Chaper one

7.6K 127 1
                                    

I'm so excited! At long last,makakauwi na rin ako sa wakas. Makakasama ko nang muli si mama at magkikita na muli kami ng best friend ko.

I closed my eyes and lean on my seat,siguradong pagmulat muli ng aking mga mata ay papalapag na ang eroplano. I can't wait to see them all,I'm pretty sure they will all be surprise to see me.

I can still remember how disappointed mama is when I told her that I will stay in Paris after my graduation. She visited me for my graduation ceremony and I can see how happy she is that day. Mama wanted me to go back home after my study,to manage our family business. That is my plan from the start,that business is very important to me and to mama as well,coz papa work hard to make it to the top where we are now. But sadly he died on his sleep two years ago.

Umuwi kaagad ako noong malaman ko ang nangyari kay papa. Hindi rin naman ako nagtagal noon dahil pinabalik din ako kaagad ni mama sa London dahil may eskwela pa akong dapat tapusin kaya limang araw lang ang itinagal ko noon sa pilipinas. I was reluctant at first to leave her on her own but she insist that I should go back to study. I was just so thankful that my father's righthand man was there to look after our business and mama too. I haven't had a chance to talk to him coz he was busy,I saw him once before I left and that was it.

What mama didn't know is that I'm going back home. She thought I accepted the job offer in Paris. She left me in london so unhappy and I felt guilty for that. Kaya heto at babawi ako sa kanya,I missed her so much. Oh gosh! I have so many plans in my mind on how to make it up to her. She is the only family I have now kaya dapat ko iyong I-appreciate. Maraming tao sa mundo ang lumaki ng walang pamilya o di kaya ay maagang nawalan ng pamilya. Maswerte ako at hindi ko iyon naranasan,dahil naging mabuti sa akin ang diyos sa pagbibigay sa akin ng kumpleto at masayang pamilya.

The flight went well,the plane landed safely at the airport. It's four o'clock in the afternoon,I haven't been here for a couple of years. Matapos akong lumagpas sa immigration at makuha ang aking mga bagahe ay nagtungo na ako sa labas at nagpakuha ng taxi. Sa daan ay pinagmamasdan ko ang paligid,wala pa ring nagbago,tulad pa rin ng dati,matraffic pa rin.

I wonder how mama will react when she see me. Napangiti ako sa mga naiisip ko,I missed her so much na,hindi ako makapaghintay na makauwing muli sa bahay na aking kinalakihan. Hindi naman daw siya mag isa doon dahil lagi daw siyang binibisita ng katiwala ni papa pati na rin ng kaibigan kong si Careen. Napansin ko nga na lagi siyang abala,minsan kapag tumatawag ako sa kanya parang palagi siyang nagmamadali na kausapin ako. Sa skype naman ganoon din para siyang aligaga sa paligid niya. I asked her one time pero sabi lang niya wrong timing ako lagi kung tumawag dahil minsan daw busy siya sa bahay o di kaya ay may bisita siya. Hindi lang faw niya ako matangggihan dahil namimiss din daw niya ako at hinihintay lang niya na makatapos ako ng pagaaral para makauwi na ulit ako at magkakasama na kami ng pangmatagalan.

I was so touch ng sabihin niya iyon kaya nakasanayan ko na rin ang kanyang mga kakaibang kinikilos kasi alam ko naman na nililibang lang niya ang sarili niya. Malayo ako at wala na si papa kaya naman kung saan siya magiging masaya ay sinusuportahan ko nalang ang kanyang mga desisyon. Alam kong ang paguwi ko ang makakapagpasaya sa kanya kahit pa pakiramdam ko ay kinakabahan ako. Siguro dahil na rin sa walang nakakaalam ng paguwi ko at iniisip ko masyado ang kanilang magiging reaksyon.

Saktong pagparada ng taxi sa tapat ng gate ng bahay namin ay nakita kong papasok naman ng bahay si mama. Si tita Stella naman ay hinihila na ang gate pasara. Nang makita kong nakapasok na si mama ay lumabas na ako ng taxi.

"Tita!"

Nakita ko ang kalituhan sa mukha ni tita Stella na tumingin sa gawi ko. Nginitian ko siya at sinenyasan na huwag magingay. Nang maibaba na ni manong driver ang mga bagahe ko ay binayadan ko na ito. Lumingon muna ito sa paligid bago muling binuksan ang gate. Patakbong lumapit ako sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. Ramdam ko ang pagkabigla niya sa ginawa ko.

"I missed you tita!"

"Teka! Antonia ikaw na ba yan?"

Hindi pa rin makapanila niyong tanong sa akin. Gumaan bigla ang pakiramdam ko ng yakapin niya akong pabalik.

"Opo! Nasurpresa ka ba tita? Hindi alam ni mama na uuwi ako,kumusta na po kayo? Bakit po pala kayo naandito?"

Humiwalay kami ng yakap sa isa't isa at mataman akong tinitigan ni tita.

Si tita Stella ay ang nakakatandang kapatid ni mama na biyuda na rin. Mag isa na itong namumuhay dahil sa ibang bansa na nakatira ang mga pinsan niya na anak nito. At ang isa nga sa mga anak nito ay ang kanyang ate Esther na naging tuluyan niya na nasa London nakabase.

"Hay naku ka talagang bata ka,sana nagpasabi kang uuwi ka na pala" iginaya niya ako papasok "alam mo bang matagal ka ng gustong makauwi dito ng mama mo? Kaya nga ako naandito para samahan siya dahil namimiss ka na daw niya at nalulungkot siya dahil sinabi mo daw sa kanya na may trabahong nakaabang sayo sa Paris,mabuti nalang at may mga pinagkakalibangan ang mama mo..."

"Oh tita,hold it! Mahina ang kalaban" natatawang sabi ko sa kanya "I know all of that tita,I just want to surprise her kaya hindi ko sinbi na uuwi na ako for good,saan po ba ang punta ni mama?"

"Magpapahinga daw muna siya at napagod ng sobra ngayong araw ng dahil sa mga bat..ay siya nga pala nasa kwarto lang ang mama mo"

Napansin ko ang pagputol nito sa sasabihin sana nito. Hindi ko na ito natanong dahil nagsalita itong muli.

"Ipapapasok ko na lang ang mga gamit mo sa mga katulong,tiyak na matutuwa nito ang mama mo,sige na puntahan mo na siya,tatawagin ko nalang kayo kapag handa na ang hapunan,ipagluluto kita ng mga paborito mong pagkain"

Muli niya akong niyakap bago ito nagtuloy sa kusina.

Habang paakyat sa ikalawang palapag ng bahay pakiramdam ko ay namamahay ako sa sarili naming tahanan. May pagtataka man akong nararamdam ay ipinagwalang bahal ko nalang ito sa kadahilanang matagal akong nawala dito. Nagtungo ako sa kwarto ni mama,kakatok na sana ako ng may marinig akong boses sa loob.

"Sige hijo salamat muli aa pagpasyal niyo dito,sana dito nalang kayo nagpalipas ng gabi...alam ko...sige na at baka naabala ko na kayo..bye"

Nang masigurado kong wala ng kausap ito ay naghintay ako ng ilang sandali bago dahan dahan kong pinihit pabukas ang pinto ng kwarto nito. Maingat kong binuksan ang pinto,sinisiguradong hindi makakagawa ng ingay. Nang tuluyan ko itong mabuksan ay tumambad sa akin ang nakahigang si mama. Nakapikit ito at halata ang pagod sa mukha nito. Bigla ay sumalakay ang awa para sa aking ina na matagal ko ng hindi nakakasama. Nakatulog na siguro ito sa pagod,masyado siguro siya talagang nalulungkot sa pagkawala ni papa at sa pagkalayo ko sa kanya kaya siguro ibinubuhos niya ang panahon sa maraming bagay na makakapuno sa pangungulila niya.

Lumapit pa ako ng husto sa kama,hinaplos ko ang buhok niya na nagkukulay abo na. Hinalikan ko ito sa noo at naisipan kong tabihan ito sa pagtulog nito. Pero hindi pa man ako nakakahiga ay naagaw na nito ang atensyon ko.

"Antonia! Anak ikaw na ba iyan?"

Lumapit ako kay mama at niyakap ko ito ng mahigpit.

"Opo mama! Surprise"

Past is the presentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon