48- Sigsig ni Grey

2K 51 5
                                    

Hi Daeshin14, eto na ang dedication, meheheh! Thank sa pagbabasa, happy reading!

Grey’s POV

Aish, napailing ako habang naghihilamos ng mukha sa sink. Muntikan na akong masuntok ni Luke dahil sa inakto ko kanina, hooo! Greyyy!

“Pota! Langya! Ano ba ang mali sakin!?” sigaw ko sa loob ng C.R “Sarap basagin nung salamin! Hoy ikaw! Ang gago mo!” sabay turo sa salamin “ARGH! Bakit mo hinalikan si Monique! Ang gago mo!”

Napahilamos ako ng dalawang kamay dahil narealize ko ang nagawa ko kanina, nagsukatan muna kami ng tingin sa salamin.

“Grey!? Buksan mo ‘to brad!” dinig kong kalabog ng pinto

“Ohh, wait lang brad! Ayaw lumabas eh” sagot ko nadinig ko naman ang pagtawa niya sa labas

“Hindi kita sasapakin” binuksan ko ang pinto “Dahil papabugbog kita kay Manong Sandro!” agad niyang sinabit ang braso niya sa leeg ko na dahilan para mapayuko ako

“A-aray! Seth! Masakit” daing ko habang inaalis ang kamay ni Seth

“Naka-score ka dun ah?” bulong niya at agad akong binitawan “Halika na, gagawa ka ng eksena at magdadrama ka diyan”

“Asan sila?” tanong ko

“Ayon inaalalayan si Monique, galing mo sigurong humalik kaya na tameme! HAHA!” nasuntok ko naman braso niya

“W-wala na ba si Sienna?” nag-aalangang tanong ko

“Inaantok na yun, kaya pinahatid ko nalang kila Erin nandun naman si Denise para umalalay kay Monique eh” agad niya akong hinatak, napasapok ako sa ulo niya

“Sabi mo nauna sila!? Ba’t nandyan pa sila?!” galit kong tanong

“Ang O.A! Sasabay tayo sakanila, ayaw ni Matt iwan si Denise eh. Shhh! HAHA!” sinamaan ko siya ng tingin pero binuhat niya ako

“Bitawan mo ko! Bitawan mo ko!” dabog ko sa likod niya

“Asus! Magsorry ka dun!” sabay hampas niya sa pwet ko “Pangarap mo kayang buhatin ka ng bestfriend mo! At ngayon aarte ka?” napangiti naman ako, mahal pala ako ng bestfriend ko.  HAHA! Agad niya akong ibinaba nasa labas na pala kami ng quad

“Joke lang yun sineryoso mo naman, lalaki ako tsong! Lalaki ‘to!” sagot ko sabay hampas hampas pa ng dibdib

Inakbayan nalang ako ni Seth habang nakasunod kila Luke, Matt at sa tatlong babaeng naglalakad. Tss, nakapamulsa akong hanggang makapasok ng dorm

[Dorm’s elevator]

“Magsorry ka” bulong ni Seth “Alalahanin mo, galit sayo yung tatlong lalaki dahil sa inasal mo kanina” napailing nalang ako “Wala namang masama sa paghingi ng sorry diba?” sabay pitik sa tenga ko

“Oo na nga!” sigaw ko sa elevator napalingon naman sila “Bakit?!” pagsusuplado ko, ang langyang Seth bungisngis ng bungisngis, nagsibalikan naman sila ng tingin sa pinto ng elevator hanggang sa makalabas

Pagpasok namin ng kwarto di ko sila pinansin, hanggang sa magbihis na sila na galing sa C.R sumunod naman ako at ng makabihis na lumabas na ako ng pinto ng agad nila akong hinatak at tinulak sa kama ni Ivan

“Anong balak niyo ha!? Hoy!” sigaw ko sa dalawa habang nagpupumiglas dahil nakisali na si Matt

“Nakascore kang gago ka ha!?” sabay suntok sakin ni Luke

Mess with the DELINQUENTSWhere stories live. Discover now