15- Continuation ~Boys POV

2.5K 54 5
                                    

Annyeonghaseyo! Continuation po ng Boys POV, Classmates! By the way! THANK YOU VERY MUCH PinkLuvah13 sa madaming votes and sa comments na rin! IKAW ANG NAGPA UD SAKIN! HAHAHA, Dedicated sayo to! Lovelots! ^u^ Enjoy reading mga BABES :”>

Luke's POV

Ano ba yan? Ako nanaman Author? Ayaw ko eh! HAHAHA, di joke lang!

Lumabas kaming lima sa LR, para sumakay ng elevator. Napagdesisyonan kasi ni Ivan na makihalo na kami sa section A, meron kasing apat na section sa 4th year, CLASS A, CLASS B, CLASS C, and the Lower—CLASS D

*TING*

(4th floor)

“Teach me how to dougie! Teach me how to dougie! Yeah! Y— Aray!” hinampas ko ng pocket book si Grey “Bakit mo ko hinampas Boyfriend!” T___T

“Sa ang ingay mo!” lakad pa rin kami ng diretso

“Nakikinig kasi ako ng ipod! Ansama mo!”

“Ewan ko sayo—“ may nakita akong limang chicks! “Ivan, yung limang babae kahapon oh” sabay turo sa limang nakatalikod na babae, hindi ko alam pero binilisan ko ang lakad ganun din ang apat na ulol

"Nagpapasalamat ako at nakarating tayong lima na buhay sa Academing ito! MWAHAHAHAH" tawa ng babaeng sumuntok kay Seth kahapon, tinignan ko si Seth parang di maayos mukha niya

"Ang O.A mo naman! First day of regular class pa lang naman ah, hindi naman nila tayo kayang galawin" nagsalita ang singkit mata na babae, na ang nakaaway ko kahapon

"Oo nga hindi pa nga ngayon" nagulat silang lima na may nagsalita sa likod nila "Wag kang excited, diba Erin?"

"HAHAHA! Nagulat ba kayo?" Grey

"HINDI! HINDI KAMI NAGULAT! ACTUALLY ALAM NAMING NANDYAN KAYO KAYA HINDI KAMI NAGULAT! NA SHOCK LANG!" bara sakanya ng babae, HAHAHA!

"Heh! Manahimik nalang tayo Nique, baka kung ano nanamang gulo ito eh" awat ng Jade "Alis na tayo dito" ang susunget nila masyado T^T

"Pasok na tayo" nagpatuloy silang lumakad kami naiwan sa corridor

Tumambay muna kami sa canteen, as usual pinagkaguluhan kami, yung tatlo kung kasama cool lang parang walang tao sa paligid nila, ako? Syempre entertain girls! Diba? Ganun din si Seth panay ang landi

*

Pagkatapos naming tumambay, naglakad kami na parang mga pagong sa bagal

“Wala na bang may maibibilis yan?” sita ni Grey

“Edi mauna ka!” Seth

“Bwesit, inaantok ako sa inyo” sabay hikab ni Matt

“Tama ba desisyon ko?” nagulat kaming apat sa pagsalita ni Ivan

“Tungkol saan?” Seth

“Lilipat tayo ng Class A, sa inyo tama ba?” ngayon ko lang nakita ang pinsang kong ito na nag-isip, anong nangyari? Alam niyo kasi pag may gusto yan o hilig hindi na yan nagtatanong agad agad siyang nagdesisyon

“Teka! Tungkol ba’to sa Jade?” paghula ko

“Hindi ah! Gusto ko lang makaranas na makihalo na sa iba, hindi ba kayo nagsasawa sa halos ilang taon na tayong limang magkakasama?” napahinto kaming lima sa sinabi niya

Mess with the DELINQUENTSWhere stories live. Discover now