17- Continuation ~Boys POV

2.3K 40 2
                                    

Kadugtong po ng chapter 16! Eto lang po nakaya ko eh, PASENSYA PO! NEHEHE! Enjoy reading mga BEYBS :">

Ivan's POV

 [MALL]

Dito pala ang punta nila, gamit naming lima ang sasakyan ni Luke

“Alam ko na kung bakit dito ang punta nila, bibili sila siguro ng swimsuit!” Luke

“Baka nga” Grey, hindi ko alam pero para kaming secret agent na may sinusundan maliban nalang kay Matt na walang paki-alam sunod sunod lang

Pumasok sila ng Boutique, teka? Boutique ni Ate Selena? Oo kapatid ni Seth!

“Dito pala tambayan nila? Kay Ate Selena lang pala!” aakmang tatayo si Seth “Pasok din tayo!” dali dali siyang hinatak ni Grey

“Nag-iisip ka ba? Sasabihin nilang sinusundan natin sila! BOPOLS! Mag-aral ka muna!” Luke

“Matalino ka kasi! Hinayupak ka! Pwe!” Seth

Umupo kami sa bench at nakatalikod sa Boutique

“Saan tayo bibili ng swimming trunks?” Grey

“Malapit lang dito may department store” Matt

“Uy! Lumabas na sila oh!” sinundan nanaman sila naming, bumaba sila pero si Denise lang ang pumasok ng fastfood

Kanina pa naming sila pinagmamasdan ng makita kong tumingin si Denise sa direksyon namin at nanliit ang kanyang mata at biglang lumaki, tumingin ako kay Matt na kitang kita pala kila Jade, kaya namin siya hinatak ni Luke

“Ano ba yan Matt! Muntikan ka na—“

"MATT!" narinig naming sigaw ni Denise, binatukan ko si Matt

“Kita mo na!?”

“Teka Ivan! May pinag-uusapan ‘ata sila?” Luke

Bigla bigla nalang tumakbo ang apat na babae naiwan mag-isa si Jade

“Oh!? San sila pupunta?!” Grey

“Nadinig ko usapan nila” nagulat kami nagsalita si Matt

“Talaga? Ano daw?” sagot ko sakanya

“Pinauna ni Jade yung apat dahil naiwan niya daw sa boutique yung binili niya, babalikan niya daw ito” nakatingin lang si Matt sa direksyon ni Jade habang nagsasalita

 Binatukan ko ulit siya "Oh! Bakit nanaman!?"

"Lagkit mong makatingin ka Jade eh!" sagot ko

"Lamunin mo si Jade, yung Denny sakin" nagulat kami sa sinabi ni Matt, teka!? Sino si Denny!? Baka Denise! Ulol netoo!

"Inlove ang gago" bulong ko

"Oh! Ano na gagawin natin!?" Grey

“Ano pa hinihintay niyo?! Edi sundan niyo ang apat! Ako na ang bahala sa isang ‘to!” aalis na sana sila pero pinigilan ko si Grey "Pumunta ka sa clinic, sabihin mo kay Nurse Cynthia na yung excuse letter, paki bigay kay Ms. Loyzaga pagdi kami nakabalik ng maaga" nag nod lang siya at nakitakbo

*

Sinundan ko siya sa Boutique, sinalubong siya ni Bianca ang nag-aassist sa boutique nila Ate Selena para siyang may hinahanap, dahil glass na medyo dim ang naka cover sa boutique makikita mo ang galaw ng tao sa loob pero hindi lahat, niyakap niya sa loob si Bianca at lumabas sinundan ko nanaman siya nung medyo malayo na nakikita kong hinahalungkat niya ang gamit mula sa bag niya, narinig ko siyang magsalita

“CELLPHONE KO!?” ano?! Cellphone niya!? Ang tanga naman ng babaeng ‘to!

Bumalik kami, I mean siya sa boutique umupo muna ako sa bench total hindi niya naman alam na sumusunod ako sakanya, paglingon ko wala na siya! SAAN NA YUN! Tumingin ako sa 2nd floor ng mall pababa na siya ng escalator! Ang bilis ng engot na yun! Tinakbo ko ang daan pababa, hagdan ang ginamit ko dahil pag escalator baka magkabangga-an kami at malaman niyang sinusundan ko siya, para na akong Timang sakit nan g paa ko kakasunod sakanya!

Paglabas ng mall agad siyang pumunta sa bus stop, naghintay siya ng bus syempre! Ganun din ako! Para akong stalker!

10 minutes Later .

Umiinit na ang ulo ko! Ang bobo ng babaeng ‘to! Kung naghintay kaya siya ng taxi sa kabilang street?! Tanga talaga neto! Urgh! Ilang ulit na dumaan ang bus na pwedeng dumaan sa Academy pero siya dedma! Sino ba hinihintay ng engot na’to!? KABANAS! Sarap niyang paluin sa ulo ng matigas na kahoy! Kung pwede lang sana! Kaya lang hindi niya alam na nandito ako at sumusunod sakanya!

Narinig kong tumunog ang cellphone niya, parang nagalit o nainis siya sa nabasa niya sa text maya maya pa ay nag-umpisa na siya lumakad, ano pa ba?! Edi nakilakad na rin ako!

Medyo malayo na kami sa mall, naramdaman kong huminto siya! Nalaman niya atang may sumusunod sakanya, nagtago ako sa malapit na kotse

WOSHOO! Lumingon siya

*Kibit balikat*

*Lakad*

*Lakad*

*Lingon!*

Matapos kung magtago, lumabas na ako ng sasakyan. ANAK KA NI DORA! ASAN NA YUN! URGH! JAAAADE! Nagpalakad lakad ako! Nasan na ba yun!? May nakita akong figure sa malayo, si Jade ba yun!? May tatlong lalaki! Nagulat ako na nasa tapat siya ng WBSB! Ayy anak ka ng tanga JADE! Mali yung daang tinahak niya! Gagers! Bopols!

Nakakainis! Malayo ako sakanya, hinarangan siya ng tatlo! Binilisan ko ang lakad natipalok ako! GAD! Ba’t naman?!

"Ano ba!? Nasasaktan ak—“ sigaw ng babae "Problema mo ABNOY!" nagtago ako sa malapit sa basurahan unti unti akong lumalapit, malapit na at maaabot ko na ang kinatatayuan nila ng hatakin siya ng isa papalayo

HOY! ANAK KA NG NANAY MO! BWES*T!

“Kailangan kong mag-isip!” sabi ko sa sarili ko, kinuha ko ang panyo sa bulsa ko at tinakip sa bibig ko

At sumunod na ako ..

 “Peter!” dinig kong sigaw ng lalaki  “HOY! BABAE!” nakita ko si Jade na nanghihina habang papalapit sakanya ang lalaki bigla siyang natumba, masama ‘ata bagsak niya!

Hindi ko na pigilan magalit, sinuntok ko at sinipa ang lalaking nagbabantay sa paligid nila, nadinig naman lalaking humawak kanina kay Jade sa ungol ng kasama niya, kaya niya ako sinugod ng kutsilyo pero agad akong umiwas at dahil umiwas ako lumagpas siya sakin pagkakataon ko ng sipain ang likod niya at inapakan ang kamay niyang may kutsilyo, napatayo ang nakaluhod kanina at sinugid din ako pero dahil sa galit halos masira ko pagmumukha niya

“WAG NIYO SIYANG GALAWIN! MGA P*TA KAYO! P*TANG *NA NIYO!”  WALANG SASAKIT SA BABAENG ITO HANGGA’T NABUBUHAY AKO! Gusting gusto ko isigaw sakanila ang salitang yan! Pero dahil galit ako bugbog ang inabot nila, binitawan ko na yung isa at nilapitan si Jade

“Jade! Gumising ka!” binuhat ko siya na parang bagong kasal, linagay ko ang kamay niya sa leeg ko at tumayo ng may naramdaman akong may sumaksak sa braso ko “SHET!” nahulog si Jade sa sahig, mabuti nalang at hindi ko siya agad nabitawan sa pagtayo ko lang pero nabitawan ko siya ng lumuhod na ako kaya napabitaw siya sa pagkakahawak ng leeg ko, ang pagbitaw niya ay para nang walang buhay, NO! HINDI PWEDE TO!

Naramdaman kong masakit sa braso ko, kaya nilingon ko ang sumaksak sakin at dinukot mula sa bulsa ko ang brass knuckles, sinuntok ko siya hanggang sa mawalan ng malay, binalikan ko si Jade sinubukan ko siyang buhatin pero hindi ko kaya! Ang gago ko! Hindi ko siya mabuhat dahil may saksak ako! Pero may naramdaman akong tao sa likod ko, lumingon ako at nagulat

“KUYA!?” nanigas ako sa nakita ko

Hanggang dito muna! Sino kaya itong KUYA ni Ivan? Akala ko ba sila lang ni Irish!? Is he a Friend or a FOE? HAHAHA! Abangan na lang po ang next chapter :))) Saranghae!

Mess with the DELINQUENTSUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum