Chapter 5

11 2 0
                                        

Chapter 5

Meal

"Duda na ako sa kaaway mo, eh. Parang iniinis ka lang naman," sambit ni Prezie habang sumisimsim sa shake niya. "Kasi isipin mo ha, parang hindi naman siya galit sa 'yo because he keeps interacting on your posts."

Hindi ko rin naman maintindihan kapag nakikita ko iyon sa store. Minsan, iniinis ako tapos minsan galit pa.

Sinamahan ko siyang pumunta sa National Bookstore dahil kinulang raw ang materials niya sa structural plates namin. It has been a week since the day I uploaded that fucking thirst-trap.

Mas mabilis ang paglipas ng panahon, mas malapit na ang semifinals match namin. Kaya kahit pagod galing practice, I always tried to make time for my plates since I don't want to be bombarded after our games.

Kaya naman, need lang ng kaunting pahinga. The Dean also suggested that I could submit my plates and other assessments after the semifinals but I refused since it would only mean that I will be left behind.

Pwede rin namang hindi na ako mag-submit sa ibang plates since sabi ng professor namin ay madaling subject lang naman 'yon kaya pwede na raw na markahan nalang akong pasado pero hindi ako sumang-ayon dahil kapag nangyari 'yon, mawawalan ako ng pagkakataon to learn about that subjects. Iba pa rin kasi kapag hands on application para kapag nagtrabaho na, hindi matutulala kasi hindi nakasubok na gawin iyon habang nag-aaral pa lamang.

"Fuck him, I don't really mind his comment. Well, that comment somehow brought more engagement on my account." Sumandal ako sa upuan ko habang hinihintay siyang matapos sa kinakain niya.

National bookstore na napunta naman sa foodcourt. I am strict with my meal plan because our game is just in the corner. Mahirap na kapag nahirapan akong tumalon. 

"I'm also planning to post some of my videos on facebook. Tres told me that I could earn money using my videos," sabi ko. "Kaso busy pa ako kaya matatagalan pa."

"Pwede naman kaso mas maraming bashers roon, eh. Pero sanay kana naman kasi palagi kang binabash niyang kaaway mo!" she laughed, mahina lang iyon dahil may mga bumili rin malapit sa inupuan namin.

"Can we please stop talking about that demon? It would only mean that I am so weird talking on his back."

Umalis na rin kami kaagad dahil tatapusin niya pa ang plates niya at pag-aaralan ko pa ang isang subject na nakatulugan ko kagabi sa pagod. Madali lang naman iyon kaya hindi ko masyadong dama ang pressure.

After reviewing, dumiretso na agad ako sa training namin. Mas maaga na kumpara sa dating schedule namin dahil mas focus na si coach sa bawat laro namin. He even filed a leave on his work so he could focus on how to improve our plays. 

Our team really willing to give their all because we're now close to finals. We need to prove our self again this year lalo na't may mga bago kaming teammates but I could say na malakas ang team namin.

Frat and Tres was really serious on their beef with the ateneans because they can't let the day pass without discussing those people. Nalaman ko rin na nakasuntukan pala ni Tres ang isa roon kaya seryoso talaga siya sa galit niya.

"Palagi kong bilin sa inyo, 'di ba? 'Wag kayong matakot kapag nababaon kayo sa puntos! Think wisely kung paano makakabawi!" coach blurted.

Gaya ng dati, nakahati pa rin sa dalawa ang grupo at nabaon sa puntos sila Tres sa kabila dahil distracted siya. Ilang beses na siyang pinagalitan dahil halos hindi na niya matantya ang bawat serve niya. Pinagsabihan ko rin siya kaya medyo nagigising na sa kung ano man ang iniisip niya.

"Tres! Ayusin mo ang serve mo! Top server ka naman sa huling laban natin, ah? Anong nangyari?" we could feel coach's frustration dahil hindi na balance ang team. Masyadong lugmok ang kabila.

Snippets of Our Future (Commit and Run Series #2)Where stories live. Discover now