59- Misunderstood.

2K 44 23
                                    

Uy babae! Dedicated to sayo, grabe ka kasi sa previous chapter. HAHAHA! Dedicated talaga sakin yung first story mo, thank you. Ahihi, at yung sabi mong pinapagalitan kana dahil hinihintay mo yung UD kaya thank you tologo. Actually sa lahat naman dedicated 'to eh :)

Sienna’s POV

Nagmulat ako ng mata dahil sa naiihi ako, masyadong madilim. Anong oras na ba? Aish, ano ba yan ihing ihi na ako! Bumangon ako sa higaan at panay ang kapa dahil madilim

“Sa pagkakaalam ko nandito yung switch ko eh” bulong ko habang nakapikit ng bahagya dahil sa sakit ng ulo

Walang switch!? Nagpatuloy ako sa paglalakad sabay kapa ng mga gamit ng may nahawakan akong bagay at nahulog ito, lumapit ako rito at nasugatan “Shet!” sigaw ko dahil bubog pala ang naapakan ko, dali dali akong bumalik sa kama at naupo kinuha ko ang malaking bubog na dumikit sa paa ko at umusog para umupo na ng tuluyan sa kama, kinapa ko yung kumot nagulat ako ng makapal ito. Pinalitan yung kumot ko ng comforter!? Di ko nalang pinansin at pinang pahid yun sa sugat kong dugo ng dugo

“Ane be yen, huhu” ingay ko dahil nagresulta ito ng malaking sugat, kahit na ihing ihi na ako ay nahiga nalang ako sa kama at pumikit “Kay lakas naman nung  pesteng aircon” sabi ko at hinatak ang kumot bago tuluyang matulog

Seth’s POV

Nagising ako na nasa sahig na, malamang nahulog! Bumangon ako at nahiga ulit sa tabi ni Sienna na balot na balot ng kumot, lumayo ako sakanya baka kasi mahulog na naman ako. Nagulat ako ng may dumantay sa tiyan ko, nakaramdam ako ng bigat pero di ko nalang ininda at natulog ulit.

*

“OPPA! WHY YOU NO DAMIT! MOMMY DADA! OPPA HAS NO DAMIT!” sigaw na dahilan ng pagkagising ko, bahala siya diyan “MOMMY, MOMMY! DADA!” alam kong sigaw yun ni Sugar pero agad namang nawala kaya natulog ulit ako

“SETHRO APOLLOOOOO!” sigaw na ikinagulat ko, FCK THE WHAT!? SI MOMMY! Bumangon ako sa pagkakahiga at nakitang gulat na gulat pa rin siya, napatingin ako kay Sienna na tulog pa rin at nakadantay pa sakin

“Ba’t ka ba sumisigaw honey— Oh shet!” napatingin ako kay Daddy na kakapasok palang sa pinto ng kwarto ko “BINATA NA ANG ANAK KO! WOO! DI BAKLA ANG KAISA ISA KONG ANAK NA LALAKI!” sigaw ni Daddy na ikinagising ni Sienna, biglang lumaki ang mata niya at namula

“Langya ka Stefan! May pinagmanahan talaga ang anak mo sayo!” sigaw ni Mommy at pinaghahampas na si Daddy “Hoy! Letcheng bata ka! Pag nalaman kong pinilit mo ang babaeng yan na makipag totoot! Ay talaga ka lang! BUMABA KA AT MAGTUTUOS TAYO!” sigaw ni Mommy sakin at tumingin kay Sienna at parang hihimatayin bago lumabas, ng nakasara na ang pinto at kami nalang dalawa ay bigla bigla siyang sumigaw

“WAAAAAAAAA-- HASHAUYW” tinakpan ko ang bibig niya

“Tumahimik ka!” yun lang ang nasabi ko at humiga ulit sa kama

“A-anong tahimik!? Bakit kita katabi!? B-bakit ganito ang suot ko!? Kagabi nagising ako nasa kama pa ako ah!?” hinampas hampas niya ang kama na para bang naguguluhan

“Nasa kama ka rin naman ah!?” tumayo siya at parang baliw na lumakad pa ika-ika sa isang pinto

“TANGINA KA SETH! ALAM KONG NASA KAMA MO AKO PERO ANG SABI KO KANINA, SA KAMA KO!” sigaw niya bago sinara ang pinto ng walk in closet ko, oh!? “BAKIT WALANG INIDORO DITO!?” sigaw niya na nakalabas ang ulo

“Walk in closet ko yan babe” yun nalang sinabi ko at tumayo na, ay shet! Wala pala akong pantaas na damit!? Asan na yun!? Napatingin ako sa pang-ibaba ko, may boxers naman

Mess with the DELINQUENTSWhere stories live. Discover now