Chapter XXXII - More Than Words

Start from the beginning
                                    

“Come! I’ll show you.” Inalalayan niya ako papunta sa deck ng yate. Nabigla ako nang makita ko ang isang cello band na tumutugtog. I didn’t exactly know the title of the song but it was so good to my ears. Halos mapaluha ako sa sobrang pagka-touch. Naalala ko kasi kung paano kami nagsimula. Nagsimula ang lahat sa isang bar. Oo, sa isang bar kung saan una ko siyang nakilala. Kung saan unang nahulog ang loob ko sa kanya. Hanggang sa tila naging kakampi ko ang tadhana dahil ipinaglapit kaming dalawa sa isang unexpected event.

He happened to be my classmate sa isang minor subject. At bonus pang naging seatmate ko siya. Ipinagpares kami para sa isang project at dahil du’n, nakilala ko siya ng lubusan to the extent na pumupunta siya sa bahay namin at ganu’n din naman ako sa condo niya.

We started hanging out. We became so close despite of the short span of time. Mas lalo akong nagkaroon ng rason na mahulog sa kanya dahil kahit may pagkasumpungin siya nagagawa ko siyang pangitiin kahit papa’no. Dahil sa pagiging baliw ko sa kanya, naibigay ko ang sarili ko ng buo. Nakakahiya mang aminin, pero ginusto ko ‘yun at wala akong pinagsisisihan. Because of what happened, ikinasal ako sa kanya. I never knew na magiging totoo ang minsang pinangarap ko lang.

Inalalayan niya akong umupo sa isang lamesa na may nakasinding kandila, maganda centerpiece at mga kubyertos - a candlelight dinner to be exact. Nang makaupo ako, unti-unting lumiwanag ang buong paligid. Saktong-sakto ang pagkakaupo ko sa pagbukas ng mga ilaw na dala ng mga matataas na gusali. I don’t know pero hanggang ngayon, kinikilig pa rin ako sa mga ginawa niya.

I really enjoyed the food. Masarap kasi ito. And aside from the fact na masarap ito, si Xian ang nag-abalang maayos ‘tong lahat kaya pakiramdam ko, mas naging special ang dish. Pansin kong ilang araw na akong hindi naduduwal o nahihilo. Medyo okay ang pakiramdam ko kung ikukumpara nu’ng mga nakaraang araw. We talked about random things habang kumakain. Sa bagay ganito naman lagi ang eksena.

Nagtaka ako nang bigla siyang tumahimik. I mean, bigla na lang siyang lumingon palayo sa akin. He looked tensed and pale. I’ve never seen him like that before. He seemed so strange. Sa sobrang pag-aalala ko, napatayo ako sa kinauupuan ko. I drew myself near him saka ko hinagod ang likod niya. He was shaking. He looked like he’s going to vomit anytime.

I gave him a questioning look. Ngumiti lang siya at sabay sabing, “Wag kang tumingin sa isang bagay. Nakakahilo ‘yun. Look around. Maganda ‘di ba? Skyscrapers everywhere.” Sinunod ko ang sinabi niya. Oo nga, mas okay sa pakiramdam ang paglilibot ng tingin than focusing your attention sa isang bagay.

I thought he was going to be okay. Pero bumalik ang pamumutla niya. I wondered why. That time, hindi ko na napigilan ang sarili kong magtanong kung napa’no siya.

“Xi, are you okay?” Pinisil ko ang kamay niya. Hindi siya sumagot. Mas lalo akong kinabahan.

He stood up instead at pumasok sa loob ng yate. Gusto ko sana siyang sundan pero bigla siyang nagsalita.

“Stay here. Kukuha lang ako ng gamot.”

“Pero teka, napa’no ka? Anong masakit sa’yo?”

“Sea sick.” His answer was short and cold. Hindi ko na siya nagawang sundan pa dahil nagulat ako na may sea sick siya. I concluded na baka dahil ito sa pagewang-gewang na takbo ng yate dala ng malalaking alon.

Nilingon ko ang mga musicians na tumutugtog. They played a really good song. Pero hindi ko magawang ibaling ang atensyon ko sa tinutugtog nila dahil nga nag-aalala ako kay Xian. Kung alam ko lang na hindi pala siya sanay sumakay ng ganito, hindi na sana kami tumuloy. I hate to see him ill or suffering.

5 minutes…

10 minutes…

20 minutes…

30 minutes… 30 minutes ang inantay ko bago makarinig ng pagtawag mula sa kanya. Nagmadali naman akong pumasok sa loob. I was really nervous. Baka kasi kung napa’no na siya. I seriously didn’t know what to do. Wala pa naman akong kaalam-alam tungkol sa first aid. I was silently praying that he’s okay. Nu’ng mga panahong ‘yun, tila biglang bumigat ang bawat hakbang na ginagawa ko. I wanted to reach him as soon as I could pero nanghihina ako that time.

The Meaning of Wife (KimXi Fan Fiction)Where stories live. Discover now