"Oh. My. God."

     Binatukan sya ni Nathan.

     "Gago. Anong arte yan?"

     Tumawa si Rico habang hinahapo ang ulo. "Wala lang. Gusto ko lang magreact."

     "Ewan ko sayo. Baliw!"

     "Tama na yan. Hoy," suway ni Shane sa dalawa. "Hayaan nyo na. Huwag nyo na syang istorbohin. Wala pa 'yong tulog, mabuti nga nakatulog pa yun dito eh. Teka, nasaan ba sya?"

     "Nasa kwarto ni Serene sa taas." Nakahalukipkip akong sumandal sa isang upuan. Bumuntong hininga ako. "Hanggang kailan ba sya magkakaganyan? Ayoko na syang nakikitang nahihirapan."

     "Pare-parehas naman tayo eh. Iyon ang hiling."

     "Pero kasi..."

     "Parang hindi pa kayo nasanay, Jace is just simply too attached with Serene. She is his everything." sabi ni Rico, wala na ni anong biro sa boses nya.

     Kahit kailan talaga, kapag ganyan na ang tono nya parang hindi ako makapaniwalang kaya nya rin pa lang magseryoso. Noong mga unang taon na nawala si Serene, si Rico ang palaging nagpapatawa kay Jace. Sya ang palaging nanjan, sya lang naman ang nakakatiis sa kasupladuhan nito. Naaalala ko noon halos palayasin sya ni Jace sa harap nya pero hindi sya sumuko. Magmula noong araw na yun, I saw Rico grow ang mature. Nagbago ang tingin ko sa kanya. Yung Rico na palatawa at palabiro? It was only ten percent of the iceberg he wants people to see. Nakakapanibago lang talaga na may ganito rin pala syang side. Hindi na yata talaga ako masasanay.

     "Its okay to love, pero mahirap din pala kung sobra sobra. Yung halos wala ka nang itira para sa sarili mo. Kasi kapag nawala na yung tao kung saan mo inikot ang mundo mo, maiiwan kang parang basag na salamin, hindi buo." Malungkot na komento ni Shane.

     Tinapik ko si Nathan. "Narinig mo yun Nathan? Kaya kapag nagmahal, magtira rin para sa sarili."

     "Hala, bakit nadamay ako?" Tawa nya sabay layo ng balikat nya sa akin.

     "Kambal kayo eh. Malay ko ba kung nasa genes."

     Tumawa si Rico. "Basta ako, mahal ko si my loves ko. HAHAHA-- wait, anong oras na pala?"

     "Quarter to four." Sagot ni Shane. Nanlaki ang mga mata ni Rico.

     "Shoots! Hala nakalimutan kong tawagan si my loves ko kaninang alas-tres! Lagot na ako nito!" Sa isang kisapmata, naglaho sa harap namin si Rico sa bilis ng takbo nya.

     Si 'my loves' na tinutukoy nya ay walang iba kundi si Nyree. Dalawang taon nang sila at hindi ko pa nakitang ganun kasaya si Rico.

     Napakabilis nga ng panahon Serene eh. Parang kailan lang na ang babata pa nina Nyree at Kelly pero ngayon dalaga na rin sila. Parehas na silang nakagraduate ng highschool at noong napagpasyahan ni Rico na pumunta sa France two years ago, sumama si Nyree sa kanya at doon na rin nagcollege. Si Kelly naman sa ikalawang banda ay bumalik sa Canada. Sobra silang nalungkot noong nawala ka dahil pakiramdam nila wala silang nagawa para iligtas ka.

Listen To My LullabyNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ