Chapter 43: The Prince and the Princess

Start from the beginning
                                    

napatingin naman ako sa alarm clock ko. 9:23am

"ang aga pa. Tinatamad pa ako. Alam mo bang napuyat kami. 3am na yata ako nakatulog"

muli akong humiga at niyakap unan ko.

Hayst. Inaantok pa ako.

"dali na. May ibibigay ako sayo para hindi ka na tamarin."

"hindi yan effective.. Tulog kelangan ko."

pinikit ko na yung mga mata ko. Gusto ko pa talagang matulog ngayon. Kahit mga 1hr pa.

"aw. Sayang naman pala. Ang hirap pa naman hanapin nito."

hindi ko sya pinansin. Nanatiling nakapikit yung mga mata ko.

"hmmm. Ang sarap yakapin nitong baboy.. Parang ikaw lang Ash"

psh.double meaning ba yun? Masarap akong yakapin o para akong baboy?

Tinignan ko sya. Nakayakap sya sa malaking pink na stuffed toy.

"omg!!Piglet!!!!"

napabangon ako bigla at walang pasabing kinuha yung stuffed toy. Ang laki nya. Grabeh! Parang kaheight nya yung mga 7yrsold na bata. Waaaaahh! Hindi common yung ganito. Mahirap na kasi talaga maghanap ng ganito kalaking Piglet. Pwede pa kung si Pooh.

"Akin nalang toh ah?"

"sayo talaga yan."

“Yeheyy! Thank you! thank you!”

parang nabuhayan talaga ako dito. Yinakap yakap ko ng mahigpit si Piglet. Ang lambot! Ang laki pa! Sarap-sarap nyang yakapin. Halos magpagulong ako sa kama habang yakap yakap yung stuffed toy.

"sana yung nagbigay may yakap din na ganyan."

pabulong-bulong pa sya, naririnig ko din naman. Ayan oh, nakapout na naman sya. Ahaha. Dinedma ko lang yung sinabi nya. Hinigpitan ko pa lalo yung yakap ko kay Piglet.

Hmmm... Ang bango nya. Kaamoy nya si Daniel kaya masarap talaga syang yakapin.

"ano kayang name mo?"

ano kayang bagay sayo? Hindi ka na piglet eh. Baboy ka na. mwahaha.

"dey-dey"

napatingin naman ako kay Daniel.

"bakit dey-dey?"

"Para short for Daniel"

"Psh. Ang korni.. Panget"

I rolled my eyes and niyakap yakap ulit si Dey dey. Yah! Ang kyut talaga!

Oo na! Defense mechanism ko lang yun. Bakit ba?! Gusto ko syang inaaway eh. Mean! Mwahaha.

"tss. Sino ba nagbigay?"

"k. Fine. Dey-dey!"

pinisil ko yung pisngi nung stuffed toy at hinalik-halikan. Waaah! Natutuwa talaga ako! Super love ko yung gift nya.

Parang nagniningning yung mga mata ko ngayon sa sobrang tuwa.

"binabawi ko na pala yung regalo"

Silently In Love (Completed)Where stories live. Discover now