Chapter 4

11 2 0
                                        

Chapter 4

Thirst-trap

In a world where people don't have the chance to speak up, journalists would. I remember how cruel this world is to people who just wanted to make a living.

They want everything to the point that they forget how to be good to others or be a gentle one at least.

Magulo na ang bansa natin pero mas gumugulo dahil sa salungat na pananaw ng bawat isa. At doon natin nakikita ang liwanag na bitbit ng isang mamamahayag, nagsisilbing ilaw sa madilim na daan.

And I hope that the light they carry won't be blown by the higher ups. We only have them if people are still in a fight.

"Nakakainis ang mga nangyayari ngayon, 'no? 'Yung tipong gusto mo nalang maglaho sa bansang 'to o hindi kaya'y magkakaroon ako ng super power para banatan lahat ng kurakot na 'yan!" Prezie problematically sighed.

And I couldn't agree more. Kapag palagi sila sa upuan nila, pinagsisilbihan ng mga alagad niya na imbes sila mismo ang magtulungan para mabigyan ng tamang serbisyo ang mga mamamayan na nagdala sa kanila sa posisyon na 'yan.

"We deserve what we tolerate. We need changes and yet we're voting for the same politicians again and again." Sagot ko habang nag-aayos ng mga gitara ko sa kwarto.

Nasa unit ko si Prezie ngayon dahil dito niya naisipang kumain ng lunch. I just nodded since she wants to sleep first before going to our next subject.

Nakabukas ang pintuan ng kwarto ko kaya naririnig ko ang mga sinasabi niya habang nakaupo sa sofa sa living room at nanonood ng mga balita.

"What a mess. Mess nga pero wala namang naglilinis, dinudumihan pa," I heard her walk to the kitchen to maybe check the food she cooks. "Kumain nalang tayo, luto na ang pagkain, Sir!" she shouted so I could hear her from my room.

Ang haba ng buhok, kasing ikli ng hikaw niya ang dala-dalang pasensiya. 

Tumigil ako sa pag-aayos ng gitara ko sa kwarto at saka siya pinuntahan sa dining. Nakahain na ang lahat habang nakasimangot ang mukha. Hindi ko alam kung dahil pa ba sa balitang nasagap namin o ano dahil kanina pa siya tingin ng tingin sa phone niya.

"Hindi mo sasagutin?" tanong ko. Tinuro ko ang phone niya habang busy siya sa pagkuha ng pagkain. Nagkibit-balikat lang siya at kumagat sa friend chicken na hawak niya.

After we eat our lunch, we rest for a while. Sa guest room siya habang sa kwarto naman ako. I just scrolled through my phone hanggang sa makatulog ako. Nagising nalang ako nang makarinig ako ng katok sa kwarto.

"Bilisan mo, tangina ka! Alas singko na, Euseff!" mabilis akong napabangon at agad na humarap sa salamin para mag-ayos tsaka kinuha ang bag at susi para umalis.

Buti na lang at mukhang pareho kaming nakatulog ng prof namin. Pareho kaming late pero mas late nga lang siya.

"Gago, Euseff! Ang pogi ng kaaway mo, oh!" napadaing ako ng bigla niya akong kurutin sa tagiliran habang naglalakad kami sa hallway palabas ng building namin.

"Damn, Prezie. That hurt so bad!" sagot ko habang hinihimas ang tagiliran ko.

"Tingnan mo kasi, ang gwapo niya," hinarap niya sa akin ang phone niya at agad ko namang tiningnan iyon dahil obviously, wala akong choice dahil malapit na sa mukha ko ang phone niya.

It was a video of Uno on tiktok while mumbling the lyrics of Sinabmarin by Andrew E. na kanta. He was wearing a gray sando shirt na nakataas hanggang dibdib. May  suot siyang headset sa leeg habang nagli-lipsync sa lyrics. Bigla siyang nagsuot ng salamin sa pagtatapos ng kanta hanggang sa natapos ang video niya.

Snippets of Our Future (Commit and Run Series #2)Where stories live. Discover now