Chapter 18 : Strongest

Start from the beginning
                                    

"Kung gusto mo talagang malaman ay sasabihin ko sa'yo," sabi ni Sir Arsen at bumilis ang tibok ng puso ko. "Iyon ay kung handa ka nang malaman ang nangyari."


Halos manlambot ang tuhod ko dahil sa talim ng bawat salitang binibitiwan niya at idagdag pa ang tingin niyang parang tumatagos sa katawan ko.

Huminga ako nang malalim para pakalmahin ang sarili ko pero nagulat ako nung bigla na lang may malakas na pagsabog akong narinig at naramdaman ko ang paglindol. Nakita ko ang pagpanic ng naturaes, floras, domusaes, at aquainas pero mas nag-alala ako nung nakita ko ang pagtakbo ng silvanias dahil lalong lumakas ang paglindol dito sa loob ng kwarto. Na-out of balance ako at natumba kami nina Lexi, Yano at Ryleigh.


"W-what the heck is that?!" sigaw ni Lexi habang nakahawak sa trunk ng puno.

"Galing sa labas?" tanong ni Yano.

"Exorcists?" tanong naman ni Ryleigh habang sinusubukang tumayo pero dahil sa lakas ng pagyanig ay natumba siya papunta sa amin. Hinawakan ko ang braso niya para maging steady siya at para maging steady rin ako.

"Tsk. Divine General, they are making their moves," rinig kong sabi ni Gavin at kinilabutan ako nung nakita kong balanced pa rin ang pagtayo ng Spirit Masters habang si Sir Arsen ay nakaupo pa rin. Nagulat naman ako nung biglang naglakad papunta sa malaking pinto si Lark.

"Laxo," he said and the huge door opened. "I'll take care of them."

Lumabas siya sa kwarto at agad na sumarado ang pinto. Pumunta naman sina Master, Tito Leon, Gavin, Adrielle at Henric kung nasaan ang silvanias at nagsabi sila ng incantations para pakalmahin sila. Dahil doon ay unti-unting humina ang lindol.


"Tss. That guy is really reckless," sabi naman ni Astrid at bigla niyang pinunit ang isang page sa librong hawak niya kanina. "Fenestra aperio!" she chanted and then all of a sudden, some writings appeared on the paper. She threw it on the wall and a photographic recording, sort of like a hologram, appeared and it showed what's happening outside.


Nakatayo doon si Lark at nakita ko ang ilang pamilyar na mukha kaya nagkatinginan kaming apat. Lark was surrounded by Bridgette and Amos, the Exorcists that attacked us before.


"That guy is getting stronger, huh? Pisses me off," sabi naman ni Tito Leon habang nakasmirk sa screen at pinapanood si Lark. Doon ko lang napansin na tuluyan nang nawala ang lindol at lahat sila ay nakatingin sa hologram.

"He became the strongest among us when it comes to physical strength when you left," Astrid said and Tito Leon just laughed. Nagkatinginan kami ni Lexi at base sa reaksyon niya ay mukhang ngayon niya lang rin 'yun narinig.


If Astrid said that, then it means Tito Leon is stronger than Lark...and he's the strongest of them all. Kinilabutan ako sa thought na 'yun. Kailanman ay hindi ko pa nakikitang seryoso si Tito Leon, maliban na lang nung time na muntik nang tangayin si Lexi ng Exorcists, kaya hindi ko maisip na siya ang pinakamalakas sa kanila pagdating sa physical strength.


"Lark the Claw," sabi ni Amos at tumalon siya mula sa balikat ni King, his gorilla guardian. "Hindi ko akalaing mapapalabas namin ang isang katulad mo."

"Be careful, Amos. He's stronger than Shadow," dagdag ni Bridgette na nakasakay sa likuran ni Vultos, her vulture guardian.


Nagulat naman ako nung may marinig akong malakas na tunog at pagtingin ko sa direksyon ng Spirit Masters ay nasira ang portion ng lamesa kung nasaan si Master. Napaatras ako nung nakita ko ang pagngiti niya pero parang papatay siya dahil sa talim ng tingin niya.


"Stronger than me, she says?" Doon ko narealize na siya ang tinutukoy nilang Shadow. If I remember correctly, they called Lark, Claw. What's with those codenames?

"Well, that's true." Pagkasabi nun ni Gavin ay tinignan siya nang masama ni Master. "When it comes to physical strength, I mean."

"But skill-wise, I'm better than him!"

"C'mon Ariah. Act like a fine lady for once," sabi naman ni Adrielle at feeling ko ay sasabog na si Master anytime.

"Insignificant." Bumalik ang focus ko sa hologram nung narinig ko ang boses ni Lark. He has a very low voice that makes me shiver. Parang galing sa ilalim ng lupa ang boses niya dahil sa sobrang baba.

"What did you say?!" sigaw ni Bridgette sa kanya.

"I thought Odin would come but two insignificant Exorcists came. Disappointing." Bigla niyang nilabas ang kanang kamay niya mula sa bulsa niya napahawak siya sa eyepatch niya sa kaliwang mata. "Tyson."


Spirit particles materialized in front of him and a huge bison appeared. Then all of a sudden, Lark jumped on its back and the bison ran towards Amos with an unbelievable speed.


"Felix, Verscheiden sie viel hyva mich han, " he chanted and another guardian took its physical form but I didn't see it since the spirit particles surrounded his right arm and suddenly transformed into a gauntlet, a claw-like weapon. He jumped off his bison halfway and swung his gauntlet mid-air. His slash reached Vultos' wings and it screeched loudly while flailing in the air. At the same time, his bison tackled King and it disintegrated into spirit particles, just like what happened to Vultos.


Gulat ang expressions nina Amos at Bridgette dahil sa nangyari. Maging ako ay napanganga na lang dahil sa lakas ni Lark. In a matter of seconds, he took out their guardians.


"I won't kill you since I want you to deliver the Divine General's message," seryoso niyang sabi sa kanila at nagdisintegrate na rin ang physical form ng bison niya at ang gauntlet sa kamay niya. "Tell this to Ignus: He will never get what he wants."


Pagkatapos nun ay tumalikod siya sa kanila at naglakad pabalik sa Hydra habang sina Amos at Bridgette ay tumakbo palayo sa kanya.

So this...this is the level of a Spirit Master.


***

Guardians | Self-Published under TaralikhaWhere stories live. Discover now