18- A Friend or A Foe?

2.5K 48 3
                                    

Annyeonghaseyo! NakaUD din :)) A friend or A foe? Comment & Vote if you like! Aigoo! Say HI to Kuya Inigo! HAHAHA, Enjoy Reading mga Beybs! :">

Jade’s POV

Nagising ako na dinadala ako sa ospital, ang ingay ng ambulansya! May naramdaman ako sa kamay ko, kwintas? Pinasok ko nalang ito sa bulsa ko

“Miss! Gising na po siya!” may sumagot mula sa dulo ng hinihigaan ko sa ambulansya, SINO SIYA?

“Kumalma ka hijo, nandito na tayo sa ospital” sagot sakanya ng babae na sa palagay ko ay nurse

*

Tapos na akong gamutin ng doctor, sinabihan din nila akong kumain daw sa tamang oras dahil kanina naalala ko hindi ako nag-almusal naglunch nga ako konti rin naman dahil hinatak ako nina Erin bumili ng swimsuits. Tss! Tapos dugtong pa nila uminom daw ako ng vitamins o gamut para sa sugat ko sa noo, pero hindi diyan ang inaalala ko! KUNG SINO ‘TONG KASAMA KO! Yun yun eh, di ko siya kilala

“Ayos ka lang ba?” nagsalita ang lalaki na mukhang kaedad ni Ivan habang sumasandal siya sa pintuan na nakacross arm “Miss?” natauhan ako, Di kaya siya yung nagligtas sakin?

“K-kilala ba kita?” tanong ko sakanya

“Sa palagay ko hindi, ako yung tumulong sayo” nagulat ako, SIYA!? Ngumiti siya ng maluwag

“T-talaga? S-salamat” nakatitig pa rin ako sakanya, dahil kahawig niya si Ivan kaya lang hinahanap ko sakanya yung saksak! Oo! Natatandaan kong nabitawan niya ako ng saksakin siya, pero wala!

“Hatid na kita?” ayan nanaman siya sa ngiti niya, gwapo siya, maputi, kahawig niya nga si Ivan pero iba pakiramdam ko dito sakanya para bang may itinatago siya sa likod ng mga ngiti niya.. Tulad ng SAKIT, POOT

“Anong oras na ba?” tanong ko sakanya dahil hindi ko mahagilap ang bag ko sa tabi ko

“Eto ba hinahanap mo?” inangat niya ang bag at paper bag ko “Dinala ko baka hanapin mo”

“Salamat talaga—“

“Inigo” he flashed a sweet smile

“Inigo, thank you Inigo” I smiled back

*

Nadischarge na ako sa hospital, at nagtaxi kami ni Inigo papuntang Academy hindi ko alam pero kinakabahan ako. Nakita ko rin ang cellphone ko andaming tawag at text mula sa apat, pati Unknown numbers meron din

From : Sienna

[JADE! Jusko naman, umuwi ka na! Ano?! Nag-aalala na kami sayo!]

From : Monique

[Jade Venice Uy Recuesta! Gagers ka! Umuwi ka na, baka ano na nangyari sayo?! Nakakailang tawag na kami! 10pm na!]

From : Erin

[Please text us If where the hell are you Jade! Unless you’ve been kidnapped or something! At sana hindi totoo ang mga pinagsasabi ko! Text us Jade! We’re all worried!]

From : Denise

[Nasaan ka na ba? Kanina pa kami naghihintay sayo! Textback Jade!]

May Load pa siyang pinasa! Kaya tinext ko sila, GM (Group Message)

[Guys! I’m sorry okay? I’m fine, I found myself in the hospital kaya ngayon pauwi na ko ng dorm. I’m fine promise, just wait me at the gate]

Sent Message

Mess with the DELINQUENTSWhere stories live. Discover now