54- Untitled.

1.7K 43 5
                                    

 Salamat po sa votes at comments sa previous chapters. God Bless po! Hulaan niyo po kung sino sa multimedia ang dalawa. meheheh!

Jade’s POV

2 weeks na ang nakakalipas simula nung nangyari kay Erin sa shower room, napag-alaman naming na si Abigail yung gumawa nun sakanya at sinong nagsabing pinalampas  namin yun?! Mukha niya.

“Sino ka para manakit ng tao ha?!” sigaw ni Sienna habang dinikit sa pader si Abigail

“HA-HA at sino kayo para hindi saktan!?” nangangasar na sagot niya

“Alis nga diyan Sienna, patitikimin ko lang ‘to! Isang suntok lang!” asar na asar na sigaw ni Denise

“Ikaw din ba yung nagpadala nang dalawang lalaki para hatakin si Monique ha!?” ako na ang nagtanong, pag ito hindi pa sumagot ng maayos ma susuntok ko na ‘to!

“Eh ano kung ak—“ di ko na pinakinggan ang sinabi niya sinuntok ko na siya “Fck! Ano ba! Let me go!” pagpupumiglas niya

“Kung palapa kita sa aso ha!? Ano ba talaga ang gusto niyo!? One on one ang grupo niyo saming lima ha!? Hindi kami uurong” natahimik naman siya sa sinabi ko “Oh? Ba’t di ka makasagot!? Natatakot ka!?” imbis na sumagot ngumisi lang ito

“Maghihiganti ako tandaan niyo yan!” sinampal siya ni Sienna

“Tangina mo! Kayo nang una tapos maghihiganti ka!? Lakas ng trip mo ah!? Gusto mo ng permanent make up ha!? Sampalin kita instant blush on yan!” nang gigigil na sigaw ni Sienna, alam kung pinipigilan lang niya ang masaktan pa ‘tong si Abigail dahil hindi din naman patas na nag-iisa lang siya tapos tatlo kami. Si Erin kasi sinamahan ni Luke habang si Monique naman ayun di daw tinatantanan ni Grey sa kakaligaw

“Tandaan niyo ‘to!” sigaw ni Abigail “Hindi lang kami nila Stacey kalaban niyo, kaya wag kayong magtaka kung may magbanta o may manakit sa inyo! Narinig niyo k—PAK!” sinampal nanaman siya ni Sienna

“Ehh gaga ka pala eh! Suntokin kita gusto mo ha!?” sinasabunutan na siya ni Sienna

“Tama na yan Sienna, may araw din yan” pagpigil ni Denise na mukhang nabagot na “Nakakasuka itsura niyan! Alis na tayo dito” nasa likod kasi kami ng Academy dito siya naming hinatak nung nakikipaglandian siya kanina. Tss

“Ikaw Jade? Hindi ka na ba hihirit dito? Bibitawan ko na ‘to” dugtong ni Sienna umiling naman ako at tumalikod na

“Mga warfreaks kayo!” sigaw pa niya “Kadarating niyo lang sa Academy, nilandi niyo na ang A-Prince!” hindi na ako nagdalawang isip pa at sinuntok siya ng pagkalakas lakas

“Ohhh!” yun nalang nasabi nina Sienna at Denise “What the!? Nahimatay!? Isang suntok lang yun ah?!” natatawang sabi ni Sienna

“Makapagsalita ka ng malandi parang di mo nagawa ah?” kalmadong kong sabi at tumalikod na “Hayaan niyo siyang paglamayan diyan, may plano pa naman ako sanang ihatid siya hanggang 4th floor pero bahala siya diyan”

Sienna’s POV

Hayy buhay parang life, ano daw? HAHA, kay aga aga may na bugbog na kaming tatlo. Actually pinagsabihan lang di ko naman na purohan. Wala kasi ako ng mga oras na kinailangan ako ni Erin kaya naguilty ako, langyang Seth kasi eh! Tinago yung phone ko, warm up kasi namin nung time na yun sa Taek Won Do. Tss, naglalakad kami ngayon papuntang 4th floor ng makita ko si Seth na may tatlong kalandian.

“Ahem, Sienna mauna na kami ni Jade ah? Mukhang may dapat ka pang asikasuhin, babay!” sabay hatak niya kay Jade, palibhasa nakakalakad na nang maayos yung isa hatak na lang nang hatak!

Mess with the DELINQUENTSWhere stories live. Discover now