Chapter 8
—
Call
The gang decided to have a celebration two days after the semifinals games. This isn't just about the game, because Vince got another big break in the showbiz industry.
Mas lumalaki na ang opportunity niya dahil nadadagdagan ang mga malalaking kompaniya na kumukuha sa kaniya. Well, he truly deserves all of the blessings he gets.
"Hoy, Gideon, baka masunog tayo rito!" narinig kong reklamo ni Migs. "Wala pa naman tayong trabaho para bayaran 'to..." ngumuso siya na para bang problemadong-problemado.
Binatukan siya ni Bench. "Gago, eh, ang yaman niyo nga!"
I burst out laughing. "College will really humble us, 'no? Pati ang pagiging mayaman ni Migs, nakalimutan, eh."
Sumimangot naman ang huli. Inayos saglit ang backward cap niya at humilig sa upuan. "Kahit na, hindi ko naman pera 'yon. Nanghihingi nga lang ako."
"Chill, kaya naman tayong iligtas ni Bench, eh. Pambansang bayani ba naman ng nga sawi!" Gideon laughed from the kitchen.
Narinig 'yon ni Bench kaya mabilis na nagbago ang emosyon sa mukha niya. "Tangina mo, ikasal sana boyfriend mo sa iba!"
Humalakhak kami sa narinig namin. Grabe talaga ang bibig nito! He really copied our behaviour. Hindi naman 'to ganito noong high school pa kami.
"Kinasal na kami kahapon, ulol! Hindi ka invited kasi pangit ang ugali mo!" Gideon shot back.
"Tumigil na kayo. Ipahampas ko kayo kay Zeus, eh. Sayang ang rest day niya kapag nagsusumpaan lang kayo!" si Migs.
Basically, yesterday was our rest day for the game... but coach informed us earlier this morning that we will be having our practice tomorrow.
Next week pa ang finals kaya may training pa kami. He even gave us permission to eat whatever we wanted for a day. May lakad siya at importante 'yon dahil para sa finals naming laro.
Bukas, babalik na ulit kami sa trainings at lalong pagpapatibay sa team namin. Mahirap na, this is like the dream we've been looking forward to.
Hindi biro ang pinagdaanan namin para lang makahatid ng magandang laban. Dahil sa loob-loob ko, kahit pa nakuha ng team namin ang panalo sa mga kompetisyon noong mga huling laban ay ganoon din ang mangyayari sa amin.
I really do have confidence on our team but in this sport, everything was uncertain. Kahit pa lumamang kayo, aasa na kayong mananalo kayo. Isang simple, isang maliit na pagkawala sa sariling taktika ay posibleng umikot ang tadhana.
Dahil kapag finals ang usapan, nararapat na bigyan ng espasyo ang ganitong mga haka-haka sa ating isipan upang maging bukas tayo sa posibleng daan para makahanap ng solusyon.
He was busy with his phone and for once, I would really think that he is already in a relationship.
Hindi na ako bumoses dahil mukhang busy siyang makipag-text sa kausap niya. He would sometimes laugh and giggled in a most unnoticeable one.
Nang magkatinginan kami ni Gideon dahil nababaliw na siguro 'to sa nga readings niya o baka naman... inlove. Nasapak pa ni Migs si Bench dahil tinawanan siya ng malakas.
"Ang landi, hindi halata sa tigas ng pagmumukha!" hindi tumigil si Bench. "Corny mo."
"Ikaw nga hindi minahal," mabilis na sumeryoso ang mukha ni Bench. "Okay lang 'yon, friends naman kayo!"
Nang sumeryoso siya ay siya naman ang tinawanan namin. Na maging si Gideon na nagluluto ng beef steak niya ay tumawa na rin.
"Aray, sakit mo naman magsalita, Migs..." pagsakay ko sa sinabi ni Migs.
YOU ARE READING
Snippets of Our Future (Commit and Run Series #2)
RomanceFrom the crowd's shouts whenever Zacchaeusse Euseff, the Fighting Maroons Volleyball Team Captain, steps onto the court, to the victories he earned during his reign as team captain-he's no stranger to the spotlight. But somewhere along the way, some...
