Chapter 13 : Survival

Start from the beginning
                                    


"My family was residing in Ridan Village at the outskirts of the Capital and several exorcists attacked the villagers during the night where most of us were sleeping and vulnerable. Those who survived the attack have no choice but to go to the Capital. But we didn't know that the Capital was also under attack. I thought I was going to die by the hands of an Exorcist but suddenly, a woman killed him and saved me from death." Pagkasabi niya nun ay lalong naging dark ang expression niya kaya maski ako ay naging tensed na rin. "Nung unang beses kitang nakita nung dumalaw kami sa lugar niyo, bigla kong naalala ang pangyayari na 'yun. Sinabi ko kay Yano na sugurin kayo para kamustahin pero ang totoo, bumalik ang alaala na 'yun kaya hindi ko napigilan ang sarili ko."


Hindi na siya ulit nagsalita after that at ang dami kong realizations na nakuha.

I think I know now why he can't sleep at night. Maybe it brings back memories from his past that he doesn't want to remember.


"What? Hey! Why the heck are you crying?"

"H-Ha?" Doon ko narealize na ang init na pala ng mata ko dahil pumapatak na ang luha mula doon. Pinunasan ko kaagad 'yun at bumangon ako mula sa kanya. Napangiti na lang ako bigla kahit may tumutulo pa ring luha mula sa mga mata ko. "I-I'm...j-just relieved. Masaya lang ako...because my parents didn't die in vain."


For seven years, iniisip ko kung ano ba talagang nangyari sa kanila. Ang alam ko lang ay namatay sila sa Havoc kasama ng ilang Divians, Exorcists and even ordinary citizens. Pero ngayon, gumaan ang pakiramdam ko dahil nalaman ko na may natulungan sila. And I'm sure, marami pa silang natulungan.


"Anong pinag-uusapan niyo?"


Napasigaw ako nung biglang may mukha akong nakita sa pagitan namin ni Ryleigh. Pagtingin ko, nakasabit ang binti ni Lycus sa may sanga ng puno habang nakabaligtad naman ang katawan niya.


"Anong ginagawa mo dito?!" sigaw ni Ryleigh at mukhang nagulat din siya sa biglaang pagsulpot ni Lycus. Parang kanina lang ay kasama siya doon sa mga hinahabol nina Romulus at Remus. Ni hindi ko nga naramdaman ang presence niya at kung kailan siya pumunta dito!

"I've been chased by Remus and Romulus since I was young. Masyadong pabor sa akin ang training na 'to kaya nag-quit na ako," sabi niya habang pa-swing-swing pa ang katawan sa ere.


Tumalon naman siya mula doon sa puno at tumayo siya sa harapan namin habang inaayos ang pagkakatali ng buhok niya.


"But seriously speaking, you guys did a good job. 'Di ko akalaing makakatagal kayo sa kanya," sabay tingin niya kay Lorgan.

"But we still failed his test," sagot naman ni Ryleigh.


Nagstay pa kami rito for five minutes and after that ay narinig namin ang sabay na paghowl nina Remus at Romulus. Mukhang tapos na ang challengeni Lorgan sa Divians at gaya namin, wala ring umabot ng isang oras. Siguro kung hindi nagquit in the middle of the chase si Lycus ay siya ang makakatapos sa test ng tatay niya.

Halos lahat ng Divians ay lugmok sa lupa at 'yung iba ay wala nang malay. Karamihan sa mga nahimatay ay ang mga pinakabata. Sina Yano at Lexi naman ay nakita naming nakasandal at nagpapahinga sa tabi ng isang puno at mukhang ayaw na nilang gumalaw mula roon. Sila kasi ang naging target nina Remus at Romulus nung nagkakaubusan na ang Divians. Paniguradong naubos din ang stamina nila sa continuous chase na naganap kanina.

Guardians | Self-Published under TaralikhaWhere stories live. Discover now