31- Manyakis!

2.1K 42 4
                                    

Aigoo! Kung bitin po ang UD na'to pasensya na po, kasi medyo nahuhuli na yung POV ni Grey eh! Hindi naman po maganda pag puro si Jade at Ivan nalang ang nasa spotlight, galit na si Grey. Oo sama niyo pa si Monique xDD ARASO?! Happy Reading, lalo na sa Loyal Reader diyan! Annyeonghaseyo Unni iamacrammer :))

Ivan’s POV

Matapos ko itakbo si Jade sa clinic pinabihis na ako ni sir Paolo at pinagsabihan, kung bakit ko daw siya tinulak na walang rason. Nginitian ko nalang siya at umalis na ng faculty, pumasok nalang ako ng boys locker at nagbihis. Kailangan ko pa daw pumasok sa remaining subjects ngayong araw, Tsk!

“Ivan, bilisan mo ang paglalakad” sita sakin ni Luke na mukhang madadapa na sa bilis ng paglakad

“Masakit yung ulo ko, mauna na kayo. Magka-cutting muna ako” sagot ko sakanya at tumalikod na

[Clinic]

*Tock*

 *Tock*

Katok ko sa pinto ng clinic, agad namang tumayo si Nurse Cynthia na kumakain lang sa kinauupuan niya

“Oh Ivan?” salubong niya sakin “Anong kailangan mo?”

“Hmm, masakit po yung ulo ko Ate” pagdadahilan ko, yung totoo gusto ko lang makita kung ayos lang si Jade “Pwede po bang magpahinga muna?” nagnod naman siya at tinuro ang daan papunta sa loob

“Salamat Ate” nilapag ko nalang yung bag ko sa bakanteng upuan bago ako pumasok nagsalita si Ate

“Napapadalas sakit ng ulo mo ah?” tanong niya na may kasamang makahulugang ngiti “Lalo na kapag si Jade ang pasyente” kinindatan niya ko, pero ngiti nalang ang sinagot ko sakanya at pumasok na

Lumapit ako sa nakasaradong kurtina, bubuksan ko na sana ito ng marinig kong may bumangon at naglakad

“Eh? Ba’t wala!” sigaw niya sa loob

Agad kong binuksan yung kurtina at—“Anong yung wala?”

“Ahh! Anong ginagawa mo dito!?” napatalon siya sa higaan, nagulat ata

“Bakit sayo ba’tong clinic?! Sumasakit ulo ko eh” yun nalang sagot ko sakanya at naupo malapit sa tinalunan niyang kama

“Uy! Sa kabila ka, lumayo ka sakin!” sigaw niya

“Pwede ba wag kang sumigaw!?”napataas na din ang boses ko

“Basta lumayo ka!” sagot niya sakin at tumayo na at pumunta ulit malapit sa C.R na para bang may hinahanap

“Anong hinahanap mo?” tanong ko sakanya at bigla itong napatingin

“P-paki mo ba?!” humarap siya sa C.R “Ay leshe! Ba’t hindi mabuksan!?” pagalit na bulong niya

“Malamang lock..” binigyan niya ako ng nakakatakot na tingin “Oh bakit? Anong tawag mo sa pintong hindi mabuksan!?” sagot ko at umayos ng upo sa pagkakahiga

“Talikod!” ano?!

“Anong talikod?” talikod? Ahhh! Tumalikod “Bakit ako tatalikod?” sagot ko sakanya at nagcross arms pa

“Basta!”

“Aba’t! Dahil lang maayos ka na sigaw ka na ng sigaw?!” tinaasan ko siya ng boses

“Pasensya, oh siya! Talikod na” tinaasan ko siya ng kilay “Magbibihis ako tanga! Hindi ko rin maisarado yung curtain eh iisa lang yung separate niyan! Eh nasa gilid mo!” tatlo kasi yung kama at madilim sa kabila na natatabunan ng kurtina, walang nakapagitang pwede niyang gawing pantakip sa kamang hinihigaan niya kanina

“Ayoko, anasakit na ng ulo ko para gumalaw” umarte akong masakit ang ulo

“Ay bwesit!” yun nalang narinig ko sakanya pero hindi pa rin ako nakatalikod

“Dun ka sa ikatlong kama..” gumalaw naman siya at aakmang pupunta sa ikatlong kama pero pinigilan ko siya “Alam mo ba mayroong ipis diyan—“

“HAHA! Hindi ako takot sa ipis—“

“Daga”

“M-may daga diyan?”

“Kakasabi ko lang diba? Binge ka ba o tanga lang?” sgaot ko sakanya at umusok ang ilong nito

“Ay! Bwesit talaga! Kukuha nalang ako ng susi—“

“Hayy, kaya nga ni-lock ang C.R dahil sira! Pwedeng iwan ang katangahan sa bahay?” pang-aasar ko sakanya, tumigil muna siya at nag-isip

“Basta talikod” sabi niya habang tinitignan niya ako ng masama

“Okay” sabi ko sabay taas kamay at tumalikod na

“Tatalikod din pala” dinig kong bulong niya, nag-umpisa na siyang magbihis

Jade’s POV

Nagbibihis ako habang nakatalikod si Ivan ng higa mabuti nalang at may bra ako at hindi hubad yung panty ko! Bwesit lang!? Dali-dali akong nagbihis ng marinig kong nagpipigil ng tawa si Ivan

“Hoy gago! Anong tinatawa mo diyan!?” tanong ko ng sinusuot ko na yung medyas ko “Baliw ka na para tumawa ng mag-isa?” agad siya tumayo at ngumisi

“OH!? Ano!” sigaw ko sakanya, hindi niya ako sinagot pero may itinuro siya---

SALAMIN!? O____O

“HAHAHAHAHA! T-tago-tago ka pa eh ang laki ng salamin saktong sakto sa kinatatayuan mo—“

BANG!

“Araaayy!” hinampas ko siya ng nakita kong stainless na bowl sa gilid ng mesa ko, agad kong kinuha ang cellphone, pero napatayo ito at lumabas ng kurtina

“Aba’t! NAUNA KA PA!?” sigaw ko sakanya

“WALANG IPIS O DAGA DIYAN SA IKATLONG KAMA!” dinig kong sigaw niya “HAHAHA! MALINIS YAN PURO GAMOT ANG NAKATAMBAK DIYAN! HAHAHA” lalabas na sana ako sa init ng ulo ng pumasok ulit siya at ninakawan ako ng halik sa pesnge

“GAGO KAAAAA! TANGNAAAAA!” sigaw ko sa clinic ng pumasok si Nurse Cynthia sa pinto

“Bye Ate!” sabay tap sakanya ni Ivan at dali-daling lumabas

“Anyare?” tanong ni Ate, ako naman pulang pula sa galit “Oh? San ka nagbihis? Sana sinabihan mo ko, boys C.R yung lock. Ayan yung sa girls oh, bukas” uminit na talaga ang ulo ko dahil sa gilid ng dalawang wheelchair na nakasara ay may C.R! P*TANGNAAAA!

“A-alam po ba yan ni I-ivan?” nagtitimping galit lang ako habang tinatanong siya

“Aba, oo naman. Siya kasi kanina ang tumakbo sayo dito nakigamit siya ng banyo, at inamin niyang naiwan niyang lock ang pinto ng mga lalaki” HAH!? Si Ivan? “Bakit san ka ba nagbihis?”

SA HARAP NG HAYOP NA MANYAKIS NA YUN =___=

“Sige na po Ate aalis na po ako. Salamat po” pagpapaalam ko at tumakbo papuntang dorm

WALANJOO KA IVAAAAN!

Mess with the DELINQUENTSWhere stories live. Discover now