Damn it! Damn me! Of course, Keaton. Who would help you kung ikaw mismo ang nakasakit sa taong hinahanap mo? How did you got the nerve to even ask for help from her friends? Hindi nila ipagkakanulo ang kaibigan nila sa isang taong tulad mong walang ibang dala kundi pasakit. Who would help you now? No one will, Keaton. No one. And this is your karma.

Bago pa man sila makapasok ay tinawag kong muli si Arriane.

"T-Teka lang ..." ani ko't hinarap siya. Humarap silang dalawa sa akin. "May nais pa akong malaman tungkol sa nangyari kay Raine at Clark."

Nagtangis ang bagang ni Vander sa aking sinabi.

"Hi-Hindi ko a-alam ang tunay na nangyari noon. Ano ang tunay na nangyari sa kanila noon? P-Please, kahit ito lang ay ma-masagot ninyo ako."

Ngumisi si Arriane sa akin at nilapitan ako. She brought her right hand to my left cheek. Sobrang sakit nung pagkakadiin ng palad niya sa aking pisngi. Ang sakit nung sampal pero alam kong karapat-dapat ako sa sakit na iyon.

"That's for hurting Gremaica all this time after that incident. Now, about what really happened? Well ..." bahagya syang napailing sa akin. "Pinlanong ipagahasa ni Britanny si Gremaica kay Clark."

"I-Ipagahasa?" gulo kong tanong.

"I bet you got the pictures, right?" mataray na tanong sa akin ni Arriane pero mas nalito ako sa kanyang tinuran.

"A-Anong pi-pictures?"

"Pictures na mayroong nangyari kay Clark at Gremaica. It was a set-up planned by Britanny all along."

Kumunot ang noo ko. "Ni-rape ni Clark si R-Raine?"

"Hindi. Pero muntikan na, Keaton. Dahil sa laking katangahan mo," mariing sagot ni Vander sa akin.

"A-Asan si Clark? Dapat syang ipakulong. Nasaan na sya ngayon?" nanginig ang aking boses sa isipang walang kasalanan si Gremaica sa nangyari. Naset-up lamang kami. I wanna punch myself. No, I wanna kill myself.

"Well, too late for your whims, Salvador. Kami na ang gumawa nun para sa'yo noon. Pero dahil sa bait ni Gremaica, pinalipas niya lang ang lahat. Kahit si Britanny na may pakana ng lahat, hindi na niya hinabol pa para kausapin dahil ang kapatawaran mo ang mas una nyang kailangan. Naglabas si Clark ng statement na hindi niya ginahasa si Gremaica at ang lahat ng kanyang ginawa ay dahil lang sa plano ni Britanny na sirain ang relasyon niyo ni Gremaica. At dahil sobrang talino mo, naniwala ka sa pictures, hindi ba? Kaya nangyari ang lahat ng ito. All because of you, Keaton. Dahil sa'yo!"

"K-Kasalanan ko," sambit ko sa aking sarili.

"Yes, your fault. Now, if you're satisfied with the answer you got, makakaalis ka na, Salvador," si Vander ang nagsalita.

Hirap akong magdrive nang oras na iyon. Ang sakit ng ulo ko sa nalaman at hindi ko alam kung anong gagawin ko.

"Shit! Fuck!" sambit ko at hinampas ang manibela. "Ang tanga mo, Keaton! Ang bobo mo!"

Hindi ko akalaing naniwala ako sa lahat ng pictures na pinadala noon ni Britanny sa condo ko. Siya pa mismo ang pumunta doon sa akin para ibigay ang pictures. Bakit hindi ko naisip na gusto lamang kaming sirain ni Raine? Bakit ang tangi kong naisip ay ang nasa picture? Ni hindi ko inalam kung totoo bang nangyari iyon. At hindi ko pa pinakinggag ang pagpapaliwanag ni Raine sa akin noon.

And now, we're in this big mess, all because of me. Of my stupidity. I am the biggest jerk, ever.

Napasabunot ako sa aking buhok bago mabilis na pinasibad ang aking kotse. I need to find Raine really really very soon.





***

GREMAICA'S POV



Hindi ko alam kung tama ba ang desisyon kong tuluyang lumayo kay Keaton. But right now, I am putting my child's sake first. Hindi ko kailangang isipin kung kakayanin ko ba o hindi, kundi dapat sigurado ako na kakayanin ko dahil hindi nalang ako ang binubuhay ko ngayon. Sa loob ko ay narito sa aking sinapupunan ang anak namin ni Keaton. Anak namin ...

I smiled at the thought.

Pero bumalik muli sa isipan ko ang nangyari noong isang gabi. Nanginig ang aking labi sa pag-alala nun. Kumirot ang puso ko at naramdaman ang panunubig ng aking mga mata.

Hindi. Ito ang ginusto ko kaya papanindigan ko. Kakayanin ko. Paano ko mapapatunayan na magiging mabuti akong ina kung hindi ko kayang panindigan lahat ng magiging desisyon ko para sa anak ko. Kahit mahirap na ako lang mag-isa ang tataguyod sa kanya, hindi ko iindahin iyon. Titiisin ko lahat ng sakit at hirap maibigay lang sa anak ko ang buhay na kailangan niya. Iyong kumpleto at masaya.

Kakayanin natin. Di ba, baby? Mahina kong hinaplos ang aking tiyan.

Baby ...

"Ma'am? Do you need anything, ma'am? Coffee? Tea? Extra pillow?"

Nginitian ko ang babae. "No need, miss. I am fine. Thank you."

"Okay, noted ma'am. Have a great day."

Ngumiti akong muli bago humilig sa bintana. Tinatanaw ko ang mga ulap na animo'y cotton candy na lumulutang bago naramdaman ang paghapdi ng tiyan ko.

"Shit!" Nasusuka ako. Talaga? Ngayon mismo?



***

Short chapter because the next chapter will be long. Hahahaha! :(



Whose story is HIS FORGOTTEN LOVE?

Answer is ... hmm. Extended until the next chapter. Kung nais nyong madedicate'an ng isang chapter ng Her Unwanted Love. Answer now!

- teensupreme x

Her Unwanted Love (Salvador Series #1)Where stories live. Discover now