30- Flashback

2.2K 45 6
                                    

DEDICATED SA LAHAT! Pasensya na po ngayon lang nakapagUD! Hoho, peace! Alam niyo po ba ang Writer’s Block? Oo nararanasan ko din po yun xDD Kaya At dahil chapter 30 na po ito, ROMANCE NA? Pwedeee! HAHAHA, Happy Reading :DD

Ivan's POV

"Ano? Tapos na ba sina Grey, Seth at Matt sa kanilang clubs?" inip na inip na tanong ni Luke sakin, kanina pa kasi kami naghihintay sa field, Maaga kaming binigyan ng break ni Sir Paolo yung coach namin sa Basketball at naghohold rin ng swimming, volleyball at football, ngayon lang naman daw, Wala pa kasi si Ma'am Dianne na naghohold ng volleyball at si Sir Romeo naman na nasa football. Actually mga age of 20's palamang sila, mga baguhan ba.

“Si Grey hindi pa daw kakatext niya lang, nag-eenjoy yun eh” sagot ko habang iniikot-ikot ang cellphone ko “Si Seth wala akong balita dun, kasama niya kanina si Drake yung kaibigan niyang bagong lipat dito”

“Ivan.. Ivan” bulong ni Luke sabay kublit sa paa ko sa kinauupuan niya

“Oh?” pagtataka ko sabay tingin sakanya

“Nagtext si Matt, siya daw yung bagong substitute teacher sa arts” nagulat ako

“Bakit daw? Si Sir Diego ba asan?” pagtataka ko

“Mamaya daw sa Leisure room sasabihin ni Matt lahat, wag na daw natin siyang hintayin”

“OHHHH!” sigawan ng mga lalaking nanonood ng trial ng football sa field “Uy! Volleyball ng girls!” sigaw ng lalaki, napatingin naman kami ni Luke

“Volleyball pala si Erika?” tanong ni Luke

“Siguro” simpleng sagot ko

“Masaya ‘to, diba kasama natin ang volleyball at football sa clubs?” natutuwang tanong ni Luke

“Oo, kanina lang sinabi wag kang paulit-ulit!” sagot ko sakanya

“Pasensya na!” sagot niya sakin sabay tingin ng masama “Teka? Maglalaro sila ng naka-uniform? Exciting!” napatingin naman ako kay Luke

“Gag*! Sabi ko na nga’ba, may tinatago ka rin palang kamanyakan. Tsk! Pervert” sabi ko sabay alis ng tingin sakanya

“Ano ka ba cous’ parang di kanaman mabiro eh! Di ako manyak, minsan lang pagtinamaan. HAHAHA!” sagot niya sabay suntok sa braso ko, EH NAPALAKAS!

“MAKASUNTOK KA AH!?” tumayo ako siniigawan sakanya

“SOOOORRY!” sigaw niya sabay gawa ng cross sa dalawang daliri niya

“Anong ‘kala mo sakin? ASWANG?!” sabi ko sabay tapon ng tuwalya na nasa leeg ko

“Hindi nam—“

“Uy! May away daw dun sa swimming pool area!” sigaw ni Jasper na hinihingal pa at may bitbit na camera

“Lalaki ba? Nakunan mo ng litrato?” tanong ni Frank

“Hindi eh! Hinahabol kasi ako ng babaeng nakahalikan ni Seth” naghahabol ng hiningang sagot niya

“Oh!? Ano nanaman ba kay Seth?” tanong ni Luke na tumayo na rin para makitanong, dumadami na ang nakikinig “Sinong hinalikan?”

“Y-yung ano! Yung transferee lang ng 4th year, yung medyo maliit na singkit mata ba!” Ohh, si Sienna siguro “Tubig nga!” sigaw niya at nag-umpisa nang umalis

Mess with the DELINQUENTSWhere stories live. Discover now