Kung gaano kaingay at talkative ang batang 'to, ganoon naman ka mahiyain ang Kuya niya sa harapan ko.
"Bakit parang lahat ng hiya na dapat na sa 'yo ay napunta sa Kuya mo? Tingnan mo, kahit sabi niya ay kaibigan na kami ay nahihiya pa rin siya!" I ranted. "Kulang na lang ay kahit pagtapak niya sa bahay ay ikakahiya niya pa."
He scoffed, looking for disagreement. "Sa kaniya ko rin naman nakuha ang pagiging expressive, eh! Ewan ko, parang ngayon ko lang siya nakitang nahiya ng malala. Dati ba kayong magkaaway?" He suspected.
That question brought so many memories from a month ago. Even last year's competition. But, on the brighter side, we become friends now.
"Hindi naman. . . masyado?" I answered, contemplating if I would tell him that 'past one sided rage' kung sakali mang totoo ang sinabi ni Prezie na iniinis lang ako ni Uno simula una pa lang. "It's just a small irritation for two competing teams. It's not that serious, I guess."
I saw him nodding seriously, handang makinig. Chismoso nga talaga 'to.
"Kaunting inis lang naman pero alam kong hindi naman seryoso. Not until one night. . . nasuntok ko siya." That's the cue for him to face me. " But, at least we became friends now."
"Nasuntok mo siya?" he clarified with his shocking face. "Paano?"
"It was an accident, okay?" I defended myself. "Hindi ko naisip na magtanong muna. It's a long story but one thing is for sure, I already apologize to him for that mistake. I know I'm at fault so we are good now."
Tumango naman siya, binubuksan na ang isang hose at pinaliguan na ang bandang harapan ng kotse ko. "Kaya pala parang nahihiya siguro si Kuya, kasi parang magkaaway kayo tapos biglang nandito kami sa bahay niyo!"
I was amazed by his words. And it now somehow made sense. "Palagi ko rin naman siyang sinasabihan na hindi na dapat siya mahiya. It will only make things worse. Pero, magkakasama naman kami sa nationals kaya baka mabawasan na rin ang hiya niya."
We continued cleaning the car while we were also busy talking for some random whereabouts. Maganda rin talaga kausap 'to kasi parang bitbit niya palagi ang lahat ng emosyon niya. Hindi ka makakaramdam ng boredom.
"Alam mo, minsan ko ring ginusto magkaroon ng kapatid dati, eh. Kaya lang, may mga pangarap na hindi talaga pwedeng makuha." I said when he asked me if I even wanted a baby brother before dahil sinabihan ko siya na ako lang ang tanging apo ni Lola. "Hindi ko naman siya masyadong dinamdam dahil pagkatapak ko sa high school ay nakilala ko ang mga kaibigan ko. 'Yun mas maingay pa sa batang paslit, daig pa ang mga batang makulit!" I boasted playfully, wearing my laughing face.
"Ganyan din si Kuya sa akin, ayaw niya akong umiiyak dati kasi hindi siya makapaglaro. Pero. . . hindi naman 'yon gumana dahil imbes na maglalaro siya kapag hindi ako makulit ay naging tutoring session namin. Sabi pa niya, nakikialam daw ako sa mga notebook niya noon kaya tinuturuan na niya ako. Magaling din siya sa Math, halos sa kaniya ko nga namana lahat ng talino ko lalo pa sa mga pagsali sa mga contest. Suki siya dati ng mga research contest at mathematical competitions." Sabi niya at kumuha ng pagkain mula sa pinahanda ko kay Manang.
We ate snacks after cleaning my car. Sinama ko na kasi ang isang sasakyan dahil sa mga susunod na linggo pa ang uwi ko dito at baka masyadong dumugin ng alikabok.
Hindi namin halos inakala na tapos na pala dahil nag-uusap kami. Kung ano-anong pinagsasasabi niya tungkol sa mga nangyari sa kanila ng Kuya nila noon kaya nakikinig din ako dahil wala naman akong magawa.
Kung makapag-usap kami tungkol kay Uno ay akala mo naman talaga ay wala sa paligid ang tao. Baka nga magulat na lang kami at lumitaw 'yon bigla rito o hindi kaya ay matisod dahil pinag-usapan namin siya.
"Ikaw? Ano pang naging gawain mo noon bukod aa pagiging pogi at hampas ng bola gaya ni Kuya?" he asked again.
"Hmm, journalism at science club lang din. I joined a research contest also but in the science field, kaya ko naman ang math pero mas interested akong sumubok ng iba noon. Parang sabi nila, explore your surroundings first before exploring others'."
Pinagkrus ko ang braso ko sa bandang dibdib at tiningala ang second floor. "Nasaan ba ang Kuya mo?"
"Baka nag-aaral?" hindi siguradong tugon niya.
My mouth formed an 'o' before facing the young man in front of me. "Anong gusto mong ulam?"
"Kung anong available, hindi naman ako mapili sa ulam." Mabilis niyang sabi. "'Yan ang una at palaging paalala ni Kuya sa akin, kung ano ang nakahain, magpasalamat sa halip na magreklamo!" he chuckled.
Hindi ko rin alam kong seryoso ba niyang sinusunod ang mga bilin sa kaniya ng Kuya niya dahil palagi lang siyang nakangisi. Kung kapatid ko siguro 'to tapos pikunin ako, baka nainis na agad ako. Buti na lang hindi at wala rin akong kapatid.
Nagluto nga kami ng tanghalian namin dahil balak naming kumain muna saglit nago maghanda sa pag-alis. Hindi umuuwi si Lola kaya balak naming doon na magpaalam sa opisina niya, dadaanan na lang namin saglit.
"Wala ka bang girlfriend?" tanong bigla ni Lyndex na na siyang dahilan upang mapatingin ako sa kaniya. " O, ex ba kamo?"
"Wala, hanggang ex crushes lang ako, ayaw siguro nila sa pogi tapos mabait," I joked which earned a loud laugh from him.
"Hindi naman kasi halata sa mukha mo, parang handa kang mangagat!" he even having a hard time stopping himself from grinning! "Pareho kayo ni Kuya, hanggang crush lang din 'yon!"
"Uhuh? Paano mo naman nalaman?" tinaasan ko siya ng kilay.
Umismid siya, sigurado sa mga sinasabi niya. "Minsan lang 'yon magkagusto sa mga babae. May binigyan siya ng bulaklak noon pero hindi na nasundan. I assumed hindi siya na crushback kaya. . . single ulit siya kahit palagi naman siyang single." He said boredly.
So, marunong pala siyang magkagusto? Parang hindi halata dahil palaging nahihiya.
Pinatawag ko sa kaniya ang Kuya niya para makakain na kami kaso susunod na lang daw kasi tinatapos niyabpa ang huling parte ng reviewer niya.
"Salamat sa pagkain," sabi ni Uno nang bumaba siya at tumabi kay Lyndex ng upuan. "Nawala kasi sa isip ko dahil nag-aral ako ako sa kwarto mo. . ." he said slowly.
"Don't worry, it's all fine." I assured him that it
won't bother him that I cooked for our lunch today. "Tinulungan naman ako nito, lalo at umalis si Manang saglit."
After eating our lunch, we get ready for our departure. Sa guest room siya naligo para mas madali raw kaming matapos at hindi na kailangan pang hintayin ang isa't-isa.
I just settled myself for a black shirt, denim short at puting sapatos. Ako ang unang nakarating sa sasakyan dahil kaunti lang naman ang bitbit ko dahil marami akong damit doon.
Nang makita ko silang paparating na ay bumaba ako sa sasakyan at pinagbuksan sila ng pinto. Mukhang hindi iyon nakita ni Uno dahil humawak pa siya sa hawakan ng pinto kaya nagtama ang mga kamay namin.
Mabilis akong bumitaw at sumakay ulit sa driver's seat. For fuck's sake, my nervous system was now ready to explode! Ako na nga ang nag-adjust para hindi siya mahiya ako pa ata ang mamatay sa kaba dahil lang sa hindi ko alam na rason.
Kumunot ang noo ko nang makita ko silang nakaupo pareho sa back seats. "Sino uupo rito sa passenger seat?" mahinahong tanong ko. "Sige na, pars makaalis na tayo." It's just. . . it bothers me seeing them like a suffocated mannequin.
Nakita ko pa sa rearview mirror ang pagtingin ni Uno sa kapatid niya pero ngumuso lang ito. "Kuya. . . pwede bang ikaw na lang doon? Balak ko kasing matulog dito, eh, tapos hindi ako makatulog kapag nakaupo."
Sa huli, wala ring nagawa si Uno at bumaba roon para lumipat sa katabi kong upuan.
"Fine," he said, gaving up now. "Just be careful, okay? Baka mahulog ka," sabi niya at pasimple akong pinasadahan ng tingin pero nakita ko pa rin 'yon kaya natawa ako ng mahina.
YOU ARE READING
Snippets of Our Future (Commit and Run Series #2)
RomanceFrom the crowd's shouts whenever Zacchaeusse Euseff, the Fighting Maroons Volleyball Team Captain, steps onto the court, to the victories he earned during his reign as team captain-he's no stranger to the spotlight. But somewhere along the way, some...
Chapter 17
Start from the beginning
