Chapter 16 : Hydra

Start from the beginning
                                    


"D-did she say Hydra?" tanong ko kay Ryleigh.

"I think so."


Bakit kami sasama pabalik sa kanya sa Hydra?


***

Nandito kami ngayon sa Head Cabin at hindi ko kinakaya ang presence ng mga kasama ko rito. Ni hindi ko nga alam kung bakit ako nandito ngayon. Kasama ko sa cabin sina Lexi, Ryleigh, Yano, Lycus, Lorgan at Adrielle.


"So that's your real purpose here," sabi ni Lorgan habang nakatingin kay Adrielle na ngayon ay kalmadong umiinom ng tsaa.

"Yes, and it seems their claims are right."

"Pero anong kailangan nila sa kanila?" sabay tingin sa amin ni Lorgan at lalo lang akong kinabahan.

"I don't know the whole story but I think it has something to do with some prophecies."


Pagkabanggit na pagkabanggit ni Adrielle sa salitang 'yun ay nagkatinginan kami ni Lexi at alam kong parehas kami ng naisip—ang prophecy na binaggit ng Mama niya sa amin.


"Astrid deduced that the Exorcists might attack this Camp at night," sabi ni Adrielle. "Sinabi rin sa akin ni Ariah na may kinalaman kayo sa isang prophecy," sabay tingin niya sa amin ni Lexi.

"S-sort of," sagot ni Lexi habang nakatingin lang sa mesa. "Aksidenteng nasabi sa amin ni Mama ang tungkol doon."

"Anyway, sasama kayong apat sa akin pabalik sa Hydra," sabi niya at isa-isa niya kaming tinignan.

"Bakit kami kasama?" tanong ni Yano sa kanya.

"I don't know. It's their order."

"Pero—"

"Let's go," sabi niya habang nakangiti at napatigil kaming lahat. Maging si Lorgan ay natense nung tumayo si Adrielle at naglakad palabas sa cabin.


Dahil wala naman kaming magagawa, sumunod kaming apat sa kanya palabas. Sinundan namin siya hanggang sa makarating kami sa praevala niya na nasa gilid ng lawa. Sumakay kaming lima at pagpasok ko sa loob ay agad akong namangha sa laki ng space.


"Mistress," sabi nung babae nasa driver's seat at nagbow siya kay Adrielle.

"Bring us to Hydra," utos ni Adrielle at sumunod naman sa kanya 'yung babae.


Umupo kami sa bandang likod habang si Adrielle ay nasa unahan. Pagkaupong-pagkaupo ko ay nakaramdam agad ako ng antok. Hindi pa pala ako natutulog simula kahapon at idagdag pa ang panghihina ng buong katawan ko dahil kay Phoebe.

Kapipikit ko lang pero napadilat agad ako nung may naramdaman akong bumagsak sa balikat ko. Pagtingin ko, nakasandal na ang ulo ni Ryleigh sa akin. Sa kabilang side ay nakatulog na rin sina Yano at Lexi. Wow. Hindi ko akalaing ganun din sila kapagod dahil sa mga nangyari.

Bigla ko namang narinig ang mahinang pagtawa ni Adrielle kaya napatingin ako sa unahan.


"You should sleep, too. Mahaba pa ang byahe." Pagkarinig ko nun ay lalong bumigat ang mga mata ko, hanggang sa tuluyan na rin akong makatulog.


***

Nagising ako nung naramdaman kong huminto at naglanding ang praevala. Pagdilat ko, gising na silang tatlo at palabas na sina Adrielle at 'yung kasama niya. Lumabas din kaming apat at habang pababa kami ay minasahe ko ang balikat at batok ko dahil sa pangangawit pero napahinto ako nung nakita ko kung nasaan kami.

Guardians | Self-Published under TaralikhaWhere stories live. Discover now