Chapter 9

6 2 0
                                        

Chapter 9

Trigger Warning: Mention of Trauma.

Friends

Before we left the rest house, we took a lot of photos for remembrance. Because we know for sure, matagal pa ang kasunod nito.

Lalo at patapos na ang taon, patapos na rin ang semester kaya tambakan na naman ng activities.

Vince posted it on his instagram account and tagged all of us. We agreed with that. Para hindi na paulit-ulit ang mga mukha namin, besides, mas pala-post si Vince sa mga mukha namin along with Bench.

"Naisara mo ba ang stove, Sam?" Vince asked panickly.

I saw how the evil smile appeared in Sam's face for a second. "Huh? Hala, hindi ako sigurado..." kunwaring pagkakamot niya ng ulo. "Puta, pati 'yong tubig sa banyo!"

Tahimik ang iba dahil mukhang na briefing din ni Sam. I'm sure Gideon planned all of these.

"Gago! Teka, lalabas muna ako saglit! Baka sumabog 'yon!" he rushed outside to go back to his rest house. "Ang bill ng tubig ko!"

Nang makababa na siya sa sasakyan ay tsaka lang dumungaw sa bintana si Gideon at tumawa ng malakas.

"Joke lang, hoy! Ito naman, mukhang ama na paranoid na talaga, eh!" and all of the boys, laughed too.

"Tangina niyo, pababain ko kayo sa sasakyan, eh!" narinig naming sigaw niya sa labas kaya tumahimik na rin kami kaagad.

Nakabusangot pa siya nang buksan niya ang pinto kaso dahil si Migs ang nasa bandang pinto ay kailangan pang lumabas ng gago sa sasakyan para makapwesto si Vince sa dati niyang upuan.

"Aray, tangina naman," pagmumura ni Migs nang maipit siya sa pintuan ng kotse. "Grabe, nakitawa lang naman ako. Na karma pa!"

Nagtawanan ulit kami sa loob ng sasakyan, syempre, nangunguna si Bench diyan. Kahit siya ang nagmamaneho ay hindi talaga nagpapaawat sa pagtawa.

"Buti nga sa 'yo!"

"Bench, kapag talaga tayo ay nabangga!" banta ko sa kaniya. "Akala mo naman talaga, mga teddy bear lang ang mga sakay, eh!"

When we reached the highway, the group became serious. Hindi na rin tumatawa si Bench kaya hindi na ako nabuburyo kakasabi sa kaniyang umayos sa pagmamaneho.

I used my earpods when I decided to sleep also, medyo malayo ang rest house sa mga condo namin kaya pwede pang maka-idlip ng kaunti.

Bench volunteered to be the driver since he wasn't sleepy. Ang iba, maaga kasi nagising kanina dahil naninibago sa tinitirhan. I also offer but Bench wanted it so I just shrugged it off.

It was around eleven in the morning when we arrived to our places, dahil sasakyan 'yon ni Vince ay silang dalawa ni Bench ang huling sakay ng sasakyan. Mukhang ihahatid pa ni Vince ang isa bago umuwi sa condo niya.

Nagluto na agad ako ng pagkain para makapaghanda na sa training namin. It will be in a few hours. I watched a movie while eating my lunch, romance ang pinapanood ko dahil 'yon ang una kong nakita.

I looked like a prison that I have given time to enjoy. Mukhang nagmamadali dahil sa susunod na mga oras ay ikukulong na. Enjoy the moment for the last time.

Kung makaasta, parang pagbabawalan na talaga, eh. Pupunta lang naman sa training. Maybe, I really enjoyed last night with the gang so my system still wanted to have fun.

Nang matapos ako sa panonood ay naligo na agad ako. Our training will start at three in the afternoon so I should arrive there thirty-minutes before the call time so I could help on setting the place up. We'll especially start our training with drills. One of the tiring phases.

Snippets of Our Future (Commit and Run Series #2)Where stories live. Discover now