahaplos ang buhok ni Denise, nakatulog kasi si Denise sa lap ni Matt at gamit ang phone ni Matt nakaheadset silang pareho. Napansin ko ding humihikab na si Erin at inaabangan naman siya ni Luke. Natatawa nalang ako dahil panay ang hampas ni Erin paghahawakan ni Luke ang ulo niya para makahiga na ng tuluyan, maya maya pa ay bumigay na ito pero sa sahig siya nahiga tinakpan naman siya ng jacket ni Luke. Aish, masasabi ko bang nadali na kami, ng limang trouble makers na’to?

Ah, bahala na! Nahiga naman ako sa gilid ni Jade, ka level niya yung dibdib ko at nakatulog. Napamulat nalang ako dahil sa gulat ng nilagay ni Jade ang paa niya sa ibabaw ko, at niyakap ako ng mahigpit. Gulp, ano ba yan!? Magkaharap pa kami! Tumingin ako sa paligid medyo madilim na, at tulog na din yung iba. YUNG IBA—dahil ang apat na hunghang gising na gising, kaya unti-unti kong ini-alis si Jade sakin at tumayo. Napatayo din yung apat kaya nagtipon-tipon kami

Mess with the DELINQUENTSWhere stories live. Discover now